CHAPTER 08
"TROY! Pakibilisan naman 'yong gatas ni baby," sigaw ni Suzaine sa binata na nasa may kusina.
Nagtimpla lang ng gatas, inabot pa halos ng dalawang oras.
Ayon ang anak nito ay ngumangawa na dahil sa gutom.
Walang sagot mula sa binata kaya minabuti ni Suzaine na puntahan nalang ito sa kusina.
Naabutan niya si Troy na kakamot-kamot sa ulo habang nakatingin sa mga nakalaray na feeding bottle.
"Anong ginawa mo? Saan na 'yong gatas ni baby?"
"Eh ano, paano ba 'to gawin?"
"Naku Troy, hindi mo alam? Gatas lang hindi mo pa alam? Pero ang gumawa ng bata ay marunong ka?"
"Hawakan mo nga ang anak ko."
"Anak ko 'yan at pamangkin mo lang si baby."
"Kahit na! Ako pa rin ang nag-alaga sa kanya. Ikaw, paano ka ba naging ama sa bata kung ultimo gatas di mo siya maipagtimpla? Problema mo lang," anang dalaga at tinabig ang lalaki sabay abot sa bata.
"Sungit naman. Gatas at paggawa ng bata ay magkaiba 'yon."
Pinamulahan ng mukha ang dalaga dahil sa sinasabi ni Troy.
"Maupo ka nga ro'n. Na-sterilize mo na ba 'to?"
"Hindi pa."
"Naku! Halos dalawang oras ka rito sa kusina tapos hindi mo pala 'to nagawa? Saan ka ba nagsusuot kanina, ha?"
"Dito lang sa kusina, nag-iisip sa 'yo."
"Bumabanat ka na ngayon? Magaling!"
"Iniisip ko kasi kung paano kaya ang gumawa ng gatas para sa anak nating dalawa."
Seryoso ang hayop kung magsalita at si Suzaine naimbiyerna sa lalaki.
Hindi kasi matured kung mag-isip, at parang puno pa ng kaberdehan ang utak.
Naku! Minomolestiya na nga nito ang kanyang nakababatang kapatid, pati ba naman siya idadamay?
Tatanggalan niya ng balls ang lalaking 'to eh.
"Mahiya ka nga sa anak mo, napaka-maniac mo naman Troy."
"Suzaine, how about the idea of being my real wife?"
"Iwan ko sa 'yo."
"Zaine, what if magpakasal nalang kaya tayo para two become one nalang."
"Tigilan mo nga ako, puwede ba?"
"Bakit ba kasi ang ganda-ganda mo kung magalit ka?"
"Bubuhusan kita ng mainit na tubig kung hindi ka pa titigil diyan, ikaw rin."
Nakakatuyo lang ng dugo kapag ganitong klaseng tao ang makakasama ni Suzaine.
"Titigil na nga."
Napabuntunghininga ang dalaga at nang matapos niyang ma-sterilized ang mga bottle ay agad na siyang nagtimpla ng gatas para sa kanyang pamangkin.
Takot lang niya at baka nalipasan na ito ng gutom.
Kanina pa kasi ito nag-iiyak.
Ang magaling naman kasi nitong ama.
Parang may rayuma sa bagal kung kumilos, naku!
"Here's your milk, baby. Huwag nang mag-iyak ha?"
"Akin na si baby," dugtong pa niya.
Iniabot naman ito ni Troy na nakangiti.
"You can be the best mom ever."
Inirapan nalang ito ng dalaga at ibinaling ang tingin sa pamangkin.
Hay naku!
Kapag itong si Troy ang kaharap niya, nababanas siya sa sobrang kulit.
"Ikaw naman, the most worst Daddy ever."
Nagkibit-balikat lang ang binata at tumabi ito ng upo sa dalaga at ginulo ang anak nito.
"Huwag kasing guluhin, dumedede oh."
"Ang cute kasi ni baby."
"Siyempre baby 'yon, sus 'to naman."
"Baby, your mom is such a b***h. Lagi niyang inaaway si Daddy. Bilisan mo nga ang paglaki para may kakampi na ako."
"Asa ka naman na kakampihan ka nito."
"Why not? Loving dad naman ako ah."
"Hah!"
"Suzaine--"
"Oh ano? Don't tell me magpa-punch line ka na naman?"
"Zaine, ano kasi, parang hindi ko na kaya kung hindi kita maging asawa."
Binatukan siya ng dalaga at sinipa sa binti.
"Puro ka kalokohan. Isipin mo nalang ang anak mo. Huwag ka nang maging flirt."
"Eh sa gusto kita eh."
"Kapatid ako ni Suzmitha, kilabutan ka naman Troy."
"Pero wala na ang sister mo. So baka puwedeng maging tayo?"
"Addict ka ba? Sa tingin papayag ako sa gusto mo?"
"Pipilitin kita."
"Iwan ko sa 'yo. Oo nga pala, mang-grocery tayo mamayang hapon ha?
"Sure, basta ikaw. Pa-kiss," ani Troy at mabilisang hinalikan ang dalaga bago pa ito makatanggi.
---
Kasalukuyang nasa grocery store sina Suzaine at Troy. Si Troy ang may hawak sa push cart, samantalang karga naman ni Suzaine ang kanyang pamangkin na panay ang ngisi.
"Troy, iyong Mozarella Cheese nga."
"Want mo?"
"Oo, masarap 'yan ipalaman sa toast bread."
"Ganyan ang drama mo sa pagkain?"
"'To naman oh! Sige na kasi. Babayaran kita mamaya pagdating sa bahay."
"Hindi, biro lang 'yon. Okay, ilang pack ba ang gusto mo?"
"Isa lang."
"Gagawin nating tatlo para may meaning."
Napairap nalang si Suzaine. Ito na naman 'tong si Troy, babanat na naman na ang corny-corny pa talaga sa pandinig niya.
"I love you."
"I love you too Suzaine."
"Tsk!," palatak ng dalaga at nilagpasan ang binata na panay ang tawa.
"What else?," tanong nito mula sa kanyang likuran.
"Pampers at gatas ni baby."
"Tsaka mga personal needs ko na rin at sa 'yo."
"Unahin natin 'yong sa 'yo, tara na."
"Unahin na natin ang kay baby. Tsaka, punta tayo sa itaas mamaya ha? Ibibili ko ng mga damit ang anak mo tsaka laruan na rin."
"Okay," anang binata at kumukuha ito ng mga gamit ng dalaga.
Napabilib si Suzaine dahil mukhang memoryado ng lalaki ang mga gamit niya sa bahay, tulad ng shampoo, toothpaste, cream sa buhok, lotion, bath soap at iba-iba pa.
"Shocked?"
"Surprised to be exact at hindi shocked."
"Oh, sorry my bad."
Nginitian nalang ni Suzaine si Troy at kumuha ito ng shaver sa nadaraanan nilang rock.
"For you?," anang binata.
"Nope, for you."
"Wow, you know what I want?"
"Nakita ko lang sa banyo."
"Eh di ikaw na ang may lihim na pagtingin sa akin. Come on Zaine, voice it out. I'll be happy."
"Gago."
"Sige na, sabihin mo na sa akin na may gusto ka rin sa akin."
"Wala nga."
"Wala nga ba?"
"Wala nga."
"Mayroon 'yan, nahiya ka lang at natakot na multuhin sa kapatid mo."
"Ang lakas talaga ng self confidence mo sa katawan."
"Aba siyempre!"
"Hay naku, nakaka-stress kang kasama."
"Pero gwapo naman, di bale ng ma-stress."
"Argh."
"Uy, biro lang 'yon. Huwag mong seryosohin, pero kapag game ka, eh di pakasal na tayo."
"Troy, ikaw ha? May anak ka na, huwag ka namang isip bata."
"Suzaine, ikaw ha? Hindi magtatagal ay tatalon na sa kalendaryo ang edad mo. So dapat mag-asawa ka na."
"Sino ba naman kasi ang aasawahin ko?!"
"Ako! Sino pa nga ba."
Nag-walked out na ang dalaga, sobra na siyang napikon kay Troy.
Grabe kung makapang-asar.
Gwapo na kung gwapo!
Pero ang takot siya sa kanyang yumaong kapatid at mas lalo siyang takot na multuhin siya rito.
Itutuloy....