Chapter 2

2694 Words
Chapter 2. Ilang oras din ang ginugol ko sa pag-aayos ng gamit ko. Ang tagal ko kasing naaliw sa ganda ng dorm namin. Nakaidlip pa nga ako e, ang ganda kasi ng kutson. Mayroon pa akong flat screen sa kwarto, hindi pa kasama ‘yung mas malaking flat screen T.V sa sala. Doon ako pinaka-natuwa sa kusina, sobrang ganda grabe! Lalo ‘yung mga utencils, ‘pag nakita mo ma-eenganyo ka agad magluto. Tapos ‘yung ref, punong-puno ng imported na pagkain! Pero hindi ako kumuha ah. Baka kasi mamaya kay roommate ‘yun e, ayoko naman galawin dahil hindi ako magnanakaw ‘no. Pero nakaka-akit ‘yung chocolates. Sa totoo lang, kanina ko pa tinititigan itong uniform ng Contario. Parang masiyadong mainit tignan. Kaya siguro hindi mga naka-uniform ‘yung mga nakita ko kasi kahit ako e maiinitan suotin ‘to. Pasado ala-una na at based sa registration form ko, mayroon pa akong subject ng alas-dos. Inayos ko na ‘yung mga gamit na dadalhin ko para sa subject, pati ilang libro na hanggang mamaya kong subject. Medyo malayo kasi itong dorm at hindi ko pa kabisado ang mga daan, pero buti na lang ay mayroon pa lang iPad na binigay ang school at may mini map na din naka-install para hindi ako maligaw. Bukod doon, nasa side table ko narin ang isang atm card na mukhang kaylangan kong gamitin para sa needs ko. Paglabas ko ng kwarto, tahimik ang paligid. Parang narinig ko ‘yung roommate kong lumabas kanina pero hindi ko narin pinansin. May mga bagay na hindi ko masiyadong maintindihan sa kaniya. Ni-lock ko ang unit paglabas. Ang lamig ng hallway tapos sobrang tahimik pa, buti na lang at hindi madilim kun’di baka kinilabutan na ako. Pagdating ko sa elevator at pinindot ang paibaba, bigla akong natigilan nang maalala ‘yung nangyari kanina. Bumilis na naman ‘yung t***k ng puso ko. Isang araw pa lang ako rito pero traumatized na ako. Instead na sumakay sa elevator, nag-hagdan na lang ako. What if biglang may sumakay and this time ay tuluyan na ako ng taong ‘yon? Hindi pa ako puwedeng mamatay. Mapapagod ako rito pero okay lang, pababa naman. Mas okay mapagod ako kaysa mapatay ako sa elevator. Ayoko rin naman maging multo sa elevator. Boring nun! Binilisan ko na lang ‘yung pagbaba ko. Hindi naman ata ako mahuhuli sa klase. Sinunod ko lang ‘yung way na binibigay ni mini map sa akin at malapit na akong makarating sa building kung nasaan ang klase ko. May ilan akong nadaanan kaya ‘yung ibang department alam ko na kung saan makikita. Kalat-kalat din ang iba’t ibang kainan, may iba akong nakita na pamilyar sa akin, mayroon din mga mukhang imported. Pagpasok ko sa building, f**k! Kaylangan kong sumakay sa elevator. I closed my eyes and prayed for myself. Ayokong mamatay, pero hindi ko na kayang maghagdan! I noticed some unsual stare from them. May iilan kasing students sa paligid na mukhang nag-cecellphone lang, baka wala silang klase. Mabilis din akong naka-akyat sa 5th floor dahil wala naman ‘atang gumagamit ng elevator. Paglabas ko, tahimik na hallway na naman ang bumungad sa akin. Naglakad-lakad ako at sa bawat classroom na madaraanan ko ay puro walang tao. Teka, tama ba itong naakyat ko? Pero based dito sa data nasa tamang lugar naman ako. Naglakad lakad lang ako ng may madaanan akong nag ma-mop ng sahig. “Kuya, rito ‘yung science building diba?” bahagyang nagulat si kuya sa akin. Ngumiti ako dahil mukhang nagulat ko nga siya, “Para po kasing walang mga tao…” Tinignan niya ako saglit na parang nagtataka sa sinabi ko… na-conscious tuloy ako! Tapos biglang lumaki ‘yung mata niya na parang may naalala. “Ah! Ikaw ‘yung bago?” Tumango agad ako. “Opo! Wala po bang klase ngayon?” Hilaw siyang ngumiti, parang hindi niya alam ‘yung sasabihin niya sa akin. Okay lang naman kung wala, puwede naman akong umuwi na lang. “Wala naman talagang klase dito hija,” Nagulat ako kay kuya at nagtaka. “Bakit po?” “Hindi nagaaral ang mga students dito, walang professor o kahit ano.” Hindi ko alam pero mas lalo yatang nagulo ang utak ko. “Ano po ang ibig ninyong sabihin?” Ngumiti sakin si kuya, akala ko makikipag-kwentuhan pa siya sa akin pero nagulat ako ng bigla na lang siyang umalis. Bumuntong hininga ako, uuwi na lang ako, bukas na lang ulit siguro, sana bukas may pasok na. Pagbaba ko sa lobby ng building nagtaka ako na parang medyo dumami ‘yung tao. Wala naman silang ginagawa pero ewan parang kahit tahimik sila e nagkakasundo sila sa pinaguusapan nila. Tahimik akong dumaan. Bigla kong naalala na kaylangan ko nga pala na kumain. Habang naglalakad palabas ay kinukuha ko ‘yung tab sa bag ko. Pagka-kuha ko, bigla naman akong nabangga, sa lakas ng impact tumalsik ‘yung iPad. Nako! Napapikit ako sa tunog ng pagbagsak nito sa lupa. Hindi ko pa nakikita pero parang may basag. Unang araw ko pa lang pero nakasira na ako. Ano ba ang nakain ko at parang minamalas ako sa unang araw ko rito? Gusto kong mainis sa taong bumangga sa akin, pero pagtingin ko, halos matilulos ako sa kinatatayuan ko ng makita ko kung sino ang nasa harap ko. Biglang tumaas ang balahibo ko sa takot. Siya ‘yung lalaking tinutukan ako ng baril kanina! Akala ko ay hindi na niya ako papansinin pero ganoon na lamang ang gulat ko ng biglaan niya akong sakalin. Sa sobrang pagka-bigla, wala akong magawa. Napaka-higpit ng pagkaka-sakal niya sa akin, nagsimulang sumikip ang paghinga ko. Sinubukan kong magpumiglas pero sobrang lakas niya! Sinubukan kong sumigaw para manghingi ng tulong sa mga nasa paligid pero tinapunan lang nila ako ng tingin na parang wala sa kanila na may pinapatay na sa harap nila. “P-please,” “I told you I will kill you if I ever see you again,” – galit niyang hayag sa akin. “Huwag,” Nararamdaman ko nang nawawalan na ako ng hangin sa katawan. Nagsimulang bumagsak ang mga talukap ko na parang gusto nito matulog. Hindi ito ang magiging katapusan ko, hindi sa kamay niya at lalong hindi ngayon! Kahit hinang-hina, sinubukan kong igalaw ang paa ko para sana sipain siya pero parang wala lang sa kaniya ang ginawa ko. Tangina! Katapusan ko na ‘ata talaga! “Hoy, Dario! Para kang tanga!” May narinig akong sumigaw. Bigla akong bumagsak sa sahig. Hindi ko ininda ang sakit ng pagka-balya sa akin dahil mas importante sa akin ang maka-hinga. Huminga ako ng malalim hanggang sa mapuno ulit ng hangin ang katawan ko. Tangina! Ngayon ko naramdaman ang buong pagod. Gusto kong matulog pero hindi rito, kaylangan kong umuwi. “You’re minding someone’s business now, Seven.” I heard him talk. “I’m just sick of seeing you kill someone for no f*****g reasons!” Natigilan ako ng makilala ang boses na ‘yon. “I did not mind your life, b***h!” “I don’t f*****g care for you, dumbass! But she’s my roommate, you seriously want to have a f*****g fight with me?” si Seven, galit na nakatingin kay Dario. Nakita ko kung paano ngumisi ‘yung lalaking tinawag niyang Dario, ang taong nais patayin ako. “You become so full of yourself, Seven.” Nakita kong may lumapit sa akin na isang lalaki. Naka-ngiti siya sa akin at inabot niya ang kamay niya sa akin. “Okay ka lang ba?” ang hinahon ng boses niya, ang cute pa ng dimple. Pero, muntik na akong mamatay… sana hindi iyon ang tinanong niya. “I’ll help you,” Hindi na niya ako hinintay pa na makasagot, tinayo niya na lang ako ng dahan-dahan at ginamit niya ang braso ko para maka-akbay sa kaniya upang hindi ako matumba, dahil sa totoo lang, nanginginig ang buong katawan ko. Dario looked at me with his eyes glaring at me. I looked away, “You’re lucky little bird, tignan natin kung hanggang kaylan ang swerte mo.” “Ano ba ang ginawa ko sayo?” tanong ko sa kabila ng panghihina. Takot padin ako hanggang ngayon, pero gusto kong malaman ang dahilan kung bakit ginagawa sa akin ito. Pero imbes na sagutin, tinalikuran niya kami at umalis na. My tear fell unconsciously. I wiped it with my finger. Hindi ko alam pero nasaktan ako, hindi ko naman siya kilala pero bakit ‘to nangyayari sakin? Masiyado ba akong nangarap ng mataas? Gusto ko lang naman makapag-tapos. “Halika na, Alena.” Ngumiti ako sa roommate ko, kay Seven. “Salamat, kung hindi ka dumating talagang patay na ako,” Pansin ko ang pagbaling niya sa tumulong sa akin. “Bitawan mo na siya, Wren. Uuwi na kami.” Tinignan ako ni Wren. Sobrang lapit niya sa akin dahil para akong naka-akbay sa kaniya. Sobrang cute naman niya, lalo ng ngiti niya. “You sure you’re fine with her?” Suminghal si Seven. “Sa akin ka pa talaga nagduda. Lumayas ka na rito at sundan mo ang saltik mong kaibigan.” Doon ako nagulat at biglang napa-tingin kay Wren. Tumawa siya ng mahina. “Don’t worry, I’m harmless.” Kinuha ni Seven ang isang kamay ko kaya sa kaniya na ako umakbay. Medyo nagiging okay na rin naman ang katawan ko kaya nakakaya ko ng tumayo para na rin hindi mahirapan si Seven. “Salamat, Wren.” kahit papaano ay tinulungan pa rin niya ako. He winked at me. “Take care next time, Alena.” Ngumiti ako sa kaniya, pero itong si Seven ay hinila na ako kaya wala na rin akong nagawa. Dahan-dahan lang ‘yung paglalakad namin, nararamdaman ko pa rin ‘yung shock! Ganito pala ‘yung pakiramdam ng muntik ng mamatay. “I told you, people here are dangerous. Don’t show them how weak you are, they will take advantage on you.” Nakarating kami ng dorm ng matiwasay, ng walang nangyaring gulo na naman sa elevator. Buti na lang nga e, kundi hindi ko na alam talaga ang gagawin ko. “Seven, hindi ko maintindihan ang mga nangyayari…” I told her pagkaupo niya sa akin sa sofa. Pumunta siya sa kusina para raw ikuha niya ako ng tubig. Tinignan ko ang dalawa kong kamay at hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ito. “Of course you won’t Alena, kasi hindi mo alam ang pinasok mo.” “Ali na lang..” Inabot niya sa akin ang isang basong tubig. Ininom ko naman agad ito. “I don’t want to tell you the full details Ali but only the important ones.” Tumango ako sa kaniya, nagsimulang makinig. “Contario is a school everyone outside including you know that. It’s partly true, but Contario is actually a dungeon for mafia personnel.” Ngumiti siya sa akin. “This is an exclusive school for the people of Mafia Contrares. Yes, exclusive. Halos lahat ng mga taong nandito ay parte ng mafia, except you. Nagsimulang mag-accept ang Contario ng outsider fifteen years ago. Napansin kasi ng law authorities ang huge accounts na pumapasok dito. Majority ng narito ay suspicious ang pagkatao kaya naman in order to conceal that, they needed an outsider to make this school less suspicious.” Hindi ako makapag-salita sa mga nalaman ko. Para niya akong sinabihan ng joke pero totoo. Gusto kong tumawa, baka kasi ginu-good time lang ako ng babaeng ‘to e. Pero ‘yung mga nangyari kanina, isa ‘yun sa mga katunayan. I worked hard day and night just to get here, now that I’m here hearing these things about Contario, about the real Contario, lalo akong nanghina. Para akong naloko. Sikat itong Contario, high school pa lang ako, usap-usapan na ito, ni-acknowledge na ang kagandahan nito, tapos, tapos