Chapter 1

3109 Words
Chapter 1.   “Ate, nandiyan na sila nanay!”  nagulat ako sa biglaang pagsigaw ng pamangkin ko.   Hindi ko na siya hinintay na maka-abot sa kwarto ko dahil sinalubong ko na siya sa hagdan, natawa pa ako ng makita ang gusgusin niyang mukha.   “Ang ganda ng tarpaulin mo ate, talagang magaaral kana roon?” tanong ng pamangkin ko.   “Oo, kaya rito ka lang at magpaka-bait, kapag balik ko dala ko na ‘yung diploma ko,”   Narinig ko ang mga sigawan sa baba dahil may handaan ngayon, isang celebration para sa pagkakapasa ko sa entrance exam ng Contario. Sobrang hirap kasi makapasok doon at masiyadong mahal kaya naman ng malaman nila mama na nakapasok ako maging sa scholarship program ay halos mahimatay si mama, to the point na nagpa-tarpaulin pa sila. Hay nako, matatanda nga naman.   Buong kamag-anak ‘ata ng pamilya ay nandito para sa pagdiriwang, lahat ay binabati ako at nagsasabi ng mga positive message sa akin.   Siyempre, ngumingiti lang ako. Noong mga panahong kaylangan nga sila ng magulang ko ay hindi nila kami kilala. Ngayon ang isang pamangkin nila ay nakapasok sa isang mamahaling paaraan ay bigla nilang maaalala, buti nalang din at hindi nagtatanim ng sama ng loob ang magulang ko.   “Ali, congrats! Ang talino mo naman, paano ka nakapasok doon?” tanong ng tita ko.   Nagulat ako nang lapitan niya ako at sa tono ng pananalita niya ay parang imposible na makapasok ako roon.   “Salamat po, tita!” I said, ngumiti ako at nagpasalamat ng malumanay.   Napansin ko ang bigla niyang pagngisi, “Kanino mo binenta ang katawan mo para mabayaran ang fee roon?” tanong ng tita ko.   Saglit akong nagulat sa paratang niya at bahagyang nasaktan, tipid akong ngumiti at tinawanan na lang.   Pagka-graduate ko ng highschool, agad akong nag-apply sa iba’t ibang fast food chain para maka-ipon. Kumayod ako kahit gabing gabi maipon ko lang ‘yung thirty thousand pesos na para lang sa entrance fee ng Contario, tapos sasabihin ng sarili mong kamag-anak na nagbenta ka lang naman ng katawan.   Minsan talaga kung sino pa yung kamag-anak mo sila pa ‘yung mag da-down sa iyo.   Niyakap ko si mama at papa ‘tsaka nagpasalamat sa kanila. Nung natapos magdasal, umalis na ako at bumalik na sa kwarto ko. Nawawalan ako ng gana makita ang mga kamag-anak ko, parang ‘pag sila ang kausap ko, nawawala ‘yung lakas ng loob ko.   Paulit-ulit kong binasa itong registration form na galing sa Contario, it says enrolled na ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na makakapasok ako rito. Like, sino lang ba ako para makatapak dito?   Their scholarship program is a gift from heaven to me, na-cater niya ang tuition fee ko ng hundred percent. Sa second page ng registration form ay naroon ang details ng magiging dorm ko. One of the benefits of being a scholar is the monthly allowance.   Sobrang sulit, diba?   Contario is the Asia’s top university. Kapag dito ka nagaral at nakapagtapos, sigurado na ang magiging future mo. I hate to say this pero kung galing ka sa pipitsuging paaralan, kahit ano pa ang tinapos mo ay hindi nila pag-aaksayahan tignan ang resume mo.   Napaka-gulo ng sistema.   Maaga akong gumising para maghanda, ngayon na kasi ang biyahe ko papuntang Contario at hindi ako maaaring mahuli, puro damit lang naman ang dala ko at iba pang mga basic needs dahil ang iba naman ay sagot nang Contario.   “Anak, sa totoo lang ay hindi ako sangayon na naka-dorm ka, pero ito ang gusto mo kaya ayoko naman na pigilan ka…” sabi ni papa. Malumanay ang pagsasalita niya at masiyadong madamdamin kaya hindi ko mapigilan ang maiyak.   Bakit kaya kapag ang ama natin ang nagsasalita ng ganito, nakakaiyak agad? Ayoko pa naman umiyak ngayon kasi baka mawala ‘yung foundation sa mukha ko, sayang e.   “Pa, para naman ‘to sa atin. Pagbalik ko, dala ko na ‘yung diploma, magiging maayos na ‘yung buhay natin,” sagot ko.   “Wag mo kaming isipin ng mama mo, kaya namin ang sarili namin. Ang sa akin lang e hindi mo kami obligasyon.” he said.   Ngumiti ako, “Pa, kahit anong sabihin niyo ay priority ko po kayo,” lambing ko sa papa ko.   Sobrang hirap ng mga sinakripisyo nila sa akin makapag-aral lang ako ng maayos. Masiyadong mataas ang pangarap ko sa kanila, gusto kong lumaki pa ang maliit na sari-sari store ni mama at ayokong habang buhay ay security guard si papa.   Kaya ako nagaaral ng mabuti para sa kanila dahil alam ko na hindi biro ang magpa-laki ng anak.   “Nak, ‘wag mong bigyan ng pabigat ang sarili mo, bata ka pa, ang gusto namin ay mag-enjoy ka. Hindi mo pa dapat iniisip ang mga responsibilidad na ‘yan!” hirit pa ni papa.   “Ano kaba, Alfred!” sigaw ni mama mula sa likod, “Paalis na nga ang anak mo e sermon ka pa ng sermon diyan!”   Natawa ako ng sumagot din si papa at sila na ang nagtalo.   Nakarating kami sa mismong Contario pasado ala-syete, wala rin naman kasing traffic kaya ang tatlong oras na biyahe ay naging isa at mahigit lang.   Muntik pa akong ma-late dahil ang tagal magpaalam ni papa, may paiyak-iyak pa siya samantalang next month lang baka payagan na akong maka-labas, kung sakali.   Pasado alas-otso na ako nakarating sa dean’s office. Grabe! Sa unang tingin pa lang parang nakakatakot na ‘yung dean. Medyo mataba siya tapos kalbo, puno rin ng tattoo ang dalawang braso niya kaya nagtaka ako.   Mukhang hindi mahigpit ang Contario pagdating sa ganito.   “Good morning po!”   “I have your things sent to your room, dumiretso kana roon,” bungad sa akin ng dean.   Ah! Okay?   He motioned me na puwede na akong umalis. Ang sungit naman nun? Nakasimangot akong lumabas ng building.   Ang laki ng Contario! Puro modern building ang nakikita ko tapos mga students na naka civilian. Ang cool naman din pala rito, akala ko sobrang higpit dito dahil alam mo na, puro sila mayayaman.   Binasa ko ulit ang second page sa registration form, dito kasi nakasulat kung nasaan ang room ko. Hay, sa rami ng building dito, ang hirap naman maghanap.   May nakita akong lalaki na nakaupo sa may bench. Magisa siya at nagbabasa ng libro kaya nilapitan ko na.   Katulad ng mga nakita kong lalaki rito, maayos ang itsura niya pati pananamit, maputi rin siya at kita sa katawan niya na physically fit siya. Sana kausapin niya ako…   Ang hirap kasi magtanong sa mga babaeng nakikita ko, para akong kakainin ng buhay, not that natatakot ako, pero siyempre ayoko ng gulo sa first day ko.   Nilapitan ko siya, “Excuse me! Pwede magtanong, alam mo ba kung nasaan ‘yung Annex D?”   Annex D is the girl’s dormitory.   Natigilan siya sa pagbabasa at dahan-dahang tumingin sa akin.   Nagulat ako ng makita ang malamig na titig niya, hindi ko alam pero sa pagtingin niyang iyon ay parang bigla akong kinabahan.   “Do you want to die?” pagbabanta niya.   Malamig ‘yung boses niya, parang ‘yung taong hindi mo puwedeng kausapin kasi kapag inabala mo, mananapak bigla.   