bc

MY DREAM STAR

book_age12+
2.2K
FOLLOW
11.5K
READ
friends to lovers
aloof
bxg
like
intro-logo
Blurb

Dala ng desperasyon na tigilan na siya ng boss nya na may pagka-stalker, ginawa ni Erica ang bagay na hindi niya akalaing gagawin niya – ang humanap ng magpapanggap na boyfriend niya sa isang bookstore sa alanganing oras. Sa awa ng Diyos may nahanap naman siya – si Alex. Ubod ng guwapo at macho kaso to the highest level din ang pagiging suplado.

Akala niya maibabaon na niya sa limot ang gabing tinopak ang kanyang kagagahan. She was wrong. Kasi si Alex pala ay walang iba kung hindi si Zander Uijleman – the number one male model in Asia and one of the top models under Timeless Modeling Agency. Ang agency kung saan siya sumunod na nagtrabaho.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Binilisan ni Erica ang paglalakad. Kanina pa siya may nararamdamang kakaiba. She knew she’s being followed. Humigpit ang hawak niya sa shoulder bag niya. Mahirap na. Kahit maliwanag at maraming tao sa Ayala hindi pa rin siya dapat maging kampante. Lalo pa niyang nilakihan ang mga hakbang. Relief rushed over her when she saw a huge bookstore. Tama. Papasok muna siya doon at magpapalipas ng oras. Itutulak na niya ang glass door ng may kamay na humawak sa balikat niya at pinihit siya paharap. “Erica, it’s me.” The man said when she was about to scream. “Boss,” gulat na nasabi niya. Pero imbes na makahinga ng maluwag lalo pa siyang nataranta. Pasimple pa siyang lumayo para mabitawan nito ang balikat niya. Kakapasok niya pa lang bilang copywriter sa kompanya nito nahalata na niya na kursunada siya ng lalaki. Hindi nga siya nagkamali kasi ilang araw lang ang nakalilipas hayagan na itong nanligaw sa kanya. Hindi naman ito prangkahang matanggihan ni Erica. Una kasi boss niya ito. Pangalawa kailangang kailangan niya ang trabahong iyon. “Sorry, did I scare you?” hinging paumanhin nito at bahagya pang pinapungay ang mga mata. Urgh, hindi bagay! “Medyo po.” Pa-cute na ngumiti ang boss niya. “Don’t ‘po’ me. I saw you walking kasi kanina. I was in the restaurant with some friends. Sinundan na kita para sabihin sayong pwede ka namang sumabay sakin pag-uwi, para maipakilala din kita sa mga kasama ko. Ayoko kasing nag-co commute ka pa ng ganitong oras.” Kinilabutan si Erica imbes na kiligin. “Ahm, naku boss, may kasabay po kasi ako. He’s waiting for me on the second level of the bookstore,” palusot niya, emphasizing that it’s a male that’s waiting for her. “I told you, don’t call me boss, call me Sat. Oh well, pwede naman nating isabay nalang ang kaibigan mo.” Hindi niya nakuha ang gusto niya iparating. Well, mabait naman ito sa kanya kaya lang feeling niya may itinatago itong tunay na ugali. Minsan may nakikita si Erica na kakaibang kislap sa mga mata ni Sat pero sandali lang. At pangit siya! Pangiit! Sigaw ng laiterang bahagi ng utak niya. Kasi naman, mayaman naman ito bakit hindi nito ipaayos ang tabinging mukha nito at may kakiratang mga mata. Puno din ng acne marks ang mga pisngi nito na inayawan na yata ng mga dermatologist. Actually, kung hindi lang nanliligaw sa kaniya si Sat at hindi ito sobrang pushy, hindi naman niya ito lalaitin ng husto. Mabait naman si Erica minsan. Pero talagang mainit ang dugo niya sa lalaki kaya hindi niya mapigilan i-judge.  “Actually Bo- Sat, boyfriend ko ang naghihintay sakin.” Siguro naman titigil na ito sa pangungulit. Halatang nagulat ang boss niya. Pero makalipas ang ilang segundo may sumungaw na ngiti sa mga labi nito. Ngiting hindi naniniwala sa sinabi niya. “Really? I can meet him, can’t I?” Nanghahamon ang tingin ng lalaki. Pasimpleng napakagat-labi si Erica. Patay! Tuso talaga, hindi ko mautakan. Wala naman talagang naghihintay sa kanya. At lalong wala siyang boyfriend! “Ahm, ano kasi baka magalit siya kapag may kasama akong iba, you know,” pagpapalusot niya pa. “Hindi naman ako iba Erica, I’m your Boss.” Bago pa siya makapag-isip ng idadahilan ay nag ring ang cellphone nito. Napa-thank you Lord na siya sa isip kaso nadismaya na naman siya nang bigla itong magsalita. “Puntahan mo na iyong naghihintay sayo Erica, I’ll just answer this call, then susunod din ako.” Malambing ang boses ni Sat. Pero alam niyang hindi siya pwedeng tumanggi. Alanganin siyang tumango at mabilis na pumasok sa loob. Ano nang gagawin niya ngayon? Frustrated na napabuntong hininga siya at umakyat sa second level ng bookstore. Iginala ni Erica ang tingin sa paligid. Wala siyang mahanap na makakatulong sa problema niya. Gabi na kasi kaya konti na lang ang tao. Karamihan babae pa. Kahit kailan hindi siya naging desperadang humanap ng boyfriend. Ngayon lang. Alam niya kasing kapag may naipakilala siyang lalaki siguradong titigilan na siya ng boss niya. Kahit sinong lalaki na pumayag na magpanggap para sa kanya ayos lang huwag lang kamukha ng amo niya. Her gaze stopped at the man on the far right corner of that level. Nakatagilid ito at bahagyang nakayuko sa librong binabasa. He’s wearing a black hooded sweater and denim jeans. Nakabaseball cap din ito at salamin sa mata na itim ang frame. Hindi masyadong makilatis ni Erica ang mukha ng lalaki. Pero matangkad ito at maganda ang tindig. Mukha din naman itong mabait at sasaklolo sa gaya niyang desperada at nangangailangan. Sumulyap muna siya sa escalator na tanging daan papunta roon bago huminga ng malalim at lakas loob na lumapit sa matangkad na lalaki “Excuse me?” kuha niya sa atensyon nito. Lumingon ito sa kanya. Bahagya siyang napaatras. He has the most beautiful eyes she had ever seen. Bigla siyang nahiya ngayong kaharap na niya ito. This man is handsome! Super, duper over to the max handsome. Para itong Demigod na naligaw sa mundo ng mga mortal. Kahit pa nakasalamin ito sa mata na halos matakpan na ang kalahati ng mukha. May kaliitan ang mga mata nito, parang natural na nang-aakit, matangos ang ilong at manipis ang mga labing mamula-mula. Mas makinis pa yata ang kutis ng lalaki kaysa sa kanya. Ang kapal ng mukha niyang pagpanggapin itong boyfriend niya. Worst, baka isipin nito na strategy niya iyon para makapagpapansin dito. “Yes?” nagtatakang tanong ng binata. Ah, that voice. It is cold and very masculine. Sandali tuloy na natulala si Erica. Paano ba ito? Tumikhim siya. “Can I ask for your help?” Kumunot ang noo nito. “If you need help you should not ask me but the sales ladies.” Suplado “Ano kasi –” muli siyang sumulyap sa panig ng escalator. Natanaw na niya ang bunbunan ng lalaking iniiwasan niya. Natatarantang lumapit siya sa katawan ng lalaki at tumagilid para maharangan siya nito at hindi makita ng kanyang boss. Luckily, the guy has a broad body. Na-te-tempt na nga si Erica na hawakan kasi parang masarap yata haplusin ang katawan nito. “What are you doing?” Gulat na init na sa kaniya si pogi. “Ayan na naman kasi yung stalker ko. Kanina niya pa ko sinusundan. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko,” mahina niyang sumbong. Lumingon naman ito sa direksiyon ng escalator. “He doesn’t seem like a stalker to me.” Halatang hindi naniniwala ang guwapong lalaki. “He is. Help me,” pakiusap ni Erica. “And how can I help you?” Halatang hindi pa rin ito kumbinsido. Pero umusod naman ito para lalo siyang matakpan. “I need someone to pretend as my boyfriend para tigilan na niya ko.” Nagsalubong na naman ang mga kilay ng binata. He stared at her suspiciously. Nahihiya si Erica sa ginagawa niya kaso wala naman siyang choice. Kung bakit naman kasi napaka twisted ng utak niya at boyfriend pa ang naisip niyang idahilan! “I will not do that.” Kumilos ang lalaki palayo sa kaniya. Medyo nainis siya. Para na rin nitong sinabing hindi siya nito type. What an arrogant Demigod. Sa inis niya rito at sa pagkataranta niya nang makita sa peripheral vision niyang nakatingin na sa kanila si Sat ay mabilis niyang pinigilan ang binata sa braso. Then Erica tiptoed and kissed the handsome stranger on the lips.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
780.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M
bc

NINONG II

read
618.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook