Chapter 1

1348 Words
CHAPTER 1 Inihabilin ni Suzaine ang pamangkin niya sa kanilang kapitbahay. Papasok na kasi siya sa trabaho at hindi naman pwedeng dadalhin niya sa pinagtatrabahuan niya ang bata at walang mag-aalaga nito doon. Pumayag naman ang matandang dalaga dahil binabayaran naman ito ni Suzaine. Matapos niyang sabihin kung ano ang dapat gawin sa bata, kung paano ito ipagtimpla ng gatas ay umalis na si Suzaine, mamayang off duty na naman niya ito babalikan para kunin at iuwi sa bahay nila. Ganun ang routine niya sa kada araw. Magtrabaho sa umaga, at mag-alaga sa pamangkin niya tuwing gabi. Kahit nahihirapan na si Suzaine ay kinaya niya ang lahat dahil wala namang ibang kamag-anak na pwedeng mapag-iwanan sa pamangkin niya. Dalawa lang silang magkapatid ni Suzmitha, noong namatay ang mga magulang nila sa car accident ay siya na ang tumayong ina at ama sa bunso niyang kapatid. At nang nag-aral ang kapatid niya ay nabuntis ito at ni hindi man lang niya nakilala ang lalaking nakabuntis sa kapatid niya. Hindi rin nagkukwento ang kapatid niya kaya wala siyang alam sa mga bagay2x tungkol sa lalaking nakabuntis sa kapatid niya. At 'yun nga, namatay ang kapatid niya noong magsilang ito at naiwan sa kanya ang sanggol. Dinaig pa niya ang buhay may-asawa. Nakalimutan na nga niya ang sarili niya dahil halos nabuhos ang oras niya sa bunso niyang kapatid, at ngayon ito ang pamangkin niya na responsibilidad na rin niya. Napabuntunghininga si Suzaine habang nagmamaneho sa kanyang sasakyan papunta sa kanyang pinagtatrabahuan. Samantala Sa kinaroroonan nina Troy at sa kaibigan niyang si Louie. “Kumusta bro, anong balita doon sa pinagawa ko sayo?,“tanong ni Troy kay Louie, isang private detective at matalik na rin niyang kaibigan. “Ayon sa nakausap ko bro, patay na pala si Suzmitha noong nanganak siya sa anak ninyong dalawa,“sabi ni Louie. “Tapos ano? Saan naman daw ang anak namin napunta? Sa DSWD?. “Hindi eh, may kapatid pala si Suzmitha at siya yung nag-alaga sa pamangkin niya. May trabaho yung kapatid ni Suzmitha kaya laging naiwan sa ibang tao ang pamangkin niya dahil hindi naman daw ito pupwedeng dalhin sa bangkong pinagtatrabahuan nung kapatid ni Suzmitha na si Suzaine. “Sino si Suzaine bro? “Yung nakakatandang kapatid ni Suzmitha. “May kapatid pala ang babaeng yun, tapos hindi man lang nagkwento sa akin? “Magtaka ka pa ba? Eh bata pa yung si Suzmitha noong binuntis mo, kaya parang laging wala sa sarili. Kawawa naman at namatay pala siya noong ito'y magsilang. “Hindi sana dadanasin niya ang ganun kung hindi pa siya naglayas sa poder ko bro, alam mo naman na mahal na mahal ko si Suzmitha pero anong iginanti niya sa akin? Niloko lang niya ako, hindi nga ako sigurado kong ako ba talaga ang ama sa ipinagbubuntis niya. “Sira ka, kasama na sa inbistigasyon ang ipa DNA test ang bata at nagmatch kayong dalawa kaya walang duda na ikaw ang ama sa bata bro. Ano bang plano mo ngayon? “Syempre! Kunin yung talagang akin, yung anak ko. “Sa tingin mo ba ay ganun kadali ang mga plano mo bro? “Tutulungan mo ako diba? Kukunin ko ang anak ko at ayaw kong yung kapatid ni Suzmitha ang magpalaki sa anak ko at baka mahawaan pa sa kalandian kung sakali. Babae pa naman yung anak ko,“sabi ni Troy. “Iwan ko sayo, pero siguraduhin mo muna na may laban ka. Apat na buwan na ang anak mo bro, sa tingin mo ba ay basta nalang papayag ang kapatid ni Suzmitha na kukunin mo ang anak mo ng ganun2x nalang? Baka nakalimutan mo bro, wala ka habang ipinagbubuntis ni Suzmitha ang anak ninyong dalawa, wala ka noong mga panahong kailangang-kailangan ka ni Suzmitha at mas lalong wala ka nang magsilang si Suzmitha. Sigurado akong napamahal na ng kapatid ni Suzmitha yung bata kaya alam kong hindi niya yun ibibigay basta2x lang sayo bro. “Kukunin ko ang anak ko, sa ayaw at sa gusto nila! Teka lang, kanino kaba kumakampi bro? Eh parang si Suzmitha pa ata ang kinampihan mo ah. “Hindi ganun yun bro, ang sa akin lang naman ay pag-isipan mong mabuti ang lahat bago ka gagawa ng mga bagay2x na siyang dahilan upang maging magulo ang lahat. Hindi nalang sumasagot pa si Troy sa sinabi ni Louie sa kanya, pero gustong-gusto na talaga niyang makita at mayakap ang kanyang anak SA BANGKONG PINAGTATRABAHUAN NI SUZAINE. Nagulat siya ng lapitan siya ng security guard at binulungan na may lalaking naghahanap sa kanya sa labas ng bangko. Sinabihan ni Suzaine ang guard na lalabasin niya ito mamaya at malapit na rin siyang mag-off duty. Halos kalahating oras ang ipinaghihintay ni Troy bago siya nilapitan ng isang matangkad na babae. Mestisahin ang dating nito at medyo blonde ang buhok na bumagay naman sa mukha ng babae. Nang mapatingin ito sa kanya ay medyo may hawig ito kay Suzmitha kaya naisip niyang ito na ang babaeng si Suzaine na kapatid ng ina sa kanyang anak. Parang namalikmata si Troy habang nakatingin sa babaeng nagpalinga-linga pa sa paligid at halatang may hinahanap. Binuksan ni Troy ang salaming bintana at tinawag niya ang atensyon ng babae. “Hey miss, please come here, ako yung naghahanap sayo,“sabi ni Troy. Nagtaka naman si Suzaine habang nakatingin sa lalaki. Unang kita pala niya sa taong ito kaya hindi niya ito kilala pero bakit hinahanap siya? “Magkakilala ba tayo? Sorry ha, hindi kita matandaan eh. Ano, kaklase ba kita noong college or highschool, or primary kaya?,“tanong ni Suzaine habang nakatingin sa lalaking nasa loob pa rin ng sasakyan at siya naman ay nakatayo sa labas. “Hop in, may pag-uusapan lang tayo, importante. At hindi kita naging kaklase kahit kailan, unang pagkakataon rin na makita kita, at wala sana akong balak na makipagkita sayo kung hindi rin lang importante ang sadya ko,“sabi ni Troy. Napahumindig naman si Suzaine dahil sa sinabi ng lalaki. Aba't alaskador ang gagong 'to ah?,“sa loob2x ni Suzaine. “Sorry, pero may sasakyan din naman ako eh, kaya hindi ko na kailangang sumakay pa sa kotse mo. Mag convoy nalang tayo, mauna ka at susunod ako sayo,“sabi ni Suzaine na sinabayan pa ng pagtikwas sa kanyang kilay. Napailing si Troy habang isinara nito ang salaming bintana. Magkaiba ang ugali ni Suzmitha at sa kapatid nito. Pero agad niyang nasabi na mas maganda ang babaeng nakaharap kumpara kay Suzmitha, mas matangkad din ito at slender ang katawan. Nagbalik siya sa kanyang sarili nang magbusina si Suzaine. “Ano, tutuloy kapa ba sa pakay mo o hindi na? Nakatanga ka kasi dyan eh,“sabi ni Suzaine at inilabas pa nito ang kanyang ulo mula sa bintana ng kanyang sasakyan. Naiinis si Suzaine sa lalaki dahil ang talas ng dila nito kung makapagsalita na akala mo ay santo. Akala siguro ng lalaking ito ay masisindak niya ako. Never!,“sabi ni Suzaine. Nasundan nalang ng tingin ni Suzaine ang sasakyan ng lalaki. “Sino kaya siya at mukhang pinagkaitan ng buwanang dalaw! Ano kaya ang kailangan niya sa akin at parang galit pa naman? Sa pagkakatanda ko, hindi siya nagpunta sa bangkong pinagtatrabahuan ko, ah. Napabrake ng biglaan si Suzaine nang makita niyang huminto ang kotse ng lalaki mula sa unahan. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Bahay naman ang pinuntahan nila. Isang malaking bahay na parang ancestral house. Nakita niyang bumaba ang lalaki kaya bumaba na rin siya. “Anong gagawin mo sa akin? Ba't andidito tayo? “Mag-uusap lang tayo, diba sabi ko importante? Ano ba sa akala mo ang gagawin nating dalawa ha?,“sabi ni Troy mula sa di kalayuan sa kanya. “Hala, ang sungit naman lang sa taong 'to?!,“sa loob2x ni Suzaine. “Gaano ba 'yan kaimportante at kailangang dito pa talaga sa haunted house tayo mag-uusap? “Basta, malalaman mo rin 'yan pagdating natin sa loob. Tara, get inside,“sabi ni Troy at nagpatiuna na itong umalis. Naiwan si Suzaine sa labas ng gate kinabahan at nakanganga pa. ITUTULOY.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD