Chapter 2

2249 Words
Jam’s POV Kasalukuyan akong nag-aayos ngayon ng aking mga gamit dahil mamayang 11 ang flight ko patungong Boracay and today is friday. Tama kayo nang nababasa, apat na araw na ang lumipas at ngayon na nga ang araw ng aking flight. Hindi ko alam, nalulungkot ako sa pag-alis ko ngayon. Ikaw ba naman isang taon mawawala para lang maghanap ng isang taong magmamahal sa akin. Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto sa aking kuwarto. Nakita ko naman ang tatlong taong pinakamahalaga sa buhay ko. ‘‘Mamimiss ka naming anak.’’Mama said while walking towards me. Naupo naman silang tatlo sa aking kama at nakangiting nakatingin sa akin. Alam kong malungkot din sila sa aking pag-alis ngunit kailangan nilang pigilan dahil sila mismo ang gumawa ng desisyon na ito para sa akin. ‘‘Huwag kanang malungkot kuya dahil puwede naman tayong magvideo call eh,’’Jaica said. I just smiled at her dahil walang salitang lumalabas sa aking bibig. ‘‘Kailangan ko ba talagang gawin ito? Ma, pa okay naman po ako eh. Hindi ko naman kasi kailangan ng isang lalaki sa buhay ko,’’pagsisinungaling ko kahit ‘yon naman talaga ang totoo. ‘‘Yes anak, wala na ‘tong urungan diba bunso.’’Pagtanong ni mama kay Jaica habang tinutupi ang mga natitira kong damit. ‘‘Yes kuya, kaya nga ako lumiban sa klase ngayon para kasama din ako sa paghahatid sa ‘yo,’’sagot naman nitong si Jaica. Tama kayo, may pasok itong si bunso ngayon, lumiban lang talaga siya para makasama ako sa huling sandali. Mukhang wala na akong magagawa sa desisyon ng aking pamilya at mukhang balak na talaga ako nilang paalisin sa bahay na ito. Minsan naiisip ko nalang kong tunay ba nila akong anak o ampon lang. ‘‘Anong oras naba ma?’’pagtanong ko sa oras dahil kanina pa akong nag-aayos ng mga gamit ko dito sa aking kuwarto at hindi pa ako kumakain. ‘‘Kumain naba kayo?’’habol ko pang tanong muli. ‘‘Hindi pa anak, kaya kami umakyat dito upang tulungan ka sa pag-aayos ng mga gamit mo dahil gusto ko sa huling araw mo dito sabay-sabay tayong kakain.’’Pagsabi ni papa habang sinasara ang aking malaking maleta. Nang mailagay ko ang huling damit sa isang travel bag, tumayo naman ako para makapag-unat ng aking katawan. ‘‘Tara na, nailagay ko na po lahat ng gamit ko.’’Pagsabi ko habang iniikot-ikot ang aking kamay. Nauna namang lumabas si Jaica at sumunod naman ako dito.Narating naman naming ang hapag-kainan na ngayo’y nakahanda na ang lahat ng kailangan sa pagkain namin. ‘‘Wow! Thank you mama sa pagluto ng favorite kong ulam.’’Pagpapasalamat ko kay mama na ngayo’y kakarating lang sa kusina nang mapansin ko na adobo pala an gaming ulam ngayong umaga. ‘‘Anak, sinadya ko talagang lutuin ‘yan ngayon para sa iyo dahil aalis kana sa bahay natin. Pero once na bumalik ka dito ipagluluto kita muli,’’pagsabi sa akin ni mama. ‘‘Ang sweet naman ng mama ko payakap nga.’’Pagsabi ko sabay yakap kay mama. Humiwalay naman ako dito matapos ang sampong Segundo, para makapagsimula na kaming kumain. Bago magsimulang kumain, nagdasal muna kami dahil ‘yon an gaming nakagawian bago kumain. Habang kumakain napag-usapan lang naman naming ang mga possible na mangyari sa akin sa Boracay. Syempre hindi mawawala ang tawanan sa aming pamilya dahil likas din kay papa ang pagiging joker. Pero, makikita mo sa kanilang mga mata ang kalungkutan dahil sa aking pag-alis ngayon, gaya nga ng sabi ko sila mismo ang nagplano ng lahat ng ito. Matapos ang isang kalahating oras natapos naman kaming kumain at nagpaalam ako sa kanila upang maligo na dahil alas 8 ng umaga. Kailangan naming agahan ang pag-alis dahil baka traffic at baka hindi ko maabutan ang aking flight. Nang marating ko ang aking kuwarto agad akong nagtungo sa aking banyo upang makapagsimula ng maligo. Habang dinadamdam ko ang malamig na tubig mula sa aking shower, kasabay nang pagpatak ng tubig ay siya din pagpatak ng aking mga luha. Tama kayo ng nababasa umiiyak ako dahil first time kong aalis mag-isa ng malayo at sobrang tagal bago ako makauwi. Sana, hindi ko pagsisihan ang desisyong pinili ko at sana sa aking pag-uwi kasama ko na talaga ang lalaking magmamahal sa akin hanggang dulo. Matapos ang ilang minute natapos naman akong maligo at agad na nagpalit ng damit. Simpleng white t-shirt lang ako na pinaresan ko ng denim jacket. Habang naka rip jeans and I’m wearing a white nike shoes na siyang dahil para maging cute ako tingnan. Hindi ko pa nasasabi sa inyo may feature ng babae ako which isang advantage na ‘yon sa akin para makabingit ng mga lalaki sa aking pupuntahan. I hope na gumana talaga itong charm ko sa kanila. ‘‘Ang cute naman ng anak ko,’’pagsabi ni papa sa akin ng makapasok siya sa aking kuwarto. Lumapit naman ako dito para yakapin siya at yumakap din naman ito pabalik sa akin. ‘‘Mag-iingat ka doon anak at kapag may problema ka tumawag ka lang kaagad sa amin huh?’’malungkot na turan sa akin ni papa. Tumango lang naman ako dito dahil hanggang ngayon nakayakap parin ako sa kaniya. ‘‘Huwag ka ding mag-aalala anak dahil naniniwala akong mahahanap mo ang lalaking magmamahal sa ‘yo doon at syempre ipapanalangin din naming ‘yan ng mama mo.’’Sabi ni papa sa akin sabay hiwalay sa aming yakapan moment. ‘‘Tara na at baka hindi pa matuloy iyang challenge namin sa ‘yo.’’Father said and he directly walks while he’s bringing my maleta. Sumunod naman ako kaagad dito kay papa matapos kong makuha ang travel bag ko. Ako nalang pala talaga ang kanilang hinihintay dahil pagkadating ko sa baba andoon na si mama at Jaica. Nang makita nila ako, agad naman kaming dumiritso sa labas upang makapagsimula nang maglakbay patungo sa airport. Habang nasa biyahe kami ay tamang usap lang sa mga bagay-bagay. Nandiyan ‘yong mga paalala sa akin ni mama which is, tinatandaan ko dahil alam kong ‘yon ang makakabuti sa akin. Si Jaica naman panay paalala sa akin na huwag ko daw kalimutang magsend ng pictures ng dagat at buhangi once na makarating ako ng Boracay. Tanging tango lang naman ang aking naging sagot dito. Hindi ko gustong magsalita dahil feel ko anytime tutulo ang aking mga luha once na may bumuka ang aking bibig. Makalipas ang dalawang oras nakarating naman kami sa airport. ‘‘Jaica, ‘wag kang magpapasaway huh? Umuwi ka lagi sa tamang oras at bantayan mo sila mama,’’pagsabi k okay Jaica ng makaharap ako sa kanila. Hanggang ngayon pinipigilan ko parin ang aking mga luha dahil ayokong ipakita sa kanila na umiiyak ako. ‘‘Opo naman kuya, lagi naman ako on time nauwi. Don’t worry ako na bahala sa lahat, basta ‘wag mong kakalimutan magsend ng  mga pictures huh?’’sagot naman nito sa akin. Tumingin naman ako kina mama at papa na ngayo’y nakangiti lang sa akin. Dahan-dahan naman akong lumapit sa kanila upang yakapin sila sa huling sandal. ‘‘Tama na ‘yan anak, ‘kala mo naman mawawala ka ng ilang taon. Don’t worry puwede ka naman tumawag sa amin gabi-gabi kapag gusto mo eh.’’Pagsabi ni mama sa akin while she’s tapping my shoulder. Narinig ko naman ang announcement ng aking flight so, kinuha ko na kay papa ang aking malaking maleta. ‘‘Pa’no ‘yan una na po ako, tatawag nalang ako kapag nakarating na talaga ako sa Boracay,’’pagsabi ko sa kanila while plastering a wide smile kahit nakakalungkot naman talaga isipin na mawawala ako for almost one year. ‘‘Sige na anak, basta tandaan mo lang lahat ng sinabi ko sa ‘yo huh?’’pagtukoy muli ni mama sa mga paalala niya sa akin kanina. Tumango naman ako bilang sagot at nagpaalam muli hanggang sa tuluyan na akong tumalikod sa kanila. Hindi ko na nagawa pang lumingon dahil nagsipatakan na ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Ayaw ko nang lumingon pa dahil, baka hindi ko na ituloy pa ang planong ito. I wipe my tears dahil nahihiya na ako sa mga taong nakakasalubong ko patungo sa airplane hanggang sa tuluyan nga akong makasakay sa eroplano. ‘‘Kaya mo ‘yan Jam! Maniwala kang mahahanap mo siya,’’pagsambit ko sa aking isipan. Napatingin naman ako sa lalaking naka-cup na biglang tumayo sa kaniyang upuan. ‘‘Wait, siya ‘yon ah!? Siya ‘yong walang modong lalaki,’’gulat ko bulalas. Ipinikit ko naman ang aking mata upang kumpirmahin kong hindi ako nanaginip at sa aking pagmulat nagulat nalang ako ng nawala na siya sa aking paningin. ‘‘Okay ka lang?’’pagtanong ng katabi kong babae. s**t, nakalimutan kong may katabi pala ako, baka sabihin nitong baliw ako. ‘‘A-ah, opo okay lang ako. ‘Wag niyo nalang po akong pansinin,’’nakangiti ko namang sagot sa katabi kong babae. Tanging tango lang ang naging sagot nito sa akin at bumalik sa panonood sa kaniyang cellphone. Nang magsimulang umandar ang eroplano, dahan-dahan ko namang ipinikit ang aking mga mata para makapag-idlip saglit dahil isang oras pa naman bago kami makarating ng Caticlan. Hanggang sa tuluyan akong nilamon ng dilim. Nagising naman ako dahil sa mahinang pag-alog ng eroplano.Napatingin naman ako sa bintana at napansin kong nasa Caticlan na pala kami. Nang tuluyang huminto ang eroplano isa-isa naman kaming lumabas dala-dala ang kaniyang gamit. It’s already twelve –thirty in the afternoon at mukhang mga ala-una pa kami makakarating mismo sa Boracay dahil need pa naming sumakay ng bangka papunta doon.   Nang makasakay ako sa bangka papunta mismo sa Boracay, napatingin naman ako sa kabilang bangka na ngayo'y kakaalis lang. Hindi ko alam bigla nalang akong kinabahan sa aking nakita. Ewan ko Kung minamalikta mata lang ako sa lalaking 'yon o sadyang naging crush ko talaga siya, kaya nalang hindi siya mawala-wala sa aking isipan. Nagsimula na namang umandar ang bangkang sinasakyan namin at kinuha ko ang aking cellphone to take some photos na ipapakita ko mamaya Kay Jaica. After a couple of minutes namangha Naman ako sa ganda ng Boracay. Pinili ko ang station 3 para tahimik bali nasa Bulabog Beach, Boracay Island, Malay ako ngayon sa Levatin Boracay. I choose this one since, gusto ko din ng mediyo tahimik lang. Ayoko naman 'yong masyadong madaming tao kahit na ang goal ko dito ay hanapin si Mr. Right even it's nearly impossible.   "Thank you miss," pagpasalamat ko sa front desk officer na babae matapos niyang naibigay ang susi ng aking room. Nagpatulong naman ako sa lalaking assistant upang dalhin ang ibang gamit ko dahil sobrang dami kong dala.    "Room 205," I said then sabay lagay ng susi at bukas. Nagpasalamat naman ako kay kuya, na umalis din kaagad matapos akong maihatid sa aking room. Namangha naman ako sa ayos ng room nila. Nandiyan 'yong malambot na puting kama at sa right side nito ay may isang maliit na table with lampshade on it. Isang glass wall sa paanan ng kama which is makikita mo ang tahimik na dagat. Then, of course hindi mawawalan Ng kurtina ang glass wall it's for your privacy diba? Mura lang naman dito kaya ito pinili ko baka kasi sa hotel lang maubos lahat ng kita sa restaurant which is very wrong. "Gosh, nandito na talaga ako at wala na 'tong uwian kailangan kong magsimulang maghanap Ng isang lalaki." Pagsambit ko habang pasayaw-sayaw dahil sa tuwa na nakarating na ako sa Boracay. Naisipan ko namang magpalit ng damit at mamaya nalang maligo dahil inaantok pa talaga ako at mamaya ko nalang din tatawagan sila mama. "I'm done, here we go!" Pagsigaw ko na parang baliw sabay talon sa kama. Nagsitayuan naman ang aking balahibo dahil sa lambot at lamig ng kuwarto ngayon.  "I hope makahanap talaga ako dito," huling sambit ko sa kawalan bago ako tuluyang lamunin ng dilim. Kinahapunan nagising naman ako dahil sa sumilip na liwang ng araw sa loob dahil hindi ko nasagad hanggang dulo ang pagsara ng kurtina. Matapos kong makapag-unat ng aking katawan ay dumiritso naman akong tumayo at nagtungo sa aking maleta upang kunin ang aking towel dahil kailangan ko nang maligo. After getting all the things I needed, I directly headed towards the rest room. Bongga din itong rest room nila may shower wherein you can adjust sa hot and cold na tubig. Nagsimula akong maligo while singing na siyang nakagawian ko kapag ako’y naliligo. Maniwala man kayo sa hindi, maganda boses ko at tanging pamilya lang nakakaalam ng lahat. ‘‘And I’m done,’’pagsabi ko matapos makapagbihis. Since, maaga pa naman kinuha ko ang aking cellphone upang tawagan si Jaica. Lucky me dahil saktong-sakto online ang nerd kong kapatid mukhang sinadya niya talaga mag-online ngayon. ‘‘Hello bunso, nandito na ako sa Boracay!’’Masigla kong sigaw sa aking kapatid habang paikot-ikot upang ipakita sa kaniya ang aking kuwarto. Nakita ko naman ang pagpout nito dahil sa inggit. Manigas siya dahil siya mismo nag-isip ng challenge na ‘to. ‘‘Kuya, nakakainggit ka po,’’malungkot nitong sagot sa akin matapos akong magpaikot-ikot. Umupo naman ako sa paanan nitong kama ko upang kausapin na ‘tong kapatid ko. ‘‘Drama, kasalanan mo ito dahil ikaw nag-isip ng challenge na ‘to manigas ka. Nasaan sila mama at papa?’’pag-iba ko sa usapan. ‘‘Nasa restaurant pa natin kuya, baka mamaya pang 8 ‘yon uuwi.’’Jaica answered habang may kinakalikot. Mukhang naggagawa ng assignment niya. ‘‘Okay, mag-iingat ka diyan bunso huh? Kumain ka nalang after mo gumawa ng mga assignments mo ‘wag muna hintayin sila mama. Lock the front doors para safe ka diyan sa bahay,’’mahabang lintaya ko sa kaniya. Patango-tango lang naman ito sa mga sinabi ko. ‘‘Yes kuya, ang mga pinapasend ko sa ‘yo huh? Send mo mamaya kuya para kahit papano makita ko ang boracay,’’paalala niya sa akin. Tumango lang naman ako dito bilang tugon sabay tingin sa aking relo. ‘‘Regards mo nalang ako kina mama at papa huh? I need to end this call, kakain na ako, kanina pa kasi ako hindi kumakain.’’Pagbigay-alam ko sa kaniya sabay tayo upang kunin ang aking wallet. Matapos kong marinig ang sagot nito, agad ko namang ibinaba ang tawag at tuluyang lumabas ng aking room upang kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD