BELLE’S POV SINABI ko kay Prince na kailangan na naming mag-ingat sa susunod. Ayoko naman na pati mga magulang ko ay isipin na nababaliw na ako dahil nagsasalita ako mag-isa. Kung alam lang nila ay multo ang kausap ko. Pagsapit ng Sabado, umaga pa lang ay pinuntahan na namin ni Prince ang bahay ng lola ni Miyaka. Mabuti na lang pala at nag-bike ako dahil nasa pinakadulo ng street ang bahay na pinuntahan namin. Yari iyon sa bato. May kalakihan ngunit parang luma na. Sumilip-silip muna ako sa loob hanggang sa may makita akong isang medyo matandang babae. Namumukhaan ko siya. Siya ang lola ni Miyaka! “Magandang umaga po!” Medyo pasigaw na bati ko habang nakahawak ang isa kong kamay sa strap ng aking body bag. Mukhang galing siya sa likod ng bahay nila at nagdilig ng halaman dahil may dala

