CHAPTER 11
3 years later...
"IKOT sa kaliwa, ikot sa kanan," anang bakla na siyang nagsusukat ng damit ni Suzaine para sa kanyang wedding gown.
Yes, wedding gown. Ikakasal na kasi siya.
After three long years of having Troy as her boyfriend ay nakapagdesisyon na rin siya sa wakas na magpatali sa binata.
Malaki na rin ang kanyang pamangkin na kung ituring niya ay sarili niyang anak.
"Ikot uli," anang bakla.
"Hoy bakla! Kanina mo pa pinaikot-ikot 'yang kaibigan ko ah! Ano bang balak mo sa kaibigan ko? Ang mahilo dahil sa ginagawa mo? Susme!," si Shane sabay paypay sa kanyang sarili.
"Mga sisteret, ganito talaga kapag bonggabelz ang wedding, dapat all in all ay maganda, especially ang bride."
"Maganda 'yong mahihilo na akala mo ay nilindol? Ugh!"
Natawa si Suzaine sa kaibigan niya at sa bakla.
"Bitter ka lang dahil wala kang fafabolz."
"Aba tiyanak pala 'to eh."
"Binibiro ka lang niyan, papatulan mo pa?"
"Nakakairita lang naman kasi eh. Hoy bakla, hindi pa ba tapos? Kanina pa 'yan."
"Kunti nalang 'to sister. Kunting adjustment lang ang gagawin ko."
"Zaine, ano bang kinain mo nitong mga nakaraang mga araw? Tumataba ka eh."
"Hindi ko rin alam, basta nagsisikipan ang mga jeans ko saka mga underwear ko."
"Baka buntis ka ha?"
"Ako buntis?"
"Oo, baka buntis ka!"
"Huh?"
"Anong huh? Huh-huh buntis ka."
"Huh?"
Tangina! Napa-huh pa talaga ulit, parang shunga lang.
"Sabi ko baka buntis ka. Hindi ka ba nagsusuka? Don't tell me walang nangyari sa inyong dalawa ni Troy?"
"Meron naman, hindi ko naman sinasabing wala."
"Oh aya naman pala eh, baka buntis ka, Zaine. Bigla kang tumaba eh."
"Sa lakas ko ba namang kumain?"
"Kailan naman kaya naging malakas ang kain mo?"
Napakunot-noo si Suzaine, sa pagkakatanda niya ay irregular siya at wala siyang pakialam kung kailan darating ang monthly period niya basta ang importante sa kanya ay ang magkaroon siya ng buwanang dalaw.
"Tara, sasamahan kita sa OB-GYNE mo," yakag ni Shane at hinawakan na talaga ang kanyang mga braso.
"Teka lang naman, hindi pa ako tapos dito eh."
"Oo nga pala, hoy sisterakas. Ano na? Hindi pa ba 'yan tapos?"
"Tapos na," sabi ng bakla.
"Tapos na talaga?," paniniguradong tanong ni Suzaine.
"Yes, Ma'am," sagot ni bakla ulit.
"Oh tapos na pala, tayo na at nang malaman natin ang totoo."
"Salamat bakla," sabi pa ni Suzaine bago tuluyang umalis kasama si Shane.
---
"Congratulations Mrs. You are eight weeks pregnant."
"Eight pregnants ho Doktora?"
"Yes Mrs. Hindi ka ba aware? Wala bang mga pagbabago sa sarili mo?"
"Wala ho dok, kaya nagtaka ho ako."
"Aist Zaine, magtaka ka kung nagbuntis ka tapos wala kang ka-s*x. Salamat doktora, alis na ho kami."
Matapos mabigyan ng mga vitamins si Suzaine ay nilisan na nila ang naturang clinic.
"Ninang ako ha?," sabi ni Shane sabay sundot sa tagiliran ng kaibigan.
Napaiktad si Suzaine at muntikan pa niyang mabitawan ang manibela.
"Tumigil ka nga at baka mabangga tayo, ikaw rin."
"Excited lang ako! Grabe Zaine, hindi mo man lang alam na buntis ka?"
"Hindi naman kasi ako naglilihi. Wala akong morning sickness mga ganyan. Wala akong cravings."
"Eh di ikaw na ang masuwerte kasi kadalasan sa mga babaeng buntis ay may morning sickness, nagsusuka, nahihirapan, tapos may mga cravings pa. For sure matutuwa si Troy kapag nalaman niyang magkakakaanak na kayong dalawa."
"Oo nga 'no," napangiting sabi ni Suzaine.
Na-excite tuloy siyang makauwi na nang bahay para maibalita sa kanyang husband to be ang kalagayan niya.
At sa kanyang pamangkin na rin.
---
"Troy, gising ka pa ba?"
"Hmm?," ungol nito pero nakapikit.
"Troy, gumising ka nga muna, may sasabihin ako sa 'yo."
"Heart, pwede bang bukas nalang 'yan? Today is so tiring eh, I badly needed a rest."
Nag-pout si Suzaine at sumiksik sa tagiliran ni Troy.
"Gising ka kasi muna."
"Heart.."
"I'm eight weeks pregnant."
"Ha? Really?!," di makapaniwala nitong sabi at tuluyang napabangon.
"Heart, seryoso ka ba? Hindi mo 'ko binibiro lang?"
"Hindi nga eh, kanina nagpunta kami ni Shane sa isang OB-GYNE at 'yon nga, confirmed na buntis ako. Eight weeks."
"Oh my Heaven! Magiging Daddy na ako?"
"Tulog ka na, di ba inaantok ka?"
"Nagising na ang diwa ko dahil sa ibinalita mo. Wala ka bang cravings, heart?"
Napailing si Suzaine at niyakap sa beywang ang binata.
"Inaantok na ako."
"Sure na wala kang gustong kainin? Ang wife kasi ni Louie ay halos lahat kinakain eh."
"Iwan ko, basta wala akong gustong kainin sa ngayon. Payakap nalang."
"Eh di ikaw na ang inlove sa akin. Sabi ko kasi sa 'yo dati eh."
"Oo na, ako na ang inlove sa 'yo at ikaw ay hindi?"
"Siyempre mahal kita, di ba sabi ko sa 'yo noon na mas mahal kita kaysa sa kapatid mo?"
"Antok na ako, goodnight."
"Goodnight, heart."
---
"Good morning Mommy! Breakfast in bed!," bungad sigaw ni Tracey sa kanya.
Kasunod nito si Troy na may bit-bit na tray at ang lawak ng ngiti.
Nag-unat si Suzaine at niyakap ang pamangkin ng makalapit.
Four years old na ang pamangkin niya at sobrang daldal.
"Goodmorning, heart," ani Troy at inilapag ang dala-dalang tray sa may table saka hinalikan sa pisngi si Zaine.
"Mom, sabi ni Daddy noong nasa kitchen kami, magiging Ate na raw po ako? Is it true Mom?"
Napatingin si Suzaine kay Troy, tinanguan siya ng binata.
"Mom.."
"Yes baby, because Mommy is pregnant. Do you know what pregnant is?"
"Yes Mom!," Tracey happily exclaimed.
"Magiging ate na po ako! I love you Mommy, I love you Daddy," natutuwa pa nitong sabi at niyakap ng mahigpit ang dalawa.
Walang kaalam-alam si Tracey na hindi si Suzaine ang tunay niyang ina.
Hindi nalang ito ipinaalam pa nina Troy at Suzaine dahil habang lumalaki ang bata ay nagiging kamukha ito ni Suzaine, kaya hindi nakapagtataka.
"Let's have our breakfast na," si Troy at sumampa sa kama, gano'n din si Tracey.
Masaya silang tatlo habang kumakain ng agahan at napapanay pa ang pagdaldal ni Tracey.
She can be a loving Ate raw sa magiging kapatid niya.
"Magiging loving Ate ka, kasi good girl ka eh," sabi ni Troy at hinalikan ang anak sa pisngi.
"Alam ko po 'yon," napahagikhik nitong sabi.
Napapangiti nalang si Suzaine habang nakatingin sa mag-ama.
"Heart, kamusta nga pala ang fitting na ginawa mo kahapon?"
"Kunting adjustments lang daw ang gagawin. Tumaba kasi ako."
"Mga ilang timbang ang nagdagdag?"
"Hindi ko alam pero 'yong waistline ko, umabot ng twenty-seven na dati ay twenty-five lang talaga."
"Oh, sexy ka pa rin naman eh."
Napanguso si Suzaine at inirapan ang binata.
"Di nga."
"Totoo ah. Mas okay nga 'yong medyo tumaba ka nang kunti. Bagay naman sa 'yo. 'Kaw lang 'tong ayaw tumaba."
"Hindi naman sa ayaw, talagang hindi ako tataba. Ngayon lang na preggy na ako, kaya 'yon."
"Kamusta naman si Shane?"
"Ayos lang naman."
"Zero lovelife pa rin?"
Napangisi si Suzaine habang iniisip ang kanyang matalik na kaibigan.
Hindi tuloy niya maiwasang maawa rito.
Siya ikakasal na, pero si Shane, single pa rin.
Nag-asawa kasi si Louie sa ibang babae kaya 'yon, mukhang magiging old-maid ang bestfriend niya.
Pero ang lakas lang ng confidence level ni Shane at talagang umaasa pa ito na balang araw ay ma-meet niya ang kanyang Mr. Right.
Parang sa kanya lang.
Dumating kahit hindi niya inaasahan.
Di ba?!
Itutuloy.....