Nang makapasok na kami sa loob ng bahay, kasabay namin ang daddy. His eyes are sparkling in happiness. I know, because he wanted to see this for a long time. Na maayos kami ng kapatid ko. At nakatingin lang siya talaga sa amin! Hindi pa rin siya nagsasalita hanggang sa makaupo kami sa sofa. Then, he called a maid and asked me kung gusto ko ng coffee, and I just answered na hot choco na lang. "Oh, ako na ang gagawa! Ikaw po, Daddy? Coffee?" ang alok ni Caitlin. "Yes, anak. Thank you," sagot ng daddy na may malawak na ngiti. Nang makaalis ang kapatid ko ay tumingin siya sa akin. Naka-ngiti pa rin ang dad mula kanina at pinapanood kami ni Caitlin habang papalapit. "I know you are shocked, Catalina." Napayuko ako at tumango. Naglalaro ang mga daliri ko na nakapatong sa aking mga hita. Nang

