"I heard you got ambushed, Ali. I have it investigated already. Sooner malalaman din natin kung ano ang totoong nangyari," Rehan said.
Magkahawak kamay kami na naglalakad pabalik na sa Contario. Of course, hindi kami naglakad mula sa dati kong bahay, no! Bumaba kami sa pinaka bungad ng lupain ng Contario at nag desisyon kaming maglakad na lang para makapag relax at sulitin ang preskong hangin.
"Was it really coincidentally?" I asked,
"I don't believe it was. Sa mundo na 'to, bihira ang sinasabi mo. There would always be someone out there who's got a plan to take us down. The probability of it being just a mere coincident is just 10 percent."
Psh! Iyan din talaga ang una kong naisip noong mga panahon na iyon, na malamang ay may nagbenta sa akin. Pero wala akong maisip na pangalan aside sa b***h na iyon na pinatay ko.
Kung hindi 'man siya, at least nakabawi na rin ako sa mga ginawa niya sa akin. Dapat nga noon pa e, ngayon lang ako na-frustrate ng sobra kaya pinagbuntungan ko siya. Although she deserves every inch of my wrath.
"Do you think it's someone close to us?"
The thought of that bothers me. Isa ito sa ayokong maranasan, ang traydurin ng malalapit sa akin. I could never handle that.
"Possible, but I wish not."
"Yeah, me too," I just hope na kung sino lang ang gumawa noon para madaling tanggapin.
It's been months since I talk to Dario. Nagpapalipat-lipat lang siya ng bansa at patuloy na ginagawa ang mga missions niya. Hindi ko alam sa taong iyon pero parang may hinahabol na kung ano. Ayaw magpahuli when it comes to eliminating people. Masiyado siyang hooked sa trabaho niya.
I found out that Rehan, Silvana, Dario and Wren were childhood friends. They were solid, until I don't know what happened at nagkalagas sila.
Silvana and Wren seem to hate Rehan, but Dario? I don't know, he's like torn between two sides.
I wonder what happened? Nahihiya naman akong magtanong kay Rehan. Ayoko pa naman sa lahat ay ang pinagiisipan akong chismosa. Rehan never tried to open it up so I assume it's something serious.
"I will stop by at the office then we'll get a snack, alright?"
I nodded, didiretso na lang ako sa restaurant na madalas namin kainan at hihintayin na lang siya doon.
He kissed me on my forehead before he walk away from me. I sigh. Napaka sweet talaga ng taong iyon. Sinong magaakala, diba? He's the Contrares Mafia's only successor yet he's a slave to me.
Pagpasok ko ng restaurant, iginaya agad ako ng waiter sa usual table namin. He gave me a glass of water since alam rin naman nila na hangga't wala si Rehan ay hindi ako o-order.
I was busy scrolling on my f*******: feed ng may maramdaman akong papalapit sa puwesto ko. My senses are strong enough to distinguish a passer-by or not. He's definitely going towards me and his presence ain't even familiar.
I remained stiff but who knows kung gaano ako ka-aware sa anomang mangyayari.
"Alena?"
Kumunot ang noo ko, wait... parang,
I finally glance at this stranger. He's wearing a red Ferrari polo shirt, a jeans and running shoes from Adidas. He's holding his cell while eyeing at me.
"Levi?"
Lumiwanag ang mata niya and that confirms na siya nga si Levi. Oh, dear! That's why he's unfamiliar! Matagal ko siyang hindi nakita. Bigla siyang nawala when I decided to join the Mafia.
I remember him being a Contrares member also, I bet he's on a high rank now?
"I'm glad you still remember me," he smiles widely.
"Hey, upo ka! We have a lot to catch up!" Masaya kong bati sa kaniya.
Gosh! I so remember him and our first meeting sa isang pizza parlor. Hindi ko makakalimutan iyon dahil sa araw din na iyon ay may sumabog somewhere at natamaan pa ako ng bubog!
"Thanks, Ali. Kamusta ka na pala?" he asked.
"I'm doing great, ikaw? Bigla kang nawala!"
Sinenyasan ko 'yung waiter na lumapit na agad din naman niyang ginawa. He handed me two board of menu and I give the one to Levi. I ordered my usual meal and an avocado shake.
"Yes, I got a job in Davao. It was urgent kaya hindi ko na nagawang magpaalam sa inyo. Kababalik ko lang galing doon," he smiled, at binalik sa waiter ang menu. He ordered his meal and eyed me again, "Nasaan si Silvana?"
"Oh, she's probably just somewhere, Levi. Kababalik niya lang din from work,"
These guys, naiinggit ako at sa ibang bansa na sila na a-assign. Ako kaya, kaylan? Palagi na lang akong sa kalapit na bayan o siyudad. Psh
"Oh, god! I missed you so much, inom tayo mamaya?"
Ngumisi ako, "Sige ba! Marunong na akong uminom ah,"
Of course, lahat ng klase natutunan ko na, kasama na roon ang pag inom at ang paninigarilyo. Natutunan ko lang, pero hindi ako nagbi-bisyo. Kaylangan kasi sa training. Sa mafia, hindi puwedeng malinis ka.
"Really?"
Halos maibuga ko ang tubig na ininom ng marinig ang malamig na boses na iyon. Pagak akong napangisi ng makita si Rehan na malamig na nakatitig sa amin ni Levi. I know him too well and distinguishing that voice meant something.
"Uhm, Rehan! Halika, maupo ka,"
Lumingon si Levi sa likod niya at natigilan ng makita si Rehan doon. I'm not sure kung kilala nila ang isa't isa pero sa side ni Levi, imposible na hindi niya kilala si Rehan.
Rehan came beside me, inusog niya ang upuan sa tabi ko at doon naupo.
"Levi, this is Rehan, I'm sure you know him?"
"Uh, yes of course who would not, Alena. I'm Levi from Moritesez,"
Levi offered a shake hand.
This brute! Nananatili ang matalim na tingin ni Rehan kay Levi, nakakahiya! I was about to cut the awkwardness when Rehan accepted Levi's hand. Nakahinga ako ng maluwag.
"Rehan, Alena's boyfriend."
I mentally rolled my eyes from that declaration. Hay, napaka seloso talaga. As if naman may aagaw sa akin.
"Oh, okay! That's nice," hilaw na ngumiti si Levi.
"I met him when I was still an outsider, Rehan. I don't know if you still remember but back then when I was at a pizza parlor tapos may sumabog?"
He nodded, "Yeah," tipid niyang sagot.
Umirap ako, if I know hindi talaga niya naaalala.
"Was outsider, Alena?" nagtatakang tanong ni Levi.
Nagulat ako at bahagyang natawa. Right, he doesn't know yet.
"I joined the mafia a year ago,"
Halata ang gulat sa mga mata niya. Mukhang sobrang shocking ha?
"What- really?!"
I nodded, laughing at his expression.
"Then are you- anong trabaho mo sa mafia?"
"I manage the deliveries from this area, Levi. Nasa ibaba ako."
I meant na sa ibabang puwesto, alam na niya iyon.
"Ikaw pala?" I asked, sigurado naman ako na mataas na ang position niya.
"Uh yeah, I'm Davao base director. I manage and organize our people from Davao."
I nodded, alam ko ang trabaho na iyon at junior officer na iyon. Hindi na siya nakikipag sapalaran sa labas at na sa office na lang, sa kaniya nag re-report ang mga tao niya at siya rin ang nangangasiwa sa kanila.
"How's the Moritesez?" Rehan asked,
Napabaling ako kay Levi,
"Ahm we're doing great, ganoon pa rin ang status katulad noon, medyo lumaganap lang ng konti ang nasasakupan," Levi politely answered.
Tahimik naman na natapos ang pagkain namin. When Levi sensed na mukhang hindi na siya kaylangan sa lamesa, nagpaalam na rin siya at sinabing may aasikasuhin pa.
Paghatid sa akin ni Rehan, nahiga pa siya sa couch habang dumiretso ako sa kitchen para kuhanin ang ginawa kong Chicken Macaroni Salad. Kumuha na rin ako ng isang spoon at bumalik sa sala para tabihan si Rehan.
"Nagseselos ka ba kanina?" I asked, pagsubo ng isang kutsara.
"Tss."
Nagsandok ako ng isa para subuan din siya na tinanggap din naman niya agad.
"Why? He's a friend and he's kind. I think mas bata siya sa akin,"
"He's still a man who tries to hit you up, Ali."
Tumaas ang isa kong kilay. "Ano bang sinasabi mo? Mali ka ng iniisip,"
"I'm a man, I know better."
"Whatever dude!"
Nagsubuan lang kaming dalawa ng Macaroni hanggang sa maubos 'yung buong bowl na ginawa ko.
"Are Moritesez a big name?"
Nakita ko ang pag kunot ng kilay niya.
"No, not much of a name. Why?" Tanong niya, "I am powerful enough for you Alena so don't ever think about him and his family name."
"Tinatanong ko lang, para mong sinasabi na nandito ako sa tabi mo dahil mayaman ka!"
"Hindi iyan ang ibig kong sabihin,"
Sinamaan ko lang siya ng tingin, the nerve of this dude!
Nagiwas ako ng tingin, kahit naiinis sa sinabi niya ay hindi ko maikakaila na totoo ang sinabi niya. I mean, yes, I love Rehan, but his power is what I needed to live and survive in this hell world.
"So, they are not big name?"
Inaalam ko lang kung sino ang mga dapat iwasan at ingatan.
"Nah, and they got amount of loans from different families. Hindi na ako magtatakha kung babagsak sila kalaunan."
Tumango ako, I see. Akala ko naman, malaki ang pangalan niya. Hindi naman pala. Iba pa rin yata 'yung kay Silvana.
"Nga pala, iwasan mo muna ang paglalalabas ngayon, ha? Please, listen to me. We've heard reports from our neighbor city na may namataan na isang Nordeen, ayokong ipagsawalang bahala kaya binabalaan kita,"
Nagulat ako ng marinig iyon.
Nordeen, huh? They are a family of assassins and they live only to eliminate every single Contrares bloodline.
Contrares are untouchable, kaya mahirap silang mapatay that's why kahit anong galing ng mga assassins nila, hindi sila nagtatagumpay.
But there's this one story I heard back then, may dalawang babae na raw ang napatay ng Nordeen noon na parte ng Contrares family. Hindi ko lang alam kung ano sila sa pamilya.
"I don't want to risk your life, Alena."
Sumandal ako sa dibdib niya. "Wala naman nakakaalam masiyado ng relasyon natin Rehan, tanging mga narito lang sa Contario. I don't think na mai-involve ako sa kanila unless I make way to get involve which is very impossible to happen,"
"Even so, pilitin mo ang sarili mo na mag-stay muna rito to be sure."
I sigh, of course wala naman akong magagawa. If it's really for my safety, bakit ako tututol?
"Fine, Rehan. Ikaw ang masusunod,"