Here Comes The Bride Series
Suzaine- Two Become One
CHAPTER 10
TAWA nang tawa si Suzaine habang nanonood ng Home Alone.
Nasa tagiliran niya ang crib ng kanyang pamangkin.
Dahil sa sobra siyang busy kaya hindi niya namalayan na nasa tabi na pala niya si Troy at nakipanood na rin habang haplos-haplos nito ang kanyang balikat dahilan upang mapaiktad siya.
"Ano ba!"
"Para akbay lang, ayaw mo? 'To naman, ang arte. Pa-virgin effect."
"Talaga lang! Tapos akbay sabay himas? Landian na 'yan."
"Zaine, mahal nga kita."
"Patunaya----teka lang naman Troy! Ano ba'ng ginawa mo?"
"Ano sa tingin mo?"
"Sabing patunayan mo. Hindi ko sinabing halikan mo ako."
"Kissing you is my one way of showing my affection."
"Ahw english talaga?"
"Yeah para intense."
Bumunghalit nang tawa si Suzaine habang nakatingin sa katabing binata.
Naduduling siya, oo.
Paanong hindi maduduling eh gahibla nalang ang pagitan ng kanilang mga mukha.
Hinawakan ng binata ang mukha ng dalaga saka unti-unting lumapat ang labi niya sa labi nito.
"I love you," sabi ng binata habang nakatitig pa rin sa dalaga.
Suzaine twisted her lips and took a deep breathe.
"I- I..love you too," nauutal niyang sagot.
Sa gulat ng dalaga ay biglang tumayo si Troy nagsisigaw sa sobrang tuwa.
"Yes! Yes! Yes! You are mine now! You really are! Goodness Suzaine!"
"Are you that inlove para magsaya ka ng ganyan?"
"Oo naman! I so damn much love you, Zaine. Hindi mo lang alam!"
Hindi alam ng dalaga kung ano ang sasabihin niya.
Naguguluhan siya oo. Pero mas ang takot ang nangingibabaw sa puso't isipan niya.
Pakiramdam niya ay inagawan niya ang kanyang yumaong kapatid.
"Heart, h'wag mo nang isipin ang kapatid mo."
Iyong totoo, napakunot-noo si Suzaine habang nakatingin kay Troy o mas tamang sabihin boyfriend na niya.
"Anything wrong?"
"W-wala! Mahal lang kita, oo tama. Mahal na mahal kita."
"Alam ko, alam ko."
"Yabang nito."
Natigil sila sa pag-uusap ng biglang umiyak ang bata.
Tinapik-tapik ito sa binti ni Suzaine at nakatulog muli.
"Ang ingay mo kasi."
"Hindi kaya, ikaw 'tong maingay eh. Panay reklamo. Eh kahit totoo namang mahal mo ako sa simula palang. I meant, noong una mo akong makita."
"Inaamin ko na nga di ba? Ba't ba laging inuulit?"
"Kasi--kasi ano, masaya lang ako."
"Pamisa tayo?"
"Pamisa saan?"
"Sa kaluluwa ng kapatid ko. Baka bigla nalang akong sabunutan doon."
"Zaine, alam kong masaya ang kapatid mo. Ramdam ko 'yon," anang binata at ginagap ang palad ng dalaga.
"Paano kapag mumultuhin ako ni Susmitha?"
"Hindi nga niya magagawa 'yon sa 'yo, ano ka ba."
Napabuntunghininga nalang si Suzaine at hindi na kumibo pa.
Ayaw niya ang usapin na 'yon.
Natatakot siya.
---
"Ate Suzaine, masaya na ako ngayon. Kasi alam kong sasaya ka na sa piling ni Troy. Ingatan n'yo at mahalin ang anak ko ha. Magmahalan kayong dalawa."
"Suzmitha!," sigaw niya at napabalikwas ng bangon.
"Bad dream?," tanong ni Troy sabay abot ng tubig sa dalaga.
Tagaktak ang kanyang pawis habang nakatingin sa binata at inabot ang tubig saka ininom. Buttomless!
"Si Suzmitha, napanaginipan ko naman siya."
Napaupo bigla si Troy sa tabi ng dalaga at hinawakan nito ang mukha.
"Don't tell me na natatakot ka sa kanya at hihiwalayan mo ako?"
Nagsalubong ang kilay ng dalaga at pinindot sa ilong ang binata.
"Silly guy! Sinabi ko ba ang gano'n?"
"I know how you are holding yourself because of her."
"Troy, umayos ka nga. Hindi kita hihiwalayan okay? Ang sabi lang naman niya sa kanyang panaginip ay masaya siya for you and me. Atlast sasaya na ako sa piling mo. Ingatan daw natin at mahalin ang anak niya."
"We do."
"Alam ko, kaya huwag kanang matakot, boyfriend."
"Akala ko hihiwalayan mo na ako."
"Sus, drama at sobrang high ang mga iniisip."
Kinabig ng binata ang dalaga at hinalikan ito sa noo.
"I love you, Zaine."
"I love you too, Troy."
"So ngayon, hindi ka na natatakot?"
"Hindi na, siya ang nagsabi na masaya siya para sa atin eh."
"So now?"
"Now what?"
"Let's make babies!"
Pinitik ng dalaga ang noo ng binata at itinulak ito palabas ng silid.
"Umayos ka nga. Hindi pa nga naka-isang taon 'yang anak mo, eh nagbabalak ka nang sundan siya?"
"Para mas masaya."
"Patulugin mo nga muna ako."
"Sure! Sure! Let me stay beside yo, alright?"
"Alright!," sang-ayon nito.
---
"Congrats, bes!," tili ni Shane at kulang nalang ay maglambitin ito sa leeg ni Suzaine.
"Nagka-boyfriend lang ako 'no, ang oa naman ng reaction mo riyan."
"Aba bessie! 'Yong no boyfriend since birth ka, tapos nagkaroon kana ngayon. Kung hindi ka tumanda, hindi ka magbo-boyfriend. Aba, katuwa lang isipin na kayo talaga ni Papa Troy!"
"Umayos ka nga, nakakahiya sa mga nakakarinig."
"Keber ko ba. Wala akong pakialam. Basta masaya ako para sa 'yo. So kailan ang kasal?"
"Kasal?"
"Oo naman siyempre! Wala bang nabanggit si Troy?"
"Hindi ba masyado pang maaga para magpakasal kaming dalawa, bes?"
"Ano ang hinihintay n'yo? Pasko?!"
"Bes naman. Wala nga'ng binanggit si Troy, hindi ko naman pwedeng pangunahan siya. Baka kung ano ang iisipin no'n."
"Aba, uso pa-cute ngayon? Anong masama kung naghahabol ka? Sabihin mo, tatalon na sa kalendaryo ang edad mo, kaya atat ka, tsaka at--"
"Tumigil ka nga, kung anu-ano ang mga iniisip mo eh."
"Ikaw bahala ka. Basta sinabihan na kita ha?"
"Oo na kasi, kapag magyaya si Troy ng kasal, papayag ako. Magye-yes ako without any second thought."
"Ahw 'yon bes, 'yan ang tama."
---
"Where are you, sweetie?"
Napa-rolled eyes si Suzaine dahil sa tanong ng kasintahan.
Possessive lang?
"Office," tipid niyang sagot.
"Susunduin kita, I'm on my way in there, sweetie."
"Alright, ingat sa pagmamaneho."
"I will. See you there. Love you."
Hindi na nakuha pang sumagot ni Suzaine dahil pakiramdam niya ay bumalik siya sa pagiging teenager.
Pinigilan niya ang sariling huwag mapatili dahil sa sobrang kilig.
"Kinilig ka, halata te!"
"Shane naman, panira ng moment."
"Eh kasi kinilig ka na riyan. Si Troy?"
Alumpihit na tumango ang dalaga at sinamsam ang mga gamit dahil pauwi na rin naman siya.
"Susunduin ka niya?"
"Oo."
"Puwedeng makisabay at nang makalibre ng pamasahe?"
"Gaga ka talaga, bumili ka na kasi ng kotse."
"Kamusta naman kaya ang bulsa ko bes? May laman ba? Hindi naman kaya butas?"
Humagalpak nang tawa si Suzaine habang nakatingin sa kaibigan niya.
Nahawa si Shane sa kanyang tawa kaya nagtatawanan silang dalawa.
Hanggang sa muling tumawag si Troy at sinabing nasa labas na ito kaya lumabas na rin sila para makauwi.
Dahil sa likas na mabait ang binata kaya pinasakay nito si Shane at inihatid pa talaga sa tirahan nito.
Itutuloy.....