Nagtaka ako sa sinabi niya, napaka-sungit naman!   “Itatanong ko-“   Biglang nanglaki ‘yung dalawa kong singkit na mata ng bigla niya akong tutukan ng baril.   What the F!   “Leave or I’ll f*****g shoot you!”   Hindi na ako tumingin pa sa kaniya at nagmadali nang tumakbo palayo.   Grabe! Totoo kaya ‘yung baril na hawak niya?!   Sa bilis ng takbo ko makalayo lang sa taong ‘yun, hindi ko na alam kung saan ako napadpad. May mga gusali pa naman pero halos wala ng tao rito.   Shit talaga! Hingal na hingal ako na umupo sa isang bench, sobra-sobra ‘yung kaba ko sa ginawa sa akin ng lalaking ‘yun. Puwede ang may baril dito? Anong klaseng school ba ‘to! ni walang pakialam ‘yung ibang students sa paligid.   Hay, mga lalaki talaga, minsan akala mo sobrang taas nila para manutok ng baril sa kapwa. Labag sa batas ‘yun ah? Puwede ko siyang kasuhan.   Pero wala akong pera kaya never mind na lang.   “Miss, ‘wag ka rito! Kapag nakita ka ni Rehan papatayin ka ‘non!” sigaw ng isang babae mula sa likuran ko.   “Ha?” pagtataka ko,   “Sabi ko-“ hindi na niya natapos ang sasabihin niya kasi pinutol ko na siya,   “Bakit ba puro salita niyo ay p*****n? Puwede niyo naman akong paalisin ng maayos!”   Feeling ko nagka-trauma ako sa lalaking ‘yun.   “Sungit mo naman!” paratang niya.   Tumaas ‘yung kilay ko, ngayon ako na ang masungit?   “Nasaan ba yung Annex D?” tanong ko, sayang naman ang daldal niya kung wala akong mapapala.   “Doon ‘yun sa dulo. Ang layo ng dormitory rito, bakit ka rito napadpad?”   Hindi ako makasagot, ayoko na ikwento ‘yung nangyari kanina baka pati siya e matakot din.   “Ikaw ‘yung bagong student?” tanong niya.   Tumango ako, “Oo, late na nga ako sa first subject ko e. Kanina ko pa kasi hinahanap ‘yung dorm, hindi ko alam kung nasaan.”   Lie. Lie. Lie.   Kadarating mo lang Alena.   “Ah, e ‘di ikaw pala ang roommate ko. Isa lang naman ang inaasahang bagong student ngayong taon,” sagot niya.   Nagtaka ako sa sinabi niya, “Huh, isa lang?”   “Oo, isang student lang ang tinatanggap ni Contario every year, dipende na lang kung hindi ka tumagal, doon lang sila magpapasok ulit ng isa.”   Hindi ko alam na ako lang pala. Ibig sabihin nito sobrang swerte ko talaga dahil ako ang napili sa rami naming nag-exam.   Thank you, Lord!   Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.   “Sa tingin ko hindi ka makakatagal dito,” sabi niya.   Tangina! Ang hilig naman mang-insulto ng mga tao sa paligid.   “Sino kaba para manghusga?” pagtatanong ko.   Masiyado niyang minamaliit ang pagkatao ko! Matalino ako!   “Isa pa, hindi naman ako ganoon ka bobo, kaya ko ang academics dito at kung advanced ‘man, kaya ko pa rin.”   Sa sinabi ko, mas lalo siyang tumawa. Malas ko naman ‘ata sa magiging roommate ko, may pagka-sinto sinto.   Hindi ko na siya inimikan. Kinuha ko na ang mga bag ko, kaylangan ko na talagang mahanap ang dorm ko para makapasok na ako.   “Baliwala lang kung papasok ka, wala rin naman nagtuturo.” sabi niya.   Umirap ako nang sundan niya ako, pero curious ako sa sinabi niya.   “Bakit, tamad mga prof dito?”   Umiling siya. “Hindi naman, wala lang talagang prof at kung mayroon ‘man, wala rin papasok.”   Natawa ako. Ngayon ko nakitang totoo ngang sino-sinto siya.   Sino ba naman ang tanga na hindi magaaral, e ‘di anong ginagawa nila rito? ‘Tsaka hindi sila makaka-graduate.   “Hindi ka naniniwala sa akin?” tanong niya.   “Malamang!” sagot ko agad.   Tumawa na naman siya ng malakas, natawa rin tuloy ako. Nakakainis naman ‘yung mga taong nakakahawa ‘yung tawa nila.   Feeling ko magiging sinto-sinto rin ako ‘pag kasama ko ang babaeng ‘to.   “Paano mo ba nakilala itong Contario?” she asked out of nowhere.   Nangiti ako ng maalala ‘yung mga panahong pina-pangarap ko lang ito. Hindi ko akalain na totoong mangyayari ‘to sa buhay ko.   “Madalas ko kasi siyang naririnig sa balita, puro mga nakatapos dito, naging successful sa larangan na tinahak nila.”   Napansin ko sa gilid ng mata ko ang pagngisi niya, “Those were lies. How come na ang dali ninyong mauto?” she said.   “Kung hater ka ng Contario, anong ginagawa mo rito?” I answered back.   “Hindi ako hater, alam ko lang ang mga bagay-bagay, besides wala naman akong choice e.” she said, sighing.   Dito rin talaga ako hindi sasang-ayon sa kaniya.   Ngumiti ako, “Lahat tayo ay may choice sa buhay,”   Hindi ako naniniwala sa bagay na wala kang pagpipilian. Palagi tayong may choices sa buhay, nasa sa atin pa rin kung ano ‘yung gugustuhin nating tahakin.   Iyong mga nagiisip noon, ewan pero para sa akin ang hina nila magisip. Kung sabagay, iba-iba magisip ang tao.   Paano kung ganon nga, magpapadala ka na lang sa bagay na hindi mo gusto dahil lang akala mo wala kang ibang pagpipilian, when in fact e mayroon naman.   “Hindi sa mundong ginagalawan namin,” sagot niya ng pabulong.   Nag reason pa! Lahat tayo iisa lang ng mundong ginagalawan, iba’t iba lang ng kinatatayuan.   Nagulat ako ng maaninag ko ang ANNEX D sa isang building. My God! Para siyang condominium!   Ang taas tapos ang ganda rin ng structural design.   “Sa 8th floor tayo. Wala tayong ibang kasama, madalas din wala ako sa dorm kasi kaylangan ako sa site.”   I nodded. “Mukhang hindi required mag-uniform dito, no?” tanong ko habang naghihintay sa elevator.   Umiling siya. “Hindi, like what I told you walang pumapasok dito, kung mayroon ‘man ay iisa, at mukhang ikaw ‘yun.”   Imposible!   Bad influence ‘to! Para siguro tamarin din ako pumasok. Nako, asa pa siya! Mas importante sa akin ang magaral kasi baka mawala ‘yung scholarship ko, ‘tsaka nakalatag na sa isip ko ‘yung mga gusto kong gawin sa buhay, unang-una roon siyempre ‘yung pangarap ko kina mama at papa.   Pagsakay namin sa elevator, ‘yung roommate ko na agad ang pumindot kung saang floor kami. Huminto ang elevator sa 3rd floor at pumasok ang isang babae na naka-revealing clothes.   Mukhang sa 8th floor din ang punta niya.   Nagulat ako ng bigla siyang naglabas ng balisong at nilaro-laro ito sa kamay niya.   Saglit akong nasulyap sa makintab na pinto ng elevator at nagulat ng makitang sa akin nakatitig ‘yung babae.   “Don’t scare the newbie, b***h!” nagulat ako ng magsalita ‘yung roommate ko.   Ngumisi ‘yung babae, hindi pa rin nawawala ‘yung titig niya sa akin kaya nailing ako at tumingin na lang sa dingding.   “Why, you’re gonna back her up?” maangas na tanong ng babaeng bagong sakay.   Ngumisi ang roommate ko, “If so, may magagawa ka ba?”   “We will see then, subukan ko ba?” hamon ng babae.   Nasa 4th floor na kami, konti na lang at makaka-baba na ako. Kakaiba itong babae na ‘to! Hindi kaya gangster siya? Pati ‘yung lalaki kanina ay may baril, required ba na may armas dito? Parang natakot tuloy ako.   Oh s**t!   Napa-atras ako ng bigla akong sinunggaban ng babae hawak ‘yung balisong niya. Sa sobrang bilis ng pangyayari, sigurado ako na mapapatay niya ako.   Bigla siyang sinipa ng roommate ko mula sa likod kaya napa-subsob siya. Saglit lang siyang natumba, mabilis agad siyang nakatayo at maliksi na inatake ‘yung roommate ko. Mabilis din ni roomie na nasalag ang atakeng ‘yun.   Sa takot ko ay halos sumiksik ako sa dulo ‘wag lang akong madamay.   Umikot yung babae pababa ‘tsaka sinuntok ng malakas ‘yung tuhod ni roommate. Nasaktan ‘man ay hindi niya ito ininda. Hinablot ni roommate ang buhok ng babae at malakas na inumpog sa may bakal na hawakan.   “Arrgh! f**k!” impit na sigaw ng babaeng bagong sakay.   Hindi pa ‘man nakaka-bangon ‘yung babae ay mabilis ng kumilos si roommate at agad ng hinablot ‘yung balisong sa kaniya, at tsaka niya ito tinutok sa kanan nang tenga ng babae.   “Move b***h and you’ll lose your ear,” pagbabanta ni roommate.   “Are you sure?” ngisi ng babae.   Doon ko nakita ang maliit na baril na nakatutok na ngayon sa hita ng roommate ko.   Saktong tumunog ang elevator, nasa 8th floor na kami. Para akong nakahinga ng maluwag. Hindi na ako naghintay na may mangyari pa at agad ng lumabas, nasa akin naman ang room number e. Bahala sila roon magpatayan.   862 ata ‘yun? Sinimulan kong tignan ang bawat room number. Nakaka-dalawang room pa lang ako ng magulat ako nang nasa tabi ko na ‘yung roommate ko.   Kaagad akong umiwas sa kaniya sa takot ko, baka mamaya ako pa ang mapatay nito.   “Natakot ka?” tanong niya. Nagawa pa talaga niyang mag bubble gum matapos ang nangyari.   Tumango ako, “Kaaway mo ‘yun? Ayokong madamay, pakisabi naman sa kaniya na ‘wag niyo akong idamay.”   Umiling-iling ‘yung roommate ko. Huminto siya sa isang pinto, sa dorm namin. Kumuha siya ng susi sa bulsa. Ngayon ko lang siya napagmasdan, para lang siyang tambay sa kwarto. Naka sweat shirt siyang gray tapos jogger pants na black, naka medyas din siyang itim habang naka tsinelas.   “Hindi mo puwedeng ipakita sa kanila na mahina ka, lalo ka nilang pagkakaisahan.” sabi niya, paalala sa akin.   Binuksan niya ang pinto, pag pasok namin ay bumungad agad sa akin ang aliwalas ng paligid.   “Hindi ako mahina, ayoko lang ng gulo,” sagot ko.   Hindi ako pumasok dito sa Contario para sa mga ganitong bagay. Hindi ako nagpakahirap para aksayahin ko ang buhay ko rito.   She smiled, “You have to accept that you are weak so that they can’t use that against you.”   Natigilan ako sa sinabi niya at napa-titig sa kaniya.   “I am here with only one goal roommate, and that is to get my diploma.”   “You will have your diploma, there’s no doubt to that.” she said, “But if you want that to happen, you must stay alive. You’re lucky, you know that? Ako ang roommate mo, kung napunta ka sa maling tao, maaaring patay ka na ngayon.”   Biglang bumalik sa isipan ko ang nangyari kanina, ‘yung ginawa nung lalaki at kung paanong parang wala lang sa kaniya ang pumatay at ‘yung away nila sa elevator ay hindi magandang halimbawa.   Hindi rin naman ako mabuting tao, inaamin ko noong high school ako ay may mga nakaaway rin ako dahil parte naman iyon sa buhay ng pagiging teenager pero hindi ako umabot sa ganitong sitwasyon kung saan may hawak nang patalim ang kaaway ko.   “Bakit, mabuting tao ka ba?” I asked, a little bit scared.   That f*****g guy really traumatized me.   She give me a genuine smile for the first time. “I’m not a good person Alena, but that’s okay because I’m not as evil as most of them.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD