CHAPTER 2
SOBRANG nagulat si Suzaine nang marinig niya ang sinasabi ng lalaki na nasa kanyang harapan.
“Ulitin mo nga at baka namali lang ang pandinig ko,“sabi ni Suzaine.
“Alin ba ang namali sa pandinig mo?
“Aba't, siraulo ka pala eh! Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari! Maghalo na ang balat sa tinalupan.
“Sige sa husgado nalang tayo magkikita okey ba yun sayo?
“Ano ba talaga ang gusto mo ha mister? Ba't bigla kana lang sumulpot mula sa kung saan2x at basta mo nalang kunin ang pamangkin ko? Saan kaba noong nagbuntis ang kapatid ko? Ikaw pala ang hinayupak na ama ng bata? Naman, mabuti at nakita kita, ang tagal ko ng pinangarap na makita ka para mabalatan kita sa ginawa mo sa kapatid ko. Ayos ka rin eh no? Hindi ako papayag sa gusto mo, kahit umabot pa tayo sa demandahan. Bahala ka sa buhay mo, wala kang karapatan sa bata dahil kahit kailan ay hindi ka naging ama sa kanya, naintindihan mo ba ako?
“Hindi kita naiintidihan kagaya nang hindi mo rin ako naiintindihan. Diba sinabi ko na sayo? Kasalanan ng kapatid mo at umabot sa ganito ang lahat. Hinanap ko siya pero hindi ko siya matagpuan. Nilayasan ako ng magaling mong kapatid, naglayas siya kahit hindi ko siya pinalayas sa bahay na ito!
“Baka naman may nagawa kang mali kaya naglayas ang kapatid ko. Baka naman ay hindi maganda ang trato mo sa kanya?
Nasabunutan ni Troy ang sarili niyang buhok dahil sa sobrang inis niya kay Suzaine.
“Magtanong ka sa mga katulong rito sa bahay kung anong trato ang ginawa ko sa magaling mong kapatid. Sana nga lang ay nasa katahimikan na ang kaluluwa niya.
“Wala akong oras para magtanong. Uuwi na ako at baka napaano na ang pamangkin ko doon sa pinag-iwanan ko sa kanya.
“Sasama na ako sayo at kukunin ko ang anak ko. Ako ang may karapatan sa kanya dahil ama niya ako at hindi ikaw dahil hindi mo siya anak.
“Oo nga, hindi ko siya anak pero ako ang nag-alaga sa kanya simula pa noong isinilang siya at lumaki. Ako ang nag-aruga sa kanya, ako ang nagpuyat kada gabi para ipagtimpla siya ng gatas, tapos ngayon sasabihin mong wala akong karapatan sa bata? Kung meron mang walang karapatan sa ating dalawa ay ikaw yun dahil wala ka noong isilang siya. Umayos ka ha?!
“Paano ko ba ipaliwanag sayo ang lahat na gaga kang babae ka.
“Mas gago ka kaya mas lalong hindi ko hahayaang mapunta sayo ang pamangkin ko at baka mapaano pa siya rito sa poder mo.
“Bakit? Sa poder mo ba ay hindi siya mapapaano? Eh hindi mo naman siya inaalagaan lagi ah dahil nasa trabaho ka. Kung saan2x mo lang siya iniwan.
“Atleast iniwan ko siya pero binalikan naman, ikaw kaya? Hayop ka, umalis ka nga dyan sa daraanan ko at uuwi na ako, tapos ang usapang ito. Hindi ko ibibigay sayo ang pamangkin ko, hinding-hindi!
“Sige, kung ayaw mo siyang ibigay sa akin, sige, alagaan mo siya bente kuwarto oras at huwag mo siyang ihabilin sa kapitbahay mo.
“Ano? Paano nalang ang trabaho ko?
“Kita mo na? Atleast kung dito siya sa poder ko, pwede akong kukuha ng yaya sa kanya at pwede ko siyang dalhin sa opisina ko kasama ang yaya niya nang sa ganun ay mababantayan ko pa siya dahil nasa malapit lang ang bata.
“Anong gusto mong palabasin? Na hindi ko kayang kumuha ng yaya para sa bata? Anong itawag mo doon sa nagbabantay sa kanya ngayon na sinasahuran ko naman? Diba yaya din? Ayokong ibigay sayo ang bata! Bahala ka!
“Pag-aawayan ba talaga natin ang anak ko ha Suzaine?
Nagulat si Suzaine dahil kilala siya ng lalaki samantalang siya, ni hindi nga niya alam kung ano ang pangalan sa ponchio pilatong ito.
“Kilala mo ako? Paano mo nalaman ang pangalan ko?
“Dahil may pera ako. Ano ba talaga ha, hindi kaba talaga madadaan sa tamang usapan Suzaine?
“Pinaimbistigahan mo ako?
“Ano? Papayag kaba sa gusto ko hindi?
“Hindi!!!,“sigaw ni Suzaine sabay takbo palabas ng bahay.
Sinundan siya ni Troy ngunit nakasakay na siya sa kanyang sasakyan kaya hinayaan nalang siya nitong makaalis.
Tinawagan ni Suzaine ang kanyang bestfriend na si Shane. Hihingi siya rito ng payo.
“Anong gagawin ko? Hindi ko nga kayang basta ko nalang ibigay ang pamangkin ko sa kung sinu-sino lang Shane.
“Zaine, hindi naman ibang tao ang pagbigyan mo sa bata eh. Ama siya kaya may karapatan siyang arugahin ang kanyang anak.
“So ibig mong sabihin na ibibigay ko talaga ang pamangkin ko sa ama niya? Ayoko, mahal ko ang bata at para ko na rin siyang anak. Napamahal na siya sa akin ng husto kaya hindi ko siya ibibigay sa ama niya.
“Zaine, makinig ka sa akin ha? Kausapin mo ang ama ng bata. Sabihin mong papayag kalang sa gusto niya under one condition na hindi ka niya pagbabawalang madalaw ang bata at makasama sa pamamasyal kung gustuhin mo man anytime.
“Ayoko nga eh.
“Para saan ba ang pag-uusap natin ha? Humingi ka ng payo eh ayaw mo namang makinig eh. Useless din yung sinabi ko ah. Teka, gwapo ba yung ama ng bata?,“humagikhik na tanong ni Shane.
“Oo gwapo siya, alam mo yung may sungay, buntot at may mapupulang mga mata? Isipin mo kung gaano siya kagwapo Shane, sige bye na. Isa kapang hindi makakausap ng matino.
Napisil ni Suzaine ang teleponong hawak niya dahil sa sobrang inis.
Halos okey naman ang lahat tapos bigla nalang naging kumplikado ang buhay niya dahil lang sa isang bwisit na ama ng pamangkin niya. Sana ito nalang ang namatay para walang nang gulo pang mangyayari. Kahit anong klaseng pag-iisip ang gagawin niya ay hindi talaga niya kayang pakawalan ang pamangkin niya.