PART 2

1078 Words
"Oh, kumain ka nitong saging para lalong luminaw ang paningin mo, Anak." Binalatan ni Aling Juana ang saging saka inabot iyon sa anak na bagong opera sa mata. Nakangiting kinuha naman iyon ni Jo-anne at kinain pero nawawala ang ngiti niya sa tuwing nakikita niya ang bata. Ang bata na hindi raw nakikita ng Nanay niya at ni Duktora Florez. "Nay, hindi mo talaga siya nakikita?" subok na tanong niya ulit sa Nanay niya habang nginunguya ang kinagat na piraso ng saging. Nagtataka kasi talaga siya, eh. Kasi kanina pa ang bata sa silid niya pero parang wala talagang nakikita ang Nanay niya. Ayaw niyang maniwala na siya lang ang nakakakita sa cute na bata. "Ay naku! Tumigil ka na nga! Natatakot na ako sa'yo, ha!" saway ni Aling Juana sa kanya. Kinilabutan na naman ang ginang, hinimas-himas nito ang mga braso. "Pero, Nay, may bata talaga! Ayan siya nasa likod mo, oh!" Subalit giit niya pa rin. Halos mapalundag sa takot si Aling Juana nang ituro niya ang batang nakikita niya. "Haaaayy! Pasaway ka! Huwag mo naman akong tinatakot ng ganyan, Anak! Baka atakahin ako sa puso niyan! Wala talagang bata rito! Tayong dalawa lang ang nandito! Ano ka ba?!" Humaba ang mga nguso niya na naglipat-lipat ang tingin niya sa bata at sa Nanay niya. Sa tingin niya ngayon ay nagsasabi ng totoo ang Nanay niya. Pero bakit kaya hindi nakikita ng Nanay niya ang bata? Magic? Ngumiti sa kanya ang bata at parang pinapatahimik siya dahil nilagay ng bata ang hintuturo nito sa bibig nito. Na-gets niya naman 'yon kaya nanahimik na nga siya. Hindi na niya kinulit ang Nanay niya at baka atahikin nga ito sa puso. Mahirap na! "Ay, naalala ko nga pala. May kailangan akong bilhin na gamot mo. Maiwan muna kita rito, Anak. Kapag bumalik si Duktora Florez ay sabihin mong saglit lang ako." Mayamaya ay paalam ng Nanay niya. Iyon ang inaantay niya, ang umalis saglit ang ina para makausap niya ang bata. "Sige po, 'Nay. Okay lang ako rito." "Sige, 'di bale at bibilisan ko. Babalik din ako agad." "Sige po. Ingat, Nay." Minuto muna ang pinalipas niya bago niya tiningnan ang bata. Baka kasi biglang balik pa ang Nanay niya, eh. Nakangiti pa rin ang bata sa kanya. Sinenyasan niya itong lumapit sa kanya. Sumunod naman ang bata sa kanya. Tinulungan niyang umupo ito sa gilid ng kanyang kama. "Sino ka? Ba't nandito ka? Hindi ka ba hinahanap ng magulang mo?" Pa-inosenteng umiling ang bata. "Anong pangalan mo?" "Ako po si Madeline! Pero Madel po ang tawag nila sa'kin!" bibong sagot ng bata. Lalo itong naging cute. "Ang cute naman ng name mo, Madel. Ako naman si Jo-anne, tawagin mo na lang akong Ate Jo-anne." "Sige po, Ate Jo-anne." Hinaplos niya ang mahabang curly hair ng bata. Sa tingin niya ay anak ito ng mayaman kasi napakakintab ng buhok ni Madel. Halatang alaga ito sa brush. Tapos ang linis nitong bata. "Teka lang! Bakit nga pala hindi ka nakikita ng nanay ko at ni duktora kanina?" Humagikgik ang bata. "Are you sure po? Gusto mo pong malaman?" Tumango siya. Sabi na nga ba niya at mayaman ang bata. Medyo slang, eh. Englisera. "Hindi ka matatakot?" "Bakit naman ako matatakot?" Humagikgik ulit ang bata. "Bakit nga?" Sumeryoso ang bata. "Kasi po ghost na po ako, Ate Jo-anne." Lumaki ang mga mata niya sa narinig. Waaaaahhhh!! Sa unang pagkakataon ay natakot na siya sa bata. "M-multo ka?! As in pa-patay ka na?!" "Yes po!" "Niloloko mo naman ako, eh!" Ngumisi ang bata at sinampelan siyang takutin. Tinitigan ng bata ang saging na kanina'y kinakain niya, umangat iyon sa ere. Namilog ang mga mata niya ng husto. Isa pa ay pinatay-sindi ng bata ang ilaw ng silid tapos ay biglang nagsarado pabalibag ang pinto ng silid. "Waaahhhh! Tama na! Naniniwala na ako na multo ka!" Saglit ay nanginginig niyang pigil sa ginagawa ni Madel. Napasiksik siya sa headboard ng kama. Muntik-muntikan na niyang maunahan ang Nanay niya na atakehin ng puso. Saglit lang ay umaliwas din ang silid. Humagikgik ulit sa kanya ang bata. Sunod-sunod ang kanyang naging lunok habang nakatitig sa batang multo. Ayaw niya sanang maniwalang multo ito pero sa mga nakita niya dapat na siyang maniwala. Myghad! "Huwag kang matakot sa'kin, Ate Jo-anne. Mabait po ako na multo." "Pero multo ka pa rin, eh!" "Kahit na po. Mabait naman ako, Ate. I will not hurt you po." Tinaas pa ng bata ang kamay nito na parang nagpapanatang makabayan bilang pagpapangako. Napapangiwi siya na umayos ulit ng upo. Sabagay mukha naman talagang mabait si Madel kaya nga hindi siya natatakot kanina, eh. Pero hindi niya talaga naisip na multo ito dahil ang cute-cute nitong bata. "Bakit mo ako nakikita, Ate Jo-anne?" mayamaya ay seryosong tanong sa kanya ng bata. "Aba malay ko! Basta pagmulat ko na lang ng mga mata ko ay nakita na kita!" Na-amaze ang mukha ng bata. Natitig ito sa sa mga mata niya. "May third eye ka, Ate?" Napakunot-noo siya. May third eye siya? 'Yung kakayahan na nakakakita ng multo? Weh? "Oo nga! May third eye ka nga siguro, Ate!" Na-excite ang bata. "E-ewan ko." Naguluhan siya. "Pero--" Lumingon-lingon sa paligid ang bata. "Bakit? Anong hinahanap mo?" "Pero kasi, Ate. Kung may third eye ka? Bakit ako lang ang nakikita mo?" "Ano'ng ibig mong sabihin?" "Kasi Ate Jo-anne, hindi lang ako ang multo ngayon dito sa room mo, eh. Madami po kami. Pero bakit hindi mo sila nakikita like me?" Waaahhhh! Parang gusto niyang magtatakbo na sa takot sa sinabing iyon ni Madel. Nayakap niya ang sarili. Pakiramdam niya ay lumaki ang kanyang ulo sa takot. "Huwag ka ngang magbiro ng ganyan!" "Hindi ako nagbibiro, Ate. Diyan may multo ng matanda. Dito may multo ng isang pulis. At madami pa. Hindi mo lang sila nakikita." Yay! Parang totoo nga ang sinasabi ni Madel dahil nagtayuan na ang lahat ng balahibo niya sa katawan. Dios mio! "Kumakaway nga po si lolo sa'yo, oh! Tapos si Kuya roon na--" "Tama na! Huwag mo ng sabihin kung nasa'n sila!" saway niya kay Madel dahil parang matatae na siya sa matinding takot. Goodness! "Okay po." At tumahimik na nga ang bata. Ngingiti-ngiti na lang. Pero ayaw man niya ay nahulog na rin siya sa malalim na pag-iisip. Bakit nga kaya? Bakit si Madel lang ang nakikita niya kung totoong may third eye siya?........... ***•*** Follow me on f******k ~>Ad Sesa And on Twitter ~> @ad_sesa Kamsahamnida for reading!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD