BELLE’S POV SO, gusto palang makaalis ni Prince dito sa Welington High to be with Sarah. Ngayon alam ko na ang totoong reason niya. Pero medyo nagtataka lang ako kay Baby. Malakas kasi ang pakiramdam ko na alam niya kung bakit nagpakamatay si Prince. Hmm… Na-curious tuloy ako. Parang gusto kong malaman ang story behind Prince. Pero mukhang hindi ko iyon magagawa sa ngayon dahil angtatampo siya. Balat-sibuyas naman ng multong iyon. Baka nakakalimutan niyang may next case pa kaming dapat tapusin? “Belle! Nandito ka lang pala!” Mula sa pagkakatingin sa malayo ay napalingon ako sa aking liuran. Nakita kong papalapit sa akin si Monica. Humihingal siya at tagaktak ang pawis. “Nakakapagod palang umakyat dito!” aniya nang makalapit na siya sa akin. “Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na

