PART 3

1184 Words
"Paano ka namatay? Ang bata-bata mo pa, ah?" Hindi mapigilang tanong ni Jo-anne sa batang multo. Nako-curious talaga siya, eh. Kasi ang ganda-gandang bata talaga ni Madel. Sayang at hindi ito lumaki. Siguro kung hindi ito namatay agad ay baka magiging artista pa ito o modelo. "Kinidnap nila ako, Ate. Apat na lalaki ang kumidnap sa'kin. Tapos ay wala na akong matandaan. Nakita ko na lang ang sarili ko.. ay ang multo ko pala na pagala-gala kung saan-saan," matapat na sagot ng bata. "Kawawa ka naman. Eh, bakit 'di ka umuwi?" "Sinusubukan ko po, Ate. Pero tuwing gagawin ko ay napupunta lang ako sa madilim na lugar, napakadilim na lugar po!" bumukas ang takot sa mukha ni Madel. "Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapunta sa bahay namin. Nami-miss ko nga sina Mommy at Daddy saka si Ate Ruth ko po, eh," malungkot na dagdag pa nito. Napatango-tango si Jo-anne. Naawa siya sa bata. Niyakap niya ito. "'Wag kang mag-alala kapag malakas na ako tutulungan kita. Pupunta tayo sa bahay niyo." "Talaga, Ate Jo-anne?!" Kumalas sa pagkakayakap niya si Madel at tumingin ito sa kanya. Nagniningning ang mga mata nito. Natuwa ito sa sinabi niya at umasa agad. "Oo! Tapos aalamin natin kung ano talaga ang nangyari sa'yo. Promise ko 'yan!" Biglang yakap sa kanya ang batang multo. "Salamat, Ate. Siguro dinala talaga ako rito para magkita tayo dahil ikaw ang tutulong sa'kin!" "Oo nga. Bakit ka pala andito sa hospital?" "Ewan ko ba, Ate. Nando'n lang ako sa swing kanina na naglalaro nang parang may humigop na lang na kung anong pwersa sa'kin. Tapos pagtingin ko andito na ako sa ospital. Naglakad-lakad ako dahil nagtataka ako tapos ayun po, nabigla na lang ako nang makita mo ako." Nakapakunot-noo siya. Wala siyang maisip na dahilan din. Pero tama nga siguro si Madel, siguro'y pinagtagpo talaga sila para matulungan niya ito. Dapat kasi ay anghel na ngayon sa langit si Madel dahil bata pa ito. Pero heto't pagala-gala ang kaluluwa nito sa lupa. Isa lang ang naisip niya, baka hindi pa matahimik ang bata dahil sa isang matinding dahilan kaya andito pa ito sa lupa. At 'yon ang alalamin niya! Totoo ang sinabi niyang tutulungan niya ito 'pag tuluyan nang gumaling ang mga mata niya. Gagawin niya para sa bata! Nakangiting hinaplos niya ang mahabang alun-alon na buhok ni Madel. "Huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano. Simula ngayon ang isipin mo ay may tutulong na sa'yo, at ako 'yon!" "Salamat, Ate Jo-anne!" Napatingin sila sa pinto nang bigla iyong magbukas. Dumating na ang Nanay niya. "Ssshhh!" senyas niya kay Madel. Pumasok ang Nanay niya sa silid. May bitbit na itong isang maliit na paper bag na may mga lamang mga gamot niya. Pero mas natuon ang pansin niya ang gwapong lalaking kasunod na pumasok ng Nanay niya. Multo na naman?! Aissstt! Ano bang nangyari rito sa mata niya?! "May kausap ka, Anak?!" tanong ng Nanay niya sa kanya. "W-wala po, Nay," sagot niya na patingin-tingin sa lalaki. Ngumiti ito sa kanya. Mas sayang naman ang lalaking 'to kung multo na naman ito tulad ni Madel. Guwapo eh! Parang si Park Hyung Sik ng Korean drama! "Hi Jo-anne!" pero mayamaya ay bati sa kanya ng lalaki. Ow? Kilala siya?! Nagsalubong ang dalawang kilay niya. Parang kilala niya rin kasi ang boses nito. Pamilyar! "Anak, hindi mo ba babatiin si Jaycion? Ang kaibigan mo?" anang Nanay niya. Doon lumaki ang mga mata niya. Oh my gosh! Si Jaycion ang lalaki?! Hindi ito multo kung gano'n?! Pero hindi nga?! Si Jaycion talaga ito?! Lalong lumuwang ang pagkakangiti ni Jaycion sa kanya. Ngumiti