BELLE’S POV NGAYONG medyo matagal na kaming magkasama ni Prince ay napapalagay na ang loob ko sa kanya. Siya ang ang reason kung bakit nawala ng tuluyan ang takot ko sa mga multo at nagpa-realize na hindi isang sumpa ang pagiging bukas ng third eye ko kundi isang gift. Gift ni God sa akin para tulungan ang mga katulad ni Prince. Speaking of Prince, naiintriga na talaga ako sa kwento niya. Kung bakit siya nagpakamatay. Hindi naman siguro siya victim of bullying. Mukha pa nga na siya ang nambu-bully, e. Ang yabang niya kaya minsan. Saka ang gwapo niya kaya hindi siya habulin ng bullies for sure. Alam ko naman na kapag nagtanong ako sa kanya ay susungitan lang niya ako. Hihintayin ko na lang na siya ang magkwento sa akin. “Belle? Hoy! Belle!” “Ha?” Kumurap-kurap ako mula sa pagkakatitig

