PROLOGUE
Wednesday ngayon at monthsary namin ni Jake. Excited akong pumasok pero napawi lahat ng excitement ko ng hindi pumasok ang boyfriend ko hanggang matapos ang klase sa umaga.
"Huy Shane, wag ka ng malungkot, siguro wala si Jake kasi may surprise sayo" sabi ng bestfriend ko.
"Sabagay baka nga.."malungkot kong sagot.
Kumain na lang ako pero napatigil ng marinig ko ang dalawang babaeng nag uusap katabi ng mesang inuupuan namin dito sa cafeteria.
" Huy girl balita ko di daw pumasok si Jake kanina?"
"Oo pero nakita ko sya kanina sa music room"
Nabuhayan ako sa narinig ko. Agad akong nagpaalam sa mga kaibigan ko at tinakbo ang music room.
Nasa hallway palang ako ng makasalubong ko ang bestfriend ni Jake.
"Kyle nasa music room daw si Jake?"
Hindi ko na hinintay ang pagsagot nya at nagmadali na pero pinigilan nya ko.
"Kung ako sayo Shane, wag ka na lang tumuloy."
Nagtaka naman ako pero hindi ko ito pinansin.
Nakarating ako sa music room na hingal na hingal. I was about to open the door ng marinig kong nag uusap si Jake at Angel.
"Kailan mo ba sya hihiwalayan"
"Hindi pa ngayon"
"What? Don't tell me nahulog ka na?"
"Of course not!! I don't even like her" narinig kong sabi ni Jake.
Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko pero hindi ako umalis at nakikinig pa rin. Hinintay kong may sabihin pa sya, iniisip ko ang mga nababasa kong love story na baka sabihin nyang "I don't like her because I love her" pero wala.
"It's you that I like Angel.."
And just like that..tuluyan na akong umalis habang umiiyak.
Ang sakit, he was my first boyfriend . Binigay ko yung mundo ko sa kanya pero sinaktan nya lang ako.
I hate him!! I hate them!!!
Alam kong mababaw but I promise that one day they'll feel how hurt am I right now.
I will make them feel how hurtful being played by someone you love the most.
I will be back for my revenge ..
You'll feel the revenge of the ugly girl...
***