Chapter 5

1080 Words
CHAPTER 5 Nagising si Suzaine sa sakit ng ulo at katawan niya. Mainit din ang singaw ng kanyang mga mata. Ibig niyang bumangon ngunit hindi niya kaya. Pakiramdam niya ay para siyang matumba. Si Troy naman ay nasa hapag na at hinihintay siyang bababa para sabay na silang mag-aagahan at sabay na rin silang aalis para magtrabaho. Parang mag-asawa lang ang dating. Ang kasambahay naman nila ay inaalagaan nito ang kanyang anak. Naisip ni Troy na ano kaya kung si Suzaine nalang ang ina ng anak niya at hindi si Suzmitha. Naipilig niya ang kanyang ulo at napangiti. Kalahating oras na siyang naghintay sa kumedor ngunit walang Suzaine na bumaba. Inakyat niya ito sa itaas at kinatok ang kwarto ng dalaga. “Suzaine, ready na ang breakfast, baba kana. “Hindi ko kaya ang bumangon, nilagnat ako. Masakit ang ulo at katawan ko. Ikaw nalang ang kumain. Mamaya na ako kapag magiging okey na ang pakiramdam ko. “Ganun ba, sige. Igagawa nalang kita ng mainit na noodles sa baba, saglit lang ako. Hindi nalang sumagot pa si Suzaine sa sinabi ng lalaki. Ipinikit niya ang kanyang mga mata dahil umiikot ang paligid niya. Dalawampung minuto ang lumipas ay nakabalik na si Troy. “Suzaine, papasok ako ha? “Sige, pasok ka. Pumasok nga ang lalaki at may dala itong tray na may lamang noodles na umuusok pa. “Kaya mo ba ang bumangon? “Oo. Inot-inot na bumangon si Suzaine. Inalalayan naman siya ni Troy na na makasandig sa headboard ng kama. “Sige na, ibuka mo ng malaki ang bibig mo para makakain kana at mabilis matapos dahil papasok pa ako sa trabaho ko. “Ilapag mo nalang dyan ang tray. Salamat nga pala at pwede kanang lumabas at umalis para magtrabaho. Oo nga pala, pakisabi kay manang na ang bata hindi pwedeng ipasok niya rito sa kwarto ko at baka mahawaan sa sakit ko. “Sinabihan ko na si Manang. Sige na kumain kana. Susubuan kita. “Baka malate kapa sa trabaho mo, ako pa ang sisihin mo. “Hindi ayos lang. Hindi nalang ako papasok sa trabaho ko ngayon. Ako naman ang boss doon eh. “Ang yabang! “Alin ang mayabang? Ei totoo naman ah! Sige na, open your mouth at nang makakain kana. Walang nagawa si Suzaine kundi ibuka ang kanyang mga bibig. Napatingin naman siya ni Troy nang panakaw. Nahuli siya ng binata at nginitian siya nito. “Pinagnanasaan mo ba ako?,“diretsong tanong ng lalaki kay Suzaine. Napakunot ang makinis na noo ni Suzaine at nagtaas ng kilay. “Ano?! Nabaliw kana ba?! Para tiningnan lang kita ibig bang sabihin ay may pagnanasa na ako sayo? “Halata naman kasi sa mga titig mo eh. Kunwari ka pa. “Susme Troy! Lumabas kana nga lang, pinalala mo pa ang lagnat ko eh. “Aminin mo na kasi Suzaine, may gusto ka sa akin. Gwapo naman kasi ako. “Ang hangin ah! Dinaig mo pa ang signal number 4 na bagyo. “Wala namang masama kung maiinlove ka sa akin Suzaine. Dalaga ka at binata ako. Tsaka kailangan ko rin ng asawa para naman may maging ina ang anak ko kung sakali man. Baka pwede ka? “Naman susme Troy! Saan kaba nagmula at ang lakas ng tama ng utak mo ha? “Zaine, hope you don't mind me asking, pero talagang magtatanong ako. May nobyo kana ba? Natahimik bigla si Suzaine at hindi makapagsalita sa tanong ni Troy. “Hoy, natahimik kana dyan ah. Ano? Tiningnan ni Suzaine ng masama si Troy at nagsalita siya. “Wala! Sa madaling sabi, no boyfriend since birth ako. Bakit? Kasi maaga kaming naulila at ako ang tumayong ina at ama sa kapatid kong si Suzmitha, hanggang sa mamatay siya at naiwan ang anak niya sa akin. Sige, ikaw nga sa katayuan ko, magkakaroon ka pa ba ng oras para manlalaki, maghanap ng boyfriend at kong anu-ano pa dyan? “Oh sorry, hindi ko alam na ganun pala ang nangyari sa inyo. “Okey lang, hindi ko naman ikamamatay kung maging isang old maid ako eh. “Alam mo Suzaine, nasabi mo lang 'yan ngayon dahil medyo bata kapa. Paano nalang pagtanda mo? Mahirap ang walang asawa't anak. Walang aakay sayo pagtanda mo. Walang mag-aalaga sayo. Walang magpapalibing sayo kapag namatay kana, kasi diba? Lahat naman ng tao ay may katapusan talaga. “Ano naman ang gusto mong gawin ko? Manlalaki, ganun? “Oo. Maybe its about time Suzaine na pagtuonan mo naman ng pansin ang sarili mo. Andito naman ako para sa anak ko, hindi mo siya obligasyon dahil hindi mo siya anak. Pamangkin mo lang siya. “Anong nga ang gusto mo? Manlalaki na ako? “Yes, exactly! “Ei parang pakiramdam mo ay ang daling maghanap ng matinong lalaki ano? Sa panahon ba naman ngayon? Ang hirap magtiwala! 'Yung iba ang habol ay katawan lang ng babae at kapag nabuntis iwanan nalang sa ere ang babae. Sino ang kawawa, eh di kaming mga babae. Kaya di bale ng walang aakay at magpalibing sa'kin pagtanda ko. Basta sigurado lang akong hindi ako masasaktan sa bandang huli. “Tsaka, pwedeng ako rin ang lalaking yun. Malay mo? “Ha! Ke aga-aga lasing kana? Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo Troy. Iwan ko sayo, lumabas kana nga at ako'y magpapahinga na. Mas lumala ang lagnat ko dahil sayo eh. “Sige, pero try to think of what i say a while ago, okey? Oo nga pala, here's the tablet, inumin mo ito para gumaling ka kaagad. Mamayang tanghali, dadalhan kita rito ng pagkain. Huwag kana lang bababa pa kung hindi mo pa kaya. Tumango nalang si Suzaine at nahiga na siya. Nang makalabas na si Troy ay sumagi sa isipan niya ang mga pinagsasabi nito. “Anong gusto niyang gawin ko? Maghanap ng lalaki sa tabi2x para may matawag agad na boyfriend? Ayoko nga! Bahala siya!,“sa loob-loob niya at nagtalukbong ng kumot. Napapangiti naman si Troy habang nilalaro niya ang kanyang anak. “Baby, baliw na kung baliw ang papa mo, pero pakiramdam ko ay mag gusto ako sa Tita Suzaine mo, mas mabait naman kasi siya kesa sa yumao mong ina. Mas maalaga, mas masinop, mas maganda, in short nahihigitan niya sa lahat ng bagay ang ina mo. Sana nga lang ay mauwi sa magandang samahan ang lahat anak para may matawag kang Mama paglaki mo,“sabi ni Troy. Napangiti naman ang kanyang anak habang nakatingin ito sa kanya. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD