Prince’s POV “AKO nga, Prince. Nagtagumpay ka. Napuno mo na ang kuwintas. Makakatawid ka na sa kabilang buhay!” ani Sarah sa akin habang puno ng saya ang kaniyang magagandang mata. Totoo ba ito? Paanong nandito si Sarah? Hindi ba’t nasa kabilang buhay na siya? Kinusot ko pa talaga ang dalawa kong mata para makasiguro ako kung totoo ba ang nakikita ko o hindi. Nandoon pa rin si Sarah… Nakatayo sa harapan ko at nakangiti ng matamis. Iyong ngiti niya na una kong nakita kaya naman nahulog agad ang loob ko sa kaniya. Sa isang iglap ay bumalik sa akin lahat ng alaala namin. Noong magkakilala kaming dalawa dito nang kami ay mga kaluluwa na. Kami lagi ang magkausap noon hanggang sa maramdaman namin na umiibig na kami sa isa’t isa. Nangako pa nga kami noon na sabay kaming tatawid sa kabilang buh
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