na rin siya, may konting ilang nga lang. Si Jaycion ang kapitbahay nila na kaibigan niya na gustong-gusto na niya noon pa na makita kung ano hitsura nito. Lagi siyang dinadalaw at sinasamahan noon ni Jaycion kahit bulag siya. Mabait ito sa kanya. Lagi siyang pinupuntahan para may kausap siya at dinadalhan siya ng kung anu-anong pasalubong. Naging matalik niya itong kaibigan kahit gano'n na hindi niya ito nakikita. "Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong sa kanya ng binata. Tuluyan na siyang natameme. Namula ang kanyang magkabilang pisngi. OMG naman kasi! Ganito pala kagwapo ang kaibigan niya! Parang koreano pala ang peg! Akala niya noon ay pangit ito dahil nagtitiis ito na kausapin at kaibiganin ang katulad niyang bulag pero hindi pala dahil parang artista pala ang mukha. Grabe! Si Madel ay kinilig din sa binata. "Ate, ang gwapo ng boyfriend mo, ah?!" sabi nito sa kanya pero pasimpleng dinilatan niya ito ng mata. Landi! "Oh, ba't ayaw mong kausapin ang kaibigan mo Jo-anne?!" pansin ng Nanay na niya sa kanya. Napakamot-ulo siya. Parang nahiya na siya kasi talaga kay Jaycion. Parang ibang tao na ito. "Nay, siya ba talaga 'yan?" naniniguro niyang tanong muna. Si Jaycion naman ang napakamot-ulo pagkuwa'y wala na itong hiya-hiya na umupo sa gilid ng kama niya. Naupuan pa nito si Madel pero dahil multo tumagos lang ang bata sa katawan ni Jaycion. Napilitang tumayo na lang sa gilid si Madel at nanood na lang sa kanila. "Ngayon ka pa nahiya sa akin," sabi ni Jaycion sa kanya pagkatapos nitong pinitik ang ilong niya. Dahilan para mawala na ang hiya niya rito. 'Yon kasi ang laging ginagawa ni Jaycion sa kanya noong bulag pa siya kapag dumadating na ito at tumatabi sa kanya. "I-ikaw nga!" sabi na niya tapos ay yakap na siya sa kaibigan. Napalakpak si Madel, kinilig ang bata sa kanila. Team Jaycion at Jo-anne na agad ito! "Naku nag-alangan pala na ikaw," natawang sabi ni Aling Juana kay Jaycion. Natawa konti si Jaycion at ginantihan na ng yakap ang kaibigan. "Ikaw kasi ang gwapo mo pala! Hindi mo sinabi!" Bahagyang hampas si Jo-anne sa balikat ng binata nang kumawala na siya ng yakap dito. "Kailangan pa bang sabihin ang mga bagay na gano'n?" nakatawang saad ni Jaycion. "So, kumusta ang pakiramdam mo? Masaya ako at nakakakita ka na ulit. Sorry ngayon lang ako nakadalaw, umuwi kasi ako sa probinsya, eh. Kababalik ko lang." "Okay lang 'yon at okay lang naman ako. Ito malinaw na malinaw na ang paningin ko," magiliw niyang sagot. Nagkangitian silang magkaibigan. Masayang-masaya ang pakiramdam niya. Hindi lang pala mabait ang kaibigan niya, guwapo pa! Sa'n pa siya?! Feeling proud! Hinawakan ni Jaycion ang isang kamay niya at mahigpit iyong hinolding hands. Gawain naman talaga iyon ni Jaycion noon pero bakit ngayon ay parang may kuryente na siyang naramdaman? Tapos ang puso niya parang gustong magwala! Ayiee! Kinikilig siya! Nag-thumbs-up sa kanya si Madel nang tingnan niya ito. Pasimpleng kumindat naman siya rito. Hay! Ang saya-saya niya talaga ngayon! Para siyang nasa alapaap! Ganito pala ang kinikilig na pakiramdam. Ngayon siya mas nagpapasalamat kung sino man ang naging donor niya sa mga mata niya. Dahil sa donor niya ay muling nakita niya ang liwanag! At nakita na niya sa wakas ang mukha ng kaibigan niyang si Jaycion! Pero teka nga pala, sino nga kaya ang donor niya sa mata? Napatingin siya sa Nanay niya. Hindi pa pala sinasabi ng Nanay niya kung sino o anong pangalan ng donor niya. Hindi pa pala niya natatanong..............
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD