Shane's POV
"Yes Shane!! Tama ka!! Hinding hindi ka mamahalin ni Jake kasi pangit ka!! Nakakadiri ka!! Alam mo bang sabi ni Jak--"
"STOP ANGEL!! PWEDE BA!!" putol ni Jake sa sasabihin nya.
"Bakit?? Ayaw mo bang marinig nya na sabi mo sobrang pagtitiis ang ginagawa mo kapag kaharap mo sya? Na gustong gusto mo ng mawala sya sa landas mo kaya lang ang saktan sya ang paraan para sagutin kita?"
Di ko na mapigilang humagulgol ng iyak sa narinig ko. Ang sakit sakit na..
"Shane.." Tawag nya sakin.
"Matagal mo na pala akong gustong mawala eh!! Bat di mo naman sinabi? Di na sana kita nilapitan!! D-dapat sinabi mo sa akin na ayaw mo kong makita para di nako nagpapakita ngayon!!"
"Shane...please.."
"W-wag kang mag alala. Mula ngayon di na kita lalapitan, d-dina kita papansinin. La-layuan na kita.. D-dimo na kailangang pagtiisan ang mukha ko..k-kasi di mo na makikita ang mukhang toh.."
Pinunasan ko ang luha ko at tinalikuran sila...siya.
*END OF FLASHBACK*
Pinikit ko ng mariin ang mata ko at pilit na hindi inaalala ang mga nangyari.
Lumabas na ko ng kotse at pumasok sa school.
Nakakagulat dahil wala kang makikitang estudyante.
Wala bang pasok??
Holiday ba??
Pero hindi naman eh..
Hindi naman dahil may mga students akong natatanaw sa cafeteria..
Pumunta ako doon, I was about to enter ng naisip ko na pano kung may sumalubong saking mga itlog o mga pagkain.
Urrgghh bat ko naman naisip yun?? Maganda na kaya ako!!! Kayang kaya ko ng talunin si Angel.
I sigh and enter,
Napapikit ako ng biglang may sumabog.
I'm expecting na makakaramdam ako ng panlalagkit dulot ng mga itlog pero wala.
I open my eyes..
Napanganga ako, wala ang mga upuan at mga mesa. I saw the students forming heart while I am at the center with Jake.
He's holding a giant teddy bear habang patuloy na bumabagsak ang mga petals galing sa mga lobo na patuloy paring sumasabog.
The students was wearing white shirt na may print na 'I heart U'
Lumapit pa sya sakin at inabot ang bear..
"Remember this place?" Nakangiting tanong nya.
Tumango ako, dito nagsimula ang lahat. Dito nya pinigilan si Angel at ang mga nam bubully sakin..
"I want to change those past with new and happy memories..
I know I've hurt you but I'm thankful kasi hinayaan mo pa rin akong gawin toh...thank you"
He's sincere, I know but I don't know what should I say so I just smile at him..
But I'm surprise ng unti unti nyang inilalapit ang mukha nya..
I can't move...
I closed my eyes..
Until I felt his lips
In my forehead..
Napamulat agad ako kasabay ng pagtili ng mga nasa paligid.
Tsk ano namang kakilig kilig dun?
***
Lumipas ang tatlong buwan na punong puno ng sorpresa..
Magugulat na lang ako na pag papasok ako sa room namin at makikita kong may nakasulat na I love you sa white board.
Kakantahan nya ako sa cafeteria habang kumakain kami nila Jamie..kilig na kilig naman ang mga bruha!
Pag uuwi ako makikita ko sa front gate ang napakalaking tarpaulin na may nakasulat na 'TAKE CARE MY GIRLFRIEND TO BE!! I LOVE YOU'.
Pag nasa bahay na ko makikita ko na lang na may mga chocolates ang bag ko.
Pinupuno nya din ng mga letters ang locker ko..
Sumayaw din sya sa field kasama ang mga kaibigan nya at pati mga kaibigan ko nauto din nya..
Tatlong buwan syang hindi nawalan ng pakulo at inaamin kong medyo kinikilig ako although hindi ako nagpapakita ng reaksyon.
Pero nakakapagtaka ngayong araw dahil hindi ko man lang sya nakita simula kaninang umaga..
"Oh akala ko ba ayaw mo sakanya..bat hinahanap mo ngayon?" Pang aasar ni Cassie sakin habang kumakain kami ng lunch. Hinayaan ko na lang silang mang asar.
Natapos ang buong araw na hindi man lang sya nag paramdam.
Ano na kayang nangyari sa kanya?
Pagod na ba sya sakin?
Eh bat mukha akong malungkot? Dapat nga matuwa ako pero siguro baka nalulungkot lang ako kasi di ko pa sya nasasaktan ng sobra..
Well silang dalawa ni Angel,
Nasan na kaya yun?
***