Chapter 4

820 Words
CHAPTER 4 Kung gaano kainis si Suzaine sa nangyari sa buhay niya, ganun naman kasaya ang nadarama ni Shane para sa kaibigan niya. “Ang saya-saya naman bissy,“sabi ni Shane sabay palakpak. “Alin ang masaya? Iyong nagugulo ang buhay mo? “Hindi eh! Ang ibig kong sabihin, masaya dahil may gwapong fafa doon mismo sa bahay mo nakatira. Aba Zaine, instant happy family. Nagtaas ng kilay si Suzaine habang nakatingin sa kaibigan niyang maharot. “Hindi ko pinangarap na magkaganun ang buhay ko ha? Ni kahit sa isipan ko ay hindi ko nagawang ma imagine ang lahat. Alam mo yung parang na shock ka sa mga nangyayari? Biruin mo nga, hindi ko kilala ang ama ng pamangkin ko tapos ngayon doon pa siya nakatira sa bahay ko? Ano ba, nakakayamot isipin. “Siguro siya na yung destiny mo bissy, kasi nga diba, mula't sa simula pa ay hindi ka man lang nagkanobyo dahil sa kapatid mo, hanggang sa namatay siya at andun na naman sa anak niyang naiwan napukos ang atensyon mo. Siguro nakatadhana na talaga na magiging kayo doon sa ama ng pamangkin mo. “Naku, kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo Shane,“sabi ni Suzaine sabay hampas sa kamay ng kaibigan niya. “Bakit? Anong masama doon sa sinabi ko? Baka nga lang ay magkakatotoo pa ang lahat. Naku, mas matutuwa ako kapagka ganun. Gwapo naman yung sino nga yun? “Troy ang pangalan niya. “Kitam, pangalan pa lang ulam na,“nakatawang sabi ni Shane. “Tumigil ka, puro nalang kalaswaan 'yang nasa isipan mo ah. “Ito naman, para nagsasabi lang ng totoo. Pero Zaine alam mo, hindi naman masama kapag mainlove ka doon sa Troy na yun. Single siya, ganun ka din, eh di perfect match na. “Baka nakalimutan mong ex ni Troy ang namatay kong kapatid. Ayokong multuhin no! “Anong multuhin? Naniwala kana man sa multo, ganun? Teka, kung sakali mang mainlove ka sa lalaking yun, huwag mong pigilan Zaine, pagkakataon mo na 'yang lumigaya. Natahimik bigla si Suzaine sa sinabi ng kanyang kaibigan. Naisip din niyang paano nga ba kung mahulog ang loob niya sa ex nang kapatid niya? Mapapayagan kaya niya? Samantala Nakauwi na si Suzaine sa kanilang bahay. Tahimik ang buong kabahayan kaya kinabahan siya. Tinawag niya ang pangalan ni Troy ngunit walang sumagot. Kung saan-saan niya hinanap ang mag-ama ngunit hindi niya ito makita. Gusto na niya ang umiyak dahil ang iniisip niya ay tinakas na ni Troy ang pamangkin niya ng hindi man lang nagpapaalam. Tinawagan niya ang numero ng lalaki ngunit walang sumagot. “Naku Troy, kung makikita lang kita, babalatan kita ng buhay,“nangalaiting sabi ni Suzaine. Nang mula sa gate ay may humintong sasakyan. Dali-dali siyang lumabas at tiningnan niya kung sino ang dumating. Hindi niya kilala ang may ari ng sasakyan dahil unang kita palang niya dito. Umibis ang sakay na isang babae at medyo may edad na ito at karga-karga nito ang kanyang pamangkin. Tinakbo niya ang gate at agad itong binuksan. “Saan kayo galing? Tawag ako sayo ng tawag sa telepono mo pero hindi mo ako sinagot ah! Saan mo ba dinala ang pamangkin ko?,“sunod2 na tanong ni Suzaine kay Troy na kababa lang mula sa kotse nito. “Ang dami mo namang tanong, dinaig mo pa ang isang asawa ah. Namili ako ng mga gamit para sa anak ko, at kumuha na rin ako ng makakatulong natin rito sa bahay para hindi na tayo mahihirapan pa. “Hala, teka lang. Pwede kana mang umuwi sa inyo ah at iwan mo nalang ang katulong na kinuha mo para rito sa pamamahay ko, kaya ko naman siyang sahuran buwan2. “Gustuhin ko man pero hindi pwede dahil ayaw mo naman na isama ko ang anak ko. Kaya ako nalang ang magtitiis na makipisan sa bahay mo. Kuha mo? Kasanalan mo rin naman kong ba't hanggang ngayon ay andidito parin ako sa pamamahay mo ah. Kung papayag ka lang kasi na isama ko ang anak ko, ei di tapos ang usapang ito. Aalis kami agad ng anak ko. “Iyan ang hindi pwede! “I know, kaya didito na ako hanggang kamatayan ko,“sabi ni Troy at ngumiti ito sa kanya. Kinuha niya ang bag mula sa kamay ng katulong at hinambalos niya si Troy sa mukha. “Huwag mo akong ngingitian dahil hindi ka nakakatuwa. “Ang sungit mo naman, dinaig mo pa ang nagmemenopause na babae ah. Bakit ba at ganun kana lang kataray sa'kin? Mabait naman ako sayo ah,“sabi ng lalaki. “Mabait ba 'yung iwanan mo ang kapatid ko? “Hindi nga ako ang nang-iwan sa kapatid mo. Siya ang nang-iwan sa akin, bakit ba paulit-ulit nalang ang kwentong 'to? Tara na nga sa loob ng bahay,“sabi nito at tinalikuran siya. Nasundan nalang ito ng tingin ni Suzaine at napaangat ang labi niya. ITUTULOY.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD