Chapter 2: Buntis

1075 Words
"Shanaya Gualez!" "Ano po iyon, Maam?" "Ito na ang sweldo mo para sa isang buwan. Pwede ka ng umuwi." "Salamat po." Nakangiti ko na saad bago umalis sa harapan nya. Lumapit agad ako sa kaibigan ko nang makita ko sya. "Nes, ito oh. Bayad ko sayo nung pinautang mo ko para sa pambayad ng upa. Salamat ulit." "Naku, wala yun shan. Salamat dito." sabi nya nung tinanggap nya ang pera galing sakin. Tatlong linggo na ang nakalipas nung umutang ako sakanya para magbayad ng upa. Buti nandyan si Menice, sya lang ang naging kaibigan ko dito sa pinagta-trabahuan ko. Tatlong linggo na rin nakalipas nang mangyare ang gabi na pinagsisihan ko. Nakakatakot na maglasing pa ko. Napagtanto ko na hindi dapat ako basta-basta tumatanggap ng kahit anong bagay dahil alam ko na may kapalit iyon. Katulad na lang sa pagtanggap ko ng alak, akala ko ay libre ngunit di pala. "Shan, tara sabay na tayo umuwi." "O, sige." Payag ko. Akmang kukunin ko na ang bag ko nang makaramdam ako ng sakit sa ulo ko kaya napahawak ako sa sentido.  "Ok ka lang?" Rinig ko na tanong nya nang makahalata ang kilos ko. "Oo. Ok lang ako." "Sigurado ka?" Shit! Ang sakit talaga ng ulo ko, ngayon lang ito nangyare sakin. Feeling ko, masusuka ako. May nakain ba ko ng mali kanina? "Shanaya!" Tumakbo ako papuntang C.R at doon sumuka. Ugh! Ano ba ang nangyayare sakin? Bakit biglang sumama ang pakiramdam ko ngayon? Nahihilo ako. Sumunod naman sakin si Nes. "May sakit ka ba Shan?" Habang hinahagod nya ang likod ko. "Wala akong sakit." Tanggi ko habang naghilamos nang kumalma na ko galing sa pagsusuka. "Bakit ka nagsusuka ngayon? Di kaya... Buntis ka?" Nagulat ako sa hinala nya. Sinarado ko ang gripo at humarap sakanya. "Ano ba! Hindi ako buntis, Pano ako mabubuntis. Eh, wala nga ko boyfriend." Depensa ko. "Malay natin, yan din kasi ang nangyare sakin nung pinagbubuntis ko ang anak ko." May isang anak na si Menice. Hindi ko sya kaedad. 23 na sya, mas matanda sya sakin. Ayaw nya na tawagin ko sya na Ate dahil pakiramdam nya daw ay sobra nya ng tanda. "Nes, porket nagsusuka, buntis agad. Baka may kinain ako na panis na pagkain kanina kaya nagsusuka ako." Lumabas ako ng CR kaya lumabas na rin sya. "Uwi na tayo nes. Ok na ko." Aya ko sakanya. "O, sige. Pero Shan, kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang ako." may halong pag-alala sa boses nya. "Salamat, Nes." Ngayon palang natatakot na ako. Tatlong linggo na rin nang may nangyari samin ng lalaki na iyon. Pano kung tama nga ang hinala ng kaibigan ko na buntis ako? Pano kung may bata na pala sa tyan ko. Napalunok ako. Sana, sana gumamit sya ng condom nung araw na yun. "Ate, hindi ka pa ba babangon dyan? May trabaho ka pa." Pagbabangon sakin ng kapatid ko. "Hindi ako papasok." Malumanay ko na sagot. "Hindi na naman, masama ba pakiramdam mo?" Umupo sya sa kama ko, at hinawakan ang noo ko na para bang sinusuri nya kung may lagnat ba ko. "Wala ka naman sakit Ate." "Wala naman talaga Vince. Tinatamad lang ako bumangon." Hindi lang tinatamad. Pagod din sa kakasuka kaninang madaling araw. Masakit din ang ulo ko ngayon. Dalawang araw na ko ganito, dalawang araw na din di pumapasok sa trabaho. Nag alala na ko sa sarili ko. Mag pa check-up na kaya ko? Pero natatakot ako na malaman ang resulta kung may sakit nga ba ko. "Ganun ba ate, O sige, Dadalhan nalang kita ng pagkain dito." Aalis na sana sya pero pinigilan ko. Parang may gusto ako na kainin. Parang may hinahanap ang tyan ko. "Vince, bilhan mo rin ako ng santol na nagbebenta sa kanto. Yung maasim lang." Nasabi ko iyon dahil iyon hinihingi ng tyan ko. Gusto ko makatikim ng santol. Siguradong, maasim yun. Nakakatakam! "Santol? Diba, ayaw mo ng maasim na prutas." Pagtataka nya sakin. "Gusto ko na ngayon. Kaya please, bilhan mo ko." pagmamaka awa ko. "Ok ate. Bibilhan kita." Payag nya kaya napangiti ako. "Thanks." Umalis na sya sa harapan ko. Nakahiga lang ako sa kama habang hinihilot ang noo ko. Kailan ba 'to titigil? Uminom na ko ng gamot kanina para mawala ang sakit.  Ilang saglit lang ay narinig ko ang kapatid ko galing sa labas ng kwarto ko. Mukhang di pa sya umalis. "Ate, May bisita ka!" Sigaw nya. "Sino?" "Kaibigan mo, si ate Menice." "Edi Papasukin mo!" Balik ko na sigaw. Pinilit ko bumangon sa kama kahit tinatamad ako. Lumabas ako ng kwarto, at nakita ko si Nes na nakaupo sa sofa namin. Linapitan ko sya. "Nes, napadalaw ka." Umupo ako sa tabi nya. "Gaga! Bakit di ka pumasok ng dalawang araw? Nag-alala ako. Atsaka, ano yang itsura mo? Ang gulo ng buhok mo." Pansin nya sakin. "Tinatamad ako mag-ayos ngayon. Hindi ako pumasok dahil masama pakiramdam ko atsaka nag paalam naman ako kay Ma'am." "Naku, nung isang araw pa yan. Iba na yan." "Tigilan mo ko, Nes." Ayoko pag usapan ang tungkol sa buntis yan, kasi di naman talaga ako buntis.  "O sya, saan pupunta yung gwapo mong kapatid?" Usisa nya. "Dyan lang sa kanto, inutusan ko sya bumili ng santol." "Santol!? Kailan ka pa nahilig sa santol? Ang pagkakaalam ko ayaw mo ng santol." "Ngayon gusto ko na ng santol. Pwede ba nes, wag mong bigyan malisya ang pagkain ko ng santol." At umirap sakanya. "Shan, naninibago ako sayo. Parang iba na talaga yan. Oh, ito gamitin mo." Napatingin ako sa hawak nya na medyo napagulat sa akin. "A-ano yan?" "Edi pregnancy test." "Alam ko pero, hindi nga ko buntis."  "Oo na hindi ka buntis pero pls, subukan mo naman, kung negative edi masaya pero kung positive, ewan ko. Binili ko yan para sayo kaya wag mong sayangin."  "Ayoko." Tanggi ko. "Shan naman, wag na makulit. Sige ka kung di mo susubukan, iisipin ko talaga na buntis ka." Pagpipilit nya sakin kaya sinamaan ko na sya ng tingin bago pumayag sa gusto nya. "Oo na! Susubukan ko na." Tinanggap ko ang binigay nya sakin at pumunta na sa CR namin. Wala naman ata masama kung susubukan ko. Ginamit ko nga ang Pregnancy Test.  Nanginginig ako habang naghihintay ng resulta. Napapikit ako, sana negative. Pagkabukas ko ng mata ko, nakita ko ang resulta. P-positive!? B-buntis ako? "H-hindi ko sinasadya." Nanginginig ko na sabi sa sarili habang unti-unti bumuhos ang luha ko galing sa mata. Hindi sa saya, kundi takot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD