Chapter 3: Balak

746 Words
Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi at lumabas na ng CR. Hindi ako makapaniwala sa resulta.  "Ano ang resulta? P-positive ba?" salubong sakin ni Nes. Binigay ko sakanya ang Pregnancy Test, at umupo sa sofa. Buntis ako. Siguradong na malaking gastos na naman ang kakailangan ko kapag nanganak ako. Hindi ko naman ito pwede ipalaglag, baka dalawin pa ko ng konsensya. Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang kamay ko dahil sa panibagong problema. Ang bata ko pa para mabuntis, mag aaral pa ko ng college. Bakit ba ko hindi nag iingat? "Buntis ka Shan?" Tiningnan ko sya. Gulat na gulat ang itsura nya, kita din sa itsura nya ang di makapaniwala kahit ako, ganyan din nung nalaman ko. "B-buntis ka ate?" Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Vince, kaya napatayo ako at humarap sakanya. "Vince, nandyan ka na pala." Hindi nya pinansin ang sinabi ko. "Sagutin mo ko, Ate. Buntis ka?" Ayoko umamin pero, alam ko na narinig nya na ang sinabi ni Nes kanina. "Oo, Vince. Buntis ako." Pag amin ko, yun naman ang totoo e.  Napapikit ako ng sinuntok nya ang pader na nasa malapit lang namin. "Vince!" Saway ko. "Sino ang ama, Ate? Sino ang nakabuntis sayo!?" Ramdam ko ang galit mula sa boses nya. "H-hindi ko alam." "Ano! Hindi mo alam!? Ate naman, nagpabuntis ka tapos hindi mo alam kung sino ang lalaki na nakabuntis sayo!" Napayuko ako dahil sa binato nya sakin na salita. Masakit iyon para sakin. "Vince, Kumalma ka nga." Rinig ko sa kaibigan ko. "Pano ako kakalma Ate Nes!? huh? Dapat panagutan ng putang lalaki yan si Ate! kaso nga lang hindi alam ni ate kung sino yung lalaki na yun! Punyeta! Nagpapabuntis pa kung di naman kilala!" Nang narinig ko na nagmura si Vince ay nainis na ako. Oo, may karapatan syang magalit kasi kapatid ko sya pero sobra na! Masakit na ang pinagsasabi nya! Kung kanina tiniis ko ang sakit pero ngayon, sobra na ko nasasaktan. "Vince! Wala kang alam kaya wag mo ko agad husgahan! Ate mo ko, kaya respetuhin mo pa rin ako!" Giit ko ngunit di sya nakinig. "Bahala ka!" Umalis sya at lumabas ng apartment. Uuwi din sya, alam ko na nagpapahangin lang yun sa labas. Linapitan ako ni Nes at niyakap. Hindi ko na tiniis kaya kusa tumulo ang mga luho ko sa pisngi ko hanggang sa magsimula na ko humikbi. Nasasaktan ako sa lahat nangyari sakin ngayon. "Ssshh." Pagtatahan nya sakin. "H-hindi ko naman ito ginusto, N-nes." Aniya ko habang nasa kalagitnaan sa paghihikbi. "Alam ko. Nag alala ang kapatid mo yun sayo kaya nya iyon nagawa kanina. Magkakasundo rin kayo kaya tahan na." Kung nandito lang si Papa. Ganun din yata ang magiging reaksyon nya sakin. Magagalit sya. Marahan ako napapikit dahil namiss ko bigla ang mga magulang ko. "Ano ba talaga ang nangyare, Shan? Bakit ka nabuntis? Wala ka namang boyfriend." Tanong nya nang makita na unti-unti na ko kumalma. Humiwalay ako sa yakap, at kinuwento ko sakanya ang lahat ng nangyare sakin nung gabi na naglasing ako. "Shan naman, bakit ka nag inom ng mag isa? Bakit hindi mo ko sinama? Kung sinama mo ko, edi sana di 'to mangyayare." Yan agad ang sinabi nya ng matapos ko magkwento. "Nes, tapos na yun. Di na ibabalik. Kasalanan ko ito dahil tumatanggap pa ko ng alak."  "Hindi mo kasalanan, kasalanan ng lalaki na yun. Bakit ka ba nya pinakuha? Kilala ka ba nya?" "Hindi ko alam. Hindi ko din sya kilala." "r****t kaya sya? Pero, sabi mo kanina ay gwapo yung lalaki, kaya baka hindi." "H-hindi ko alam." "Naku, shan. Kung gwapo ang r****t mo. Siguradong maganda ang lahi ng magiging anak mo" Binigyan ko sya ng masamang tingin. "Nes naman, maging seryoso ka nga." "Ok, seryoso na. Ano ba ang balak mo? Pupuntahan mo ba yung lalaki. Dapat ka nya panagutan gaya nga ng sinabi ng kapatid mo." Ayoko makilala ang lalaki na yun. Ayoko nang bumalik sa bahay nya. Ayoko! "Hindi ko sya pupuntahan." "Huh? Bakit naman?" "Ayoko syang makilala, atsaka hindi ko kailangan ang tulong nya." Pride na ang nangingibaw sakin. "Pano ang anak mo?" "Bubuhayin ko sya. Kaya ko naman sya buhayin na mag isa." Tumikhim sya. "Shan, mahirap maging single mom." Paalala nya sakin. "Oo, alam ko pero kakayanin ko naman." "Pano ang pag aaral mo? Pasukan na ngayong paparating na linggo." "Hindi mo na ko mag aaral." "Pano kapatid mo?" "Ako na ang bahala sakanya, ipapaliwanag ko sakanya ang lahat." "Nandito lang ako shan, tutulungan kita." Ang balak ko? Bubuhayin ko ang anak ko, aalagaan ko sya, mamahalin. Bahala na kung saan ako kukuha ng pera para lang mabuhay ang anak ko. Siguro naman, pwede pa naman ako mag aral kapag tapos na ko manganak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD