Chapter 9

1048 Words
CHAPTER 09 NAPABALIKWAS nang bangon si Suzaine dahil sa malakas na tunog ng kanyang alarm clock. Hindi naman niya ugali ang magpa-alarm pero nagtaka siya at kung bakit may alarm clock sa kanyang bedside table na ang tunog ay sobrang lakas. Kinuha niya ito at itinapon sa basurahan. Kawawang alarm clock. Pumasok siya sa loob ng banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Mamaya nalang siya maligo pagkatapos niyang mag-agahan at mabihisan ang kanyang pamangkin. Lumabas siya sa kanyang silid para lang magulat. Ang daming white roses na nakalatag sa may labas ng pintuan. Naglakad siya pababa at puro white roses ang kanyang nadaraanan. Ano? Umuulan ba ng white roses sa loob ng bahay? Pero mukhang sinadya ang pagkakalagay. Ang tatahimik pa ng buong bahay. Walang iyak ng pamangkin niya. Saan naman kaya dinala ni Troy ang anak nito? Binalewala niya ang mga white roses at nagtuloy sa may kumedor. Nagbabasakali siya na baka may nakahanda ng pagkain sa hapag at alas-diyes na rin naman ng umaga. Gano'n pa rin ang nakikita niya, mga white roses na nakalatag sa sahig. Ang daming trabahong gagawin tapos nakuha pang magkalat ang sinumang taong may pakana ng mga 'to? Walang ibang taong may kayang gumawa nito. Si Troy lang. "Troy! Troy!," tawag niya rito. Ngunit walang sumagot. Ngunit nagtaka si Suzaine kung bakit maraming pinggan ang nakataob sa may mesa at marami ring mga food containter na stainless ang nakapatong sa ibabang ng mesa. Nag-isip siya, wala namang may birthday at mas lalong hindi pa birthday ng kanyang pamangkin. Minabuti niyang magtungo sa kusina at sa pagbukas niya ng pintuan ay nagulat siya sa kanyang nakita. Isang malaking drum na kulay pula tapos may nakasulat na "PLEASE BE MY WIFE, SUZAINE." "Surprised!," malakas na sigaw nina Louie at Shane. "Anong nangyari?" "Suzaine, will you marry me?," tanong ni Troy mula sa kung saan. Saan kaya 'to nagtatago at hindi niya makita man lamang. "Suzaine!" "Saan ka ba, nagtatago ha!" "Sa loob ng drum, pagbuksan mo naman ako." "Hah! Sino bang maysabi sa 'yo na pumasok ka sa loob ng drum?" "Suzaine please open this f*****g drum or I will die here because of suffocation." "Iwan ko sa 'yo." "Suzaine!" "Heto na oh, bubuksan ko na ang drum," anang dalaga at binuksan ang drum. Biglang lumabas si Troy at hinatak ang dalaga saka hinalikan ng mariin. Nagpupumiglas si Suzaine dahil nabigla siya. Anong nangyari sa mga tao? Parang lahat yata ay mental na. "Lalamon na kaming dalawa ni Shane, ha? Kayo kasi naglaplapan na," nakatawang sabi ni Louie at inakay si Shane palabas ng kusina tungong kumedor. "Bestfriend, ayos 'yan," sabi pa ni Shane. --- "Ano, magpapakasal ka na sa akin?" "Kesyo ba nahalikan mo na ako ay papayag na ako?" "Suzaine naman. Ano ba'ng gagawin ko para mahalin mo lang ako?" "Hindi nga kita pupwedeng mahalin dahil kapatid ako sa yumao mong girlfriend." "Saan naman kaya ang problema sa bagay na 'yan?" "Sa 'yo wala, pero sa akin meron." "Ano nga ang problema mo? Patay na si Suzmitha, ano pa ba ang ikinatakot mo?" "Basta! Ayoko pa rin." "Sige! Kung ayaw mo eh di magpapakamatay nalang ako." "Troy, huwag ka ngang baliw. Paano nalang ang anak mo?" "Nandiyan ka naman. Alam kong hindi mo siya pababayaan." "Troy naman oh! Huwag ka ngang baliw." "Basta. Kung ayaw mo akong pakasalan, eh di mas mabuti na rin 'yong mawala ako," sabi nito sabay kuha sa kutsilyong nakapatong sa counter top. "Troy naman eh! Bitawan mo nga 'yan." "Magpapakamatay ako!" "Teka, pag-usapan nga natin 'to. Seryoso ka ba?" "Seryosong-seryoso ako! I will commit suicide." "Sige na, sige na! Magpapakasal na ako sa 'yo! Bitawan mo 'yang kutsilyo." "Papayag ka rin pala eh." "Ayoko namang mamamatay ka. Kawawa ang anak mo!" "Ibig sabihin ba niyan ay mahal mo na ako?" Hindi makapagsalita ang dalaga. Mahal nga ba niya ang lalaking 'to? Hindi niya alam. Basta huwag lang itong magpakamatay kaya pumayag siyang magpakasal dito. "Bahala ka nga riyan. Oo nga pala, saan ang anak mo?" "Nasa Yaya niya." "Sino naman ang naglagay ng alarm clock sa silid ko?" "Ako." "Pumasok ka?" "Malamang!" "Pilosopo! Pumasok ka?" "Siyempre! Alangan naman kung lumabas," nakangisi nitong sabi. "Gago," pabulong na sabi ni Suzaine. "Bulong ba 'yon o pinarinig mo talaga ng sadyaan?" "Depende kung ano ang pagkakaintindi mo." "Ready na 'yong wedding gown mo, lahat ready na, ikaw nalang ang kulang. Tara sa hapag, gutom na ako." "Teka, bakit maraming pagkain sa mesa?" "Namamanhikan ako." Nasamid sa sariling laway ang dalaga habang nakatingin kay Troy. Seryoso ba ito o nagbibiro. Namamanhikan? Ganito kagwapong lalaki marunong mamamanhikan? "Hindi porke't gwapo ako, eh kalimutan ko na lamang ang makalumang tradisyon." Whoah! Paano nabasa ng lalaking 'to ang nasa isipan niya? "Hindi ka naman gwapo ah. Assuming ka lang." "Gwapo ako sabi ng utak mo, pero napapangitan ka sa akin sabi ng bibig mo." Sinipa ni Suzaine ang binti nito at inirapan. Paano ba nababasa ng unggoy na ito ang utak niya? "Oh my darling Suzaine, that's hurts eh. Pero alam kong pagmamahal 'yon. Ang sweet mong magmahal, magiging battered husband ako. Tara na, kain na tayo." "Saglit!" "Ano na naman?" "How about the white roses?" "Ah 'yon? Mura lang 'yon. Huwag mo ng intindihin." "Baliw ka? Tinatanong ko ba kung mura 'yon o mamahalin?" "Ano ba dapat ang gusto mong sabihin?," sabi nito at hinapit sa beywang ang dalaga na hindi nakapalag. "Paano mo ginawa 'yon lahat?" "Everything is possible when you're inlove." Wow! Tirik ang mata ni Suzaine. Puma-punch line si Troy. Ay este tuma-tumblr pala. "Parang s*x now love later? O di kaya'y s*x now married later or married now love later or married now then s*x and love letter. How is that?" Isang sampal ang inabot ni Troy mula kay Suzaine. "Bastos!" "Now I know, battered husband na ako mula ngayon. Tara sa kumedor, then after, sa silid ko naman. Kaya humanda ka." "Maniac!" "Ahw, hot ako sa bed." "Iwan ko sa 'yo," nakukunsuming sabi ni Suzaine. "Mahal kita." "Hindi kita mahal!" "Maniwala ako sa 'yo?" "Lakas ng apog nito sa katawan." "The more you hate, the more you love Suzaine." "Ako ba talaga ay hindi mo titigilan, ha?" "Parang sinasabi no na yata na huwag na kitang mahalin eh." "Nakuu! Tara sa kumedor, tara!" "Tara," ngingisi-ngisi nitong sabi. Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD