Maaga akong umalis ng bahay dahil nakatanggap ako kagabi ng message kay mommy na doon ako magb-breakfast. Honestly, I was really surprised. Ito ang unang beses na nangyari na inimbitahan niya ako na kumain kasabay nila, lalo na at ramdam ko na madalas ayaw niya akong makita. The words she said to me before made me feel like that. It cuts deep, and even after a few years had passed, the pain is still here, lingering. Pero sa hindi inaasahang pag-imbita niya na 'to, bigla akong nagkaroon ng pag-asa. Baka nga maaayos pa ang pamilya namin. Baka naramdaman na rin niya na hindi lang iisa ang anak niya. Or maybe dad talked to her. Ngayon, nandito na ako sa tapat ng bahay namin. Hindi pa rin ako bumababa sa kotse ko dahil sa kaba, I don't know. This is not a stranger's place but our own hou

