CHAPTER 3
Araw ng linggo at walang pasok sa trabaho si Suzaine kaya ang ginawa niya ay nilinis niya ang buong bahay. Naglalaba din siya sa kanyang mga damit pati na rin damit sa pamangkin niya. Tuwing linggo lang talaga siya nakapaglalaba dahil yun lang ang freetime niya. Mula lunes hanggang sabado kasi ay may trabaho siya bilang bank teller. Hindi naman siya kumuha ng katulong dahil kaya naman niya ang mga gawaing bahay. Pero ngayon ay pinag-iisipan niyang kukuha nalang talaga siya ng katulong kahit isa lang. Halos wala na kasi siyang oras sa sarili niyan dahil naubos na ito sa pag-aalaga niya sa kanyang pamangkin. Lakad takbo nga ang ginawa niya halos sa araw2x dahil kung kukupad-kupad siya sa kilos niya ay walang mangyayari sa buhay niya. Late siyang lagi sa trabaho panigurado.
Binigyan niya ng laruan ang kanyang pamangkin at magsasampay lang siya sa mga damit na nalabhan niya nang may doorbell. Napatakbo naman si Suzaine sa gate para buksan ang panauhin. Iniisip niyang si Shane ito dahil lagi naman kasi itong dumadalaw sa bahay niya. Ngunit nanlaki ang mga mata niya nang mapagbuksan niya ang lalaking ama sa kanyang pamangkin.
Akma na sana niyang isarado pabalik ang gate ngunit agad itong nakapasok sa loob.
“Anong ginawa mo rito sa bahay ko?
“Saan ang anak ko? Siya ang kailangan ko at hindi ikaw. Tabi ka nga,“sabi nito sabay tulak sa kanya at agad itong pumasok sa loob ng bahay at nagsisigaw pa.
“Anak, andito na si Papa,“sabi nito.
Ngunit hindi nakita ni Troy ang anak niya dahil andun naman ito sa likod ng bahay.
Agad tinakbo ni Suzaine ang likod bahay nila saka dali-daling kinarga ang kanyang pamangkin.
Nakita naman sila ni Troy kaya agad sila nitong nilapitan.
“Ito ba ang anak ko? Oh my, ang anak ko,“natutuwang sabi ni Troy at akmang kukunin nito ang bata ngunit lumayo si Suzaine.
“Hindi siya ang anak mo, andun sa itaas ang anak mo. Anak ito sa kapitbahay namin,“sabi ni Suzaine.
“Naglolokohan ba tayo rito Suzaine? Kita mo naman na kamukha ko nga 'yang bata eh, kaya walang duda na siya ang anak ko.
“Lumayo ka dahil wala na rito ang anak mo, andun na sa bahay ampunan.
“Suzaine, Suzaine, isa nalang. Masusuntok na kita sa sikmura mo ha? Ang kulit mo naman na babae ka. Gumawa ka kaya ng sarili mong anak para magkaroon kana man ng totoong iyo.
Nanlaki ang butas ng ilong ni Suzaine dahil sa sinabi ni Troy sa kanya.
“Hoy mister na bastos, kung wala ka rin lang namang masabing maganda, pwede ba umalis kana? Nakakadisturbo kana sa akin.
“Aalis naman talaga ako eh, pero isasama ko ang anak ko. Akin na ang anak ko. Akin na siya.
“Anong akala mo sa anak mo tuta? Na kung kailan mo gustong kunin, ay ayos lang? Hindi mo siya pwedeng kunin, narinig mo ba ako? Pwede mo siyang dalawin rito sa bahay pero hindi mo siya pwedeng isama sa pag-alis mo.
“Tinanggalan mo ba ako ng karapatan para sa sarili kong anak, ha?
“Oo, oo! Oh alis kana. Panira ka ng araw.
“Hindi ako aalis, hangga't hindi ko naisama ang anak ko.
“Bahala ka!
“Didito na ako titira sa bahay mo,“sabi ni Troy.
“Ano?! Seryoso ka! Uy huwag dito, pwede kana mang dumalaw sa anak mo eh. Masikip na ang bahay ko, tapos dadagdag kapa?
“Basta, dito na ako titira kasama ka at ng anak ko,“sabi ni Troy at umalis ito para kunin ang mga damit nito.
Napakunot nalang ang noo ni Suzaine habang nakatingin sa papalayong lalaki. Sobrang inis ang nararamdaman niya para dito.
“Kung makapagsalita akala mo gwapo?! Saan kaya siya nakilala nang yumao kung kapatid? Eh asal hayop ah!,“sa loob-loob niya habang inilapag ang bata sa higaan nito.
Tatawa-tawa naman si Troy habang nag-impake sa kanyang mga gamit. Kahit naguguluhan siya sa lahat pero natutuwa naman siya sa kadahilanang makakasama na nga niya ang kanyang anak at pati na rin ang kapatid ni Suzmitha na kahit hindi niya sabihin ay attracted siya dito.
ITUTULOY....