PRINCE’S POV NALAMAN ko kay Baby na karamihan sa mga kaluluwa na nasa Wellington High ay natuwa sa pagdating ng Tagasundo na iyon. Naiintindihan ko naman sila dahil katulad ko, karamihan sa amin ay nais nang makaalis dito at makatawid na sa kabilang buhay. Ngunit, hindi dapat kami nagtitiwala agad-agad sa Tagasundo na iyon. Paano kung nililinlang lang sila niyon? Paano kung hindi maganda ngunit masama ang nais niyon? “Wala ring magagawa kung kakausapin mo sila. Ang sabi ng iba, hihintayin na lang nila ang pagbabalik ng Tagasundo. Kakaunti na lang ang umaasa sa iyo at doon sa babaeng bukas ang third eye,” ani Baby sa akin. “Ilang kaluluwa lang naman daw kasi ang pwede niyong tulungan. Paano naman ang iba?” “Kung pwede lang lahat kayo ay tulungan namin ngunit alam niyo naman na ilang kalu

