Ang Kasal ni Mareuz at Heavena
"Mabuhay ang bagong Kasal.",Sigaw ni Syriah.
Si Cleope ay nagsabi,ang Ganda ng mama ko talaga.Si Cleope ay kambal ni Syriah.
Si Cleope at Syriah ay anak ni Mareuz kay Jemima.Subalit matagal nang namayapa si Jemima,Ang Reyna ng Luruska.
At naglaho na ang Luruska, sinakop ito ni Murgaz,subalit si Murgaz ay nadaig ni Mareuz.
At si Medusa ay isang tagabantay ng pitong diyamante sa Tarsis.
At ang dragon na nasa gilid ng mga diyamante ay laging binabantayan ito sa tulong ni Medusa.
"Ave Medusa,Nalalapit nang mapasakamay ni Mareuz ang Kahel na diyamante. Ako'y nagagalak na mapupunta ito sa Tamang diwata, hindi ba niya alam na isa naman talaga siyang diwata,napunta lang siya sa mundo ng mga tao.",Saad ni dragona.
"Oo kaibigang dragona,Hindi nasayang ang sakripisyo ko. Narito na ang Propeta na magtatanggol sa Magartha. Balang araw siya ay magiging Hari ni Heavena, at walang makakapigil Doon.",Tugon ni Medusa.
At dumating si Ming.
"Ako ang karapat-dapat sa Kahel na diyamante Medusa.",Saad nito.
"Paanong ikaw Lady Ming,gayong wala Kang kakayahang balansehin ang buhay at langit.At di hamak na mas malakas ang simpatiya ni Mareuz sa Langit.",Saad ni Medusa na may ngiti.
"Iniinsulto mo ba ako Medusa?",Galit na Sambit ni Lady Ming.
"Bakit ka nagagalit Lady Ming?Tama naman si Medusa sa tinuran niya.",Saad ni Lady Gudiva.
"Nasa akin ang Mingkra,kaya totoo sinasabi ko.",Tugon ni Lady Ming.
Lumabas si Janissa.
"Nagpapatawa ka Ming,Ang Mingkra ay hindi kapangyarihan na panlangit.",Tugon ni Janissa.
"Tayo na Janissa. ",Saad ni Heavena habang papalabas sa Korte ng mga Bathaluman.
At umalis na sila gamit ang Evictus.
"Saan tayo pupunta Heavena.",Tanong ni Janissa.
"Pupuntahan natin si Mareuz sa Magartha, tulungan mo akong maging Hari ko si Mareuz.",Saad ni Heavena.
Si Mareuz ay dating propeta ng Elgarod, At nilipat siya sa Magartha dahil kay Heavena, naging asawa niya si Heavena, na dating namamahala sa mga diwata sa Magartha.