Chapter 6

908 Words
CHAPTER 6 Simpleng pananghalian lang ang niluto ni Troy dahil hindi naman siya kagalingan pagdating sa kusina. Tuna lang at nilagyan niya ito ng sliced carrots at green peas. Ibig niyang matawa habang naglalagay ng kanin at ulam sa pinggan na para ni Suzaine. “Baka hindi niya magustuhan ang lasa ng ulam, may lagnat pa naman yun at tiyak na maghahanap ito ng pagkain na masasarap. Napakamot sa batok si Troy at atubiling binitbit ang tray papunta sa kwarto ni Suzaine. Nadaanan niya sa salas ng bahay ang katulong nila na nagpapadede sa anak niya at malapit na rin itong makatulog. Nilagpasan niya ito at diretso siyang umakyat sa itaas. Agad niyang binuksan ang pintuan sa kwarto ni Suzaine at pumasok. Tulog na tulog ang dalaga ng madatnan niya ito. Napatingin si Troy sa mahimbing na natutulog na dalaga at nasabi niyang napakaganda naman ni Suzaine at sayang kung tatanda itong dalaga. Masungit ang babae pero nakakaaliw naman ito. At ang sarap asarin lalo na't kapag namumula ito sa inis. Pero alam niyang napakabait ng babae dahil nakuha nitong isakripisyo ang sariling kaligayahan alang2x sa kapatid nito na si Suzmitha. Naawa naman siya sa babae at nag-iisa nalang ito sa buhay kung wala pa ang anak niya. Walang kapatid, walang mga magulang at mas lalong walang nobyo. Kaibigan lang ang meron si Suzaine na si Shane. Namalayan nalang ni Troy na nasa mukha na ni Suzaine ang palad niya at hinahaplos ito. Napaungol si Suzaine kaya nailayo niya ng bigla ang kanyang kamay sa mukha ng dalaga. Ang hindi niya alam ay nananaginip si Suzaine kaya ito umungol. “Ate Zaine, Ate!,“sabi ni Suzmitha sa panaginip ni Suzaine. Napatingin naman si Suzaine sa pinanggalingan ng boses at natutuwa siya ng makita niya ang kanyang kapatid. Kay tagal na nilang hindi nagkikita pa at sobrang namissed niya ito. “Ate, alam mo, masaya ako ngayong nakikita kita kasama ng anak ko at sa ama mismo ng anak ko. Ate, panahon na ho para pagtoonan nyo naman ng pansin ang sarili ninyo. Si Troy ho ang nararapat na lalaki para sayo. Sinadya ng pagkakataon ang pagkikita ninyong dalawa. Alam kong mamahalin mo at aariing parang sariling anak ang anak ko kaya sobrang panatag na ang loob ko ngayon. Pero Ate Zaine, sana ho bigyan mo namang pansin ang sarili mo sa pagkakataong ito. Mahalin mo si Troy, mabait siya at hindi niya kasalanan kong ba't iniwan ko siya. Na realized ko lang na hindi kami ang para sa isa't-isa, kaya Ate, ikaw na ho ang bahala sa anak ko at kay Troy. Paalam,“nakangiting sabi ni Suzmitha sa panaginip ni Suzaine at bigla itong naglaho. Napalakas naman ang ungol ni Suzaine at hindi siya nagising kahit tinapik- tapik na siya sa pisngi ni Troy. Nag-alala ang lalaki sa kanya sa takot na baka binangungot na ito. Walang ibang naisip na paraan si Troy kundi ang halikan sa labi si Suzaine. Iwan niya pero yun lang ang naisip niyang paraan. Buong akala ni Suzaine ay bahagi parin ng panaginip ang nararamdaman niyang may humalik sa kanya. Ngunit pakiramdam niya ay hindi panaginip ang lahat dahil parang totoong-totoo ito. Nagmulat siya ng mata at para lang magulat. Si Troy at siya ay naghahalikan?! Bigla siyang nagbalik sa sarili niya at naitulak niya si Troy saka binigyan ng sampal sa pisngi. Gulat na gulat si Troy habang sapo2x nito ang sariling mukha. “Bakit? “Anong bakit? Nagtatanong kapa na maniac ka! Hinalikan mo ako ng walang paalam?! Walanghiya ka rin ano? “Ah ganun ba? Sige, uulitin ko at this time magpapaalam na ako,“nakatawang sabi ni Troy at kinuha ang tray na nakapatong sa kabilang mesa. “Napaginipan ko si Suzmitha. “Tapos anong sabi niya? “Ha? Ah wala, panaginip lang naman. “Oh ba't parang namumula ka dyan? Siguro hot dreams yung panaginip mo kaya nagflushing red ka dyan, idinamay mo pa ang yumao mong kapatid. Nahampas ni Suzaine ng unan si Troy dahil sa kabastusan nito. Tawa naman ng tawa si Troy habang nakatingin sa kanya. Naisip ng lalaki na birhen talaga kung umasta si Suzaine. September 1 at 9:37am · Like Camille Joy Reyes Belmonte KINABUKASAN nang magising si Suzaine at maayos na ang kanyang pakiramdam kaya ang ginawa niya ay maaga siyang naligo, nagbihis at pagkatapos ay agad na bumaba sa kusina upang maghanda ng almusal. Nadaanan niya ang silid ni Troy at narinig niya ang malakas nitong paghihilik. “Ah grabe lang kung makatulog, ang ingay ng hilik, parang baboy lang,“nakatawa niyang sabi sa kanyang sarili at nilagpasan ang silid nito. Pagdating niya sa kusina ay agad niyang inihanda ang mga lulutuin niya sa almusal. Tiningnan niya ang orasan sa dingding. Pasado alas sais na ng umaga at tulog pa ang katulong nila kasama ang kanyang pamangkin. Wala namang problema yun kay Suzaine dahil para namang kapamilya niya ang kanyang nakuhang katulong. Nagprito siya ng hotdog, itlog at ham. Naghiwa din siya ng papaya at pinya. Inihanda na rin niya ang kape para kay Troy. Napangiti siya sa kanyang ginawa. Akalain mong parang mag-asawa lang sila ni Troy with an instant baby. Sinaway niya ang kanyang sarili at baka mapagsabihan pa siyang malandi sa kanyang yumaong kapatid, nakakahiya naman yun sa sarili niya. Nang maiayos na ang hapag ay umakyat siyang muli sa itaas upang gisingin na si Troy para makakain na sila at makapasok sa trabaho. Itutuloy.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD