Chapter 1: Problema

648 Words
Shanaya POV Pumasok ako sa Apartment namin na pagod. "Ate!" "Ay! Palaka! Ano ba Vince!? Bakit ka ba nang-gugulat?" "Ate, ok ka lang? Namumutla ka." Hindi ko sya pinansin. Dumiretso ako sa kusina at uminom ng tubig. Sumunod sakin ang kapatid ko. 16 na si Vince, samantala ako, 19. "Ate, Saan ka natulog kagabe? Hindi ka manlang umuwi. Nag alala ako sayo." Ang naalala ko lang kagabe. Pumunta ako sa bar at uminom na mag isa. Gusto ko lang kalimutan ang problema ko kaya uminom ako. May lumapit sakin na lalaki at mas matanda sya sakin. Binigyan nya ko ng alak, kaya tinanggap ko kasi libre lang daw. Ang dami kong nainom, tapos di ko namalayan na umalis na pala kami ng bar at pumunta sa isang bahay. Ang huli ko na naalala ay yung iniwan nya ko sa isang kwarto at may biglang humalik sakin ng ibang lalaki. Ah! s**t! Sumasakit na ulo ko, pati din ang katawan ko. "Ate! Saan ka ba talaga galing?" "Huh? A-ano. Sa bahay ng kaibigan ko, dun ako natulog. Sige maiwan na kita. Sa kwarto lang ako." Iniwan ko na sya. Pumasok ako sa kwarto at biglang umiyak nang maalala ko ulit yun. Ang sakit lang, kasi may nauna na kumuha ng virginity ko. Ibibigay ko yun dapat sa future husband ko. May naalala pa pala ko. Ang lalaki na nagbigay sakin ng alak kagabe, tinawagan nya ng 'Sir' yung lalaki na nanghalik sakin kagabe. Bakit ako? Nang utos ba sya para lang kuhain ako? Sino ba sya? Ugh! Kung hindi ko lang sana tinanggap ang alak, edi sana walang nangyare. Naalala ko bigla yung mukha ng lalaki kanina. Gwapo sya, mukha ngang di r****t pero ang sama nya! Naputol ang pag iisip ko sakanya nang may tumatawag sa phone ko. "Hello." "Ano Shanaya! Kailan kayo magbabayad ng upa!? Tatlong buwan na kayo di nakakabayad! Gusto nyo bang mapalayas!" "Magbabayad naman po kami. Bukas magbabayad na kami kaya wag nyo kami palayasin." "Siguraduhin mo lang!" Binaba nya na ang tawag. Ito ang problema ko, maraming babayarin. Upa, Kuryente, tubig at mga utang pa namin sa labas ang kailangan kong babayrin. Wala na kaming magulang, namatay sila dahil nalubog ang barko na sinasakyan nila papunta sa Cebu. Kahit masakit, tinanggap namin ni Vince ang pagkamatay nila. Hindi din namin alam kung nasaan ang mga kamag-anak namin. Si Vince nalang ang tangi ko na pamilya. Napapikit ako dahil sa dami kong problema. Sa ngayon, matutulog muna ako. "Ate! Ate! Gumising ka na!" Nagising ako dahil sa boses ng kapatid ko. Tiningnan ko ang orasan, tatlong oras ako natulog. Nakaramdam ako ng gutom, oh s**t! Hindi pa pala ko kumakain tapos di pa ko nakaluto ng pagkain. Bumangon na ko at binuksan ang pinto. "Ate, tara kain na tayo. Alam ko gutom ka. Hindi ka kumain kanina." "Pero di pa ko nakaluto." "Nagluto na ko ng kanin. Bumili na din ako ng luto na ulam sa labas." Napailing ako. Bilib din ako sa kapatid ko, Buti nandyan sya. Pumunta na kami sa kusina at sabay na kumain. "Ate, malapit na ang pasukan. Mag aaral ba ko?" Napitigil ako sa pagkain. Ito pa ang isa kong problema, Ako ang nagpapaaral sakanya. Grade 11 na sya ngayong pasukan. "Vince, Syempre mag-aaral ka. Bakit mo ba tinatanong yan?" "Baka mahirapan ka maghanap ng pera dahil dalawa tayo ang nag aaral. Lalo na ikaw, college ka na ngayong pasukan, siguradong malaki ang pera na kakailangan mo." First year college na ko ngayong pasukan. Kakatapos ko lang mag grade 12 o mag graduate ng high school nung March. Napa buntong hininga ako dahil sa dami na problema. "Vince, Problema ko na yun. Kaya ikaw, mag aral ka lang. Walang titigil satin sa pag aaral." "Wag ka mag alala ate, hahanap din ako ng trabaho para di ka mahirapan." "Vince!" saway ko. "Pero, gusto ko din magtrabaho kaya please payagan mo nalang ako atsaka nasa tamang edad na ko." Binata na sya. Mas matangkad pa nga sya kaysa sakin. "Vince naman, ayaw kitang mahirapan." "Ayaw din kitang mahirapan." Tumahimik nalang ako. Alam ko talo na ko sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD