BELLE’S POV WALA. Iniwan na talaga ako ni Prince! Akala ko ba partners kami sa mission na ito? Tapos iiwanan lang niya ako? Nakakainis siya. Mukhang I have no choice kundi ang umalis na lang. Ayoko nang magsinungaling pa sa teacher na ito at baka mabuking pa ako. “Aaalis na lang po--” “Paging Mrs. Velasquez, please proceed to principal’s office now. Paging Mrs. Velasquez, please proceed to principal’s office now…” “Teka, ako iyon, a. Bakit kaya ako pinapatawag sa principal’s office?” tanong ng teacher sa kanyang sarili. “Okay. Hanapin mo na lang sa drawer na iyon nag files na kailangan mo. Bahala ka na,” anito at nagmamadali itong umalis. Kaya naman naiwanan akong mag-isa doon. Maya maya ay biglang lumitaw si Prince sa harap ko. Itinuro ko siya. “Don’t tell me, ikaw ang…” Tumango s

