The Finale

964 Words
THE FINALE: "By the power vested in me, I now pronounce, man and wife. You may now kiss the bride." Palakpakan ang mga taong nakidalo sa kasalang Troy at Suzaine. Mga ka-office mates ni Suzaine at mga ka-business partner ni Troy. Iwan ni Suzaine kung guni-guni lang ba niya ang kanyang nakita pero nang sila ay mag-picture taking ay nahagip ng kanyang paningin sa may b****a ng pintuan ang nakangiting imahe ng kanyang kapatid na si Suzmitha at may hawak na white roses. Kumaway-kaway ito sa kanya at ang lawak nang pagkakangiti. Nang siya ay kumurap at pagtingin niya ulit sa may pintuan ay wala na roon ang imahe ng kanyang kapatid. Napatakbo siya papunta sa may pintuan at nakita niya ang isang white roses. Napatingin siya sa malayo. Alam niyang nandiyan lang sa tabi ang kaluluwa nang kanyang kapatid at alam niyang masaya ito para sa kanya. --- Two years later... Kasalukuyang nasa loob ng nursery room si Tracey at kasama niya ang kanyang kapatid na si Trishtan Tama! Si Trishtan ay ang first baby born nina Suzaine at Troy isang baby boy. --- "Ang mga bata? Si Tracey?," tanong ni Troy nang siya ay makauwi ng bahay. Kinintalan ng halik ni Suzaine ang kanyang asawa. "For sure nasa room 'yon ni Trish, alam mo naman ang batang 'yon. Kulang nalang ay itabi sa pagtulog ang kapatid." "Tara, puntahan natin. Na-miss ko ang dalawang bulinggit na 'yon," anito sabay akbay kay Zaine. Pagbukas nila ng pintuan ay nakita nila si Trishtan na nakahiga sa kama at si Tracey naman ay may hawak-hawak na libro at binabasahan ng malakas ang kapatid na kumakain ng kumot. Napangiti ang mag-asawa habang nakatingin sa dalawang bata. "Heart, tayo na sa room natin." "Mukhang may binabalak ka yata, mister." "Alangan naman kung wala. Tara na." Napatili si Suzaine ng bigla siyang buhatin ni Troy patungo sa kanilang silid. --- Araw nang linggo kaya kumpleto silang apat. Magkasalo sa hapag-kainan. Si Suzaine ang naghanda ng kanilang agahan dahil pinag-day off ni Troy ang Yaya ni Trish at ang kanilang kusinera. "Mom, what's for the breakfast?," si Tracey sabay halik sa pisngi ni Suzaine. "Pineapple pancakes with Petits Filous." "Wow, pancakes?!," natutuwang tanong nito sabay sumalampak ng upo. Nilagyan ni Troy ng pancake ang plato ng kanyang anak at ng kanyang asawa. Si Suzaine naman ang naglagay ng Syrup. "Yummy!," sabi pa ni Tracey habang ngumunguya. "Masarap ba?" "Yes po." Troy mouthed I love you to Suzaine habang kumakain ng pancake. "Heart, what's for the lunch today?" "Uhm, may new recipe akong nabasa kanina, ita-try ko sa lunch." "Ano na naman 'yon?" "Mustard-buttered chicken with peas & carrots." "Ohh! Mukhang masarap." "Sana masarap nga," nakatawang sabi ni Suzaine. --- "Hay naku Suzaine, wala na! Tatandang dalaga na talaga ako. Aminin mo nga sa akin kung pangit ba ako at talagang walang nanliligaw sa akin," himutok ni Shane nang ito ay dumalaw sa bahay nina Troy. Napatawa ng malakas si Suzaine gano'n na rin si Troy "Pagtatawanan ba ako? Kesyo kayong dalawa masaya sa buhay, gumagano'n talaga?" "Heart, naiinggit sa atin ang amazona mong kaibigan." "Anong amazona?" Napabunghalit nang tawa si Troy habang nakatingin kay Shane na hindi na maipinta ang mukha. "Bakit ba atat na atat kang magkaroon ng asawa, ha?," si Troy na halatang naaliw kay Shane. "Kasi nga I am not getting any younger 'no. Kailangan pa bang itanong 'yon? 'To naman kasi!" "He is on his way na, magulat ka nalang isang araw kung makaharap mo na siya at agad kang yayayain ng kasal." "Asa naman kung mangyayari nga 'yang mga pinagsasabi mo." "Malay mo, magdidilang-anghel ang asawa ko," si Zaine habang umiinom ng juice. "Haist buhay! Tulong langit! Pangit ba ako?" "Hindi naman kaso, masungit ang mukha mo." Inirapan ni Shane si Troy dahil sa sinasabi nito. Bahagyang siniko ni Suzaine ang kanyang asawa para magtigil ito. Mukhang seryoso kasi ang isang 'to. "Bes, hayaan mo nalang na kusang darating 'yong lalaking talagang para sa 'yo. Ano ba! Ang tagal mo namang naka-get over sa crush-crush mo para kay Louie." "Excuse me Suzaine, matagal na ako nakapag-move on kay Louie, ano lang talaga, gusto ko ng mag-asawa at magkaroon nang anak, iyon lang naman ang gusto ko eh. Iyong parang ikaw? May anak ba!," anito sabay hampas sa kandungan ni Zaine. "Aray naman, porke ba't walang asawa't anak, nagiging sadista na?" "Hay naku! Oh heaven! Magpaulan ka ng mga lalaki na nakahubad lahat!" Napahagikhik si Troy habang nakatingin kay Shane. Iyong totoo, maganda naman si Shane, kaso lang amazona. Pagmumukha palang, wala na. Nakakatakot na at mukhang tigress. Kahit si Louie ay takot sa dalaga. Si Suzaine lang talaga ang nakaka-relate sa ugali ng dalagang 'to. Palibhasa mag-bestfriend silang dalawa mula ulo hanggang paa kaya close. --- Again, 2 years later.... "Heart, please have a heart, pakiabot 'yong laptop ko," si Zaine habang nakaupo sa may couch. Inabot ito ni Troy sa kanya at binigyan siya ng isang matunog na halik. "Lately, naging tamad ka na." "Heart, may good news ako." "What is it?" "Let me ask you na muna." "Shoot." "Are you happy?" "Of course!" "Then stay happy because I am five weeks pregnant." "Really?! Pregnant ka na naman?," hindi makapaniwalang sabi ni Troy. "Here," inabot ni Suzaine sa kanyang asawa ang isang pregnancy test na may two red lines. Sa sobrang tuwa ni Troy ay kinarga siya nito at inikot-ikot saka pinaliguan ng halik sa labi. "Thank you, heart. You made me so happy tonight." "I love you." "And I love you more, heart." Napalawak ang ngiti ni Suzaine habang nakayakap sa leeg nang kanyang asawa. She can't ask for more. Her life is beyond perfect. THE END: A/N: ahw shame! Natapos ko rin tong story na 'to hahahahaha. Lame ending eh....hayaan n'yo na
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD