Chapter 3

1646 Words
Jam’s POV             Kinabukasan, maaga akong nagising upang abangan ang pagsikat ng araw dahil sabi sa akin ng manager kagabi, maganda daw ang view dito once the sun is about to rise. Nagsuot lang naman ako ng maikling shorts at isang oversize na t-shirt which is bagay sa akin at nagmukha akong cute na bakla. Sinapo ko naman ang aking bangs dahil natatabunan na ang aking mga mata. I get my eyeglasses dahil Malabo nadin ‘tong mga mata ko and after getting all the things I needed, lumabas naman ako kaagad. ‘‘Good morning sir, ano pong flavor ng coffee ang gusto niyo?’’pagtanong ng isang waitress sa akin dito sa isang café dito sa resort na ‘to. ‘‘Mocha flavor please, then chocolate cake,’’nakangiti kong sagot dito. Matapos niyang marinig ang aking order, umalis naman ito sa aking harapan. Palinga-linga naman ako sa paligid nitong café at sakto palang ang tao. There are couples na siyang dahilan para kumunot ang aking noo. Then may mga loner na tulad ko. Matapos ang ilang minute, dumating naman ang aking order at sinimulan ko kaagad itong lantakan dahil nag-aagaw na ang dilim at liwanag base sa aking nakikita ngayon sa kalangitan. After eating and resting for awhile, nilisan ko naman ang nasabing café at inilabas ang cellphone to take some shots. Naglakad naman ako patungo sa walang tao katulad nang lagi kong ginagawa do’n sa dalampasigan. Habang naglalakad ako, may napansin naman akong isang babaeng nakaupo at taimtim na nakatingin sa karagatan. Mukhang loner itong lola niyo mga ‘the, base sa nakakalap ng aking radar. I take some photos hanggang sa tuluyan na ngang sumikat ang araw, gaya ko hindi parin umaalis ang babae sa kaniyang puwesto. Hindi kaya sumasakit leeg niya? Kanina pa kasi siya hindi lumilingon. I mean, may ginagawa naman siya paminsan-minsan sa kaniyang cellphone. May napansin naman akong dalawang babaeng dumaan sa aking harapan na ngayo’y naka-two piece lang ang mga ito. Ang aga naman ata nila para sa ganiyan. Anyway, buhay nila ‘yan at hindi ko sila papansinin. Aalis na sana ako nang makarinig ako ng tawanan at automatic napalingon ako sa gawi ng babae kanina.Tama nga ako dahil pinagtritripan siya ng mga walang modong babae. Naglakad naman ako patungo sa direksiyon nila upang awatin ang mga babaeng pusit. ‘‘Hoy itigil niyo ‘yan mga babaeng pusit!’’Pagsigaw ko sa dalawang babae sabay tulong sa loner na babae. ‘‘Okay ka lang girl?’’Pagtanong ko dito habang inaalalayan siyang tumayo. ‘‘A-ah oo, salamat,’’nahihiya niyang sagot sa akin. Matapos kong matulungan si ate girl hinaharap ko naman ang dalawang babae sabay pakita ng nakakatakot kong tingin. ‘‘At sino ka namang baklang pakialamira?’’mataray na tanong sa akin ni ate girl na may kulay yellow-green na two piece at may makapal na make up. Bakit ‘di nalang siya mag traffic enforcer, since bagay sa kaniya ‘yon. ‘‘Hoy babaeng mukhang clown na traffic enforcer, kayo nga diyan pakialamira eh!?’’Sigaw ko ate girl. ‘‘Ako? Mukhang clown? Aba sumusobra kana ata bakla ah?’’galit na sabi nito at agad na inihanda ang kaniyang kamay upang sampalin ako. Buti nalang mabilis ang reflexes ko, kaya napigilan ko ang mga kamay nito sabay tulak ng malakas at muntik pang matumba si ate girl. ‘‘Sige! Subukan niyong lumapit dahil uuwi kayong puro pasa sa katawan. Hindi niyo baa lam na red-belter ata ‘tong kinakalaban niyo,’’pagbabanta ko sa kanila. Nakita ko naman ang takot sa kanilang mga mata na siyang dahilan para mapatawa ako ng lihim. ‘‘Girl, let’s go ayaw kong umuwi ng madaming pasa, saying kaseksihan ko,’’pagsabi ng kasama ni clown girl. Anong sabi niya, kaseksihan? Mukha nga siyang tingting! Nagsi-alisan naman sila sa aming harapan. I burst out in laughter dahil hindi naman talaga totoo na red-belter ako. Gosh, ayaw ko ng taekwondo, honestly guys. ‘‘Oh, I’m sorry nakalimutan ko may kasama pala ako,’’paghingi ko nang tawad sa kasama kong babae. Ngumiti naman ito sa akin at akala ko loner talaga ‘tong babaeng ito pero, parang hindi naman pala. ‘‘H-hm, t-thank you so much sa pagligtas sa akin,’’nahihiya nitong pagpapasalamat sa akin. ‘‘Ano kaba ‘te, wala ‘yon, by the way I’m Jam Cruz and you are?’’Pagtanong ko sa kaniyang pangalan sabay abot ng aking kamay. ‘‘Marga Ocampo p-pangalan ko. Mag-isa ka lang ba dito sa Boracay?’’Nahihiya niyang tanong sa akin. Mukhang nahihiya parin talaga siya sa akin, sabagay ngayon palang naman kami nagkita at hindi ko siya masisisi. "Ano kaba Marga, 'wag kanang mahiya sa akin, be comfortable with me ako ang naiilang sa iyo eh. Yes, mag-isa lang ako dito ngayon sa Boracay and I am here for a reason," sagot ko sa tanong niya sa akin.  "If you don't mind, puwede sa isang logging nalang tayo mag-usap? Naiinitan na kasi ako," request ko sa kaniya. "Yeah, of course. Let's go madami pa akong tanong sa iyo." Marga said while fixing her shirt and short. Nagsimula naman kaming naglakad patungo sa logging house dito.  "So, kaibigan naba kita? I mean yeah? Ano kasi ewan, Wala kasi talagang gustong lumapit sa 'kin kasi weird daw ako." She ask while we're walking towards the logging house.  "Honestly speaking Marga, you're weird pero it doesn't mean na ayaw kita. Katulad mo, ngayon lang din may nag-offer sa akin ng pakikipag-kaibigan."­I said sabay upo sa upuan na kawayan dito sa mga logging house.  "Nice, wala nang bawian huh? Friends na tayo simula ngayon. Anyway ano nga pala dahilan kung bakit ka nandito ngayon sa Boracay?" mayasang niyang tanong sa akin. Napangiti naman ako dahil sa wakas natanggal na pagkakailang niya sa akin. "Yes girl, we're friends starting today. Ganito kasi 'yan girl, family ko talaga ang nakaisip nito kaya ako nandito ngayon. It's a challenge why I am here," I honestly answered her since, Wala Naman akong nakikitang masama kay Marga. "So, ano 'yang challenge na 'yan?"pagtanong niya sa akin. Mukhang seryoso talaga siya at mukhang mahaba-haba 'tong paliwanag sa kaniya. "I have to look for 'Mr.Right' within 365 days. Hindi ko din alam kung bakit ako pumayag sa kanilang kagustuhan. Pero honestly Marga, sa pagpunta ko dito umaasa din akong mahahanap ko siya kahit na bakla lang ako at sana nga mahanap ko siya,"mahabang paliwanag ko sa kaniya na ngayo'y seryosong nakatingin sa akin. "Baks, ganito kasi 'yan, hindi ka lang isang bakla lang because you're more than to it beside tao ka din katulad namin. Masasabi ko lang baks, walang masamang maniwala pero dapat hindi ka lang sa iisang resulta nakafocus. It should be balance and equal. Kung naniniwala kang may darating, dapat hindi ka kampante sa resultang 'yan. Remember, uncertainties are inevitable right?" Marga said. Taray pala ng babaeng 'to hindi lang pala loner ito kun'di may talent din pala ito when it comes to advice. "Marga ikaw ba 'yan? Kung sino kaman lumisan ka sa kaibigan ko!"pagbibiro ko sa kaniya dahil sa kaniyang mga sinabi sa akin.  "Gaga! Ako parin ito. Pero honestly, naniniwala din naman ako baks na may isang lalaking magmamahal sa 'yo keep that on your mind okay? Huwag kang mawawalan ng pag-asa,"sabi naman nito sa akin. Tama pala na tinulungan ko 'tong babaeng ito mukhang siya ang unang kaibigan ko dito sa Boracay. "Salamat 'te. Tama pala na tinulungan kita dahil ikaw ang kauna-unahang kaibigan ko dito sa Boracay,"I said. Akma siyang sasagot sa akin ng bigla nalang tumunog ang kaniyang cellphone hudyat na may nagtext dito.  "Girl, I need to go pinapauwi na ako sa amin. Give your digits and also your f******k account so I can add you also there." She said while giving her phone to me, para matype ko na ang aking cellphone number. Kinuha ko naman ito at nagsimulang itipa ang aking numero.  "Jam Cruz girl search mo nalang sa f******k. Mag-iingat ka sa pag-uwi mo at sana hindi Ito ang huling pagkikita natin," sabi ko dito sa kaniya.  "Of course, don't worry walking distance lang bahay namin mula dito," she replied. Tumango naman ako dito bilang sagot sa kaniyang sinabi sa akin. "Sige, mauuna na ako baks. See you when, I see you." Sabi nito sa akin sabay tayo. "Bye girl, ingat ka. Kakain narin ako dahil anong oras na," pagbigay alam ko sa kaniya at tuluyang siyang umalis. Naglakad naman ako patungo sa kainan dito dahil gutom na gutom na talaga ako.  Habang naglalakad patungo sa restaurant, naisipan kong buksan ang aking f******k to accept the friend request of Marga. Taray ng Lola niyo, ang sexy sa profile picture niya. Hindi mo maipagkakaila na loner 'tong babaeng ito, may tinatago palang wilderness. Nagulat naman ako ng bigla nalang may bumunggo sa 'kin. "Ikaw?!"Sabay naming sigaw. Well, iyong lalaki lang naman na nakasagutan ko noon sa dalampasigan.  "Bakla na nga lampa pa!" Galit nitong turan sa akin na siyang dahilan para magsipuntahan lahat ng dugo ko sa ulo. "Hoy, lalaki ka! Ang kapal-kapal din ng mukha mo ano? Ikaw nga 'tong nangbabangga nalang bigla diyan!"Sigaw ko naman pabalik sa kaniya. Mas lalo akong nagalit ng bigla nalang itong ngumisi nang nakakaloko. "Alam mo bakla, kasalanan mo naman talaga. Hindi ka kasi nakatingin sa daan at panay tingin sa cellphone mo,"may kalakasang turan nito sa akin. Mukhang ayaw din magpatalo nitong unggoy na 'to. "Iyon naman pala eh, ikaw naman pala ang nakatingin sa daan bakit hindi ka umiwas? Tangahin kadin pala," sagot ko dito. Nakita ko naman ang pagkunot ng kaniyang noo dahil sa aking sinabi.  "Ako pa talaga?"tanong nito sa akin. "Oo unggoy! Umalis ka diyan sa daan at ako'y kakain na," I said, sabay hawi sa kaniya at tuluyang naglakad patungo sa nasabing restaurant.  "May araw kadin sa akin bakla"Sigaw nito sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin at tuluyang nagtungo sa kainan. Ang pinagtataka ko lang, kung bakit siya nandito ngayon? I mean, diba nakita ko siya sa dalampasigan noon, tapos dito na naman?  "Ayts, bakit ko ba iniisip ang lalaking 'yon. I shouldn't be thinking of him!" I said. Kinuha ko nalang ang aking earphones at isinalpak sa aking tenga upang maiwasan ang pag-iisip sa unggoy na 'yon hanggang sa tuluyan akong nakarating sa restaurant.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD