LESSON 16- Fighting Together

2247 Words

Belle’s POV HININTAY ko munang makatulog sina mama at papa bago ako umalis ng aming bahay. Naglakad na lang ako para makapunta sa school dahil wala na akong masakyan. Hindi naman ganoon kalayo ang Wellington High kaya keri lang. Nasa gate pa lang ako ng Wellington High ng gabing iyon ay nakita ko na ang mga kaluluwang nagkakagulo sa loob. May dala akong bagpack kung saan laman niyon ang mga kagamitan na sa tingin ko ay magiging useful just in case na may hindi magandang mangyari. Wait nga lang… Ano bang nangyayari? Oh… Ngayon nga pala iyong dating ng sinasabi nilang Tagasundo. Pero bakit nandito pa rin sila? Akala ko ba ay bubuksan ng Tagasundo na iyon ang lagusan papunta sa kabilang buhay para makatawid na ang mga kaluluwa dito sa Wellington High? Ah! Hindi naman masasagot ang tanong k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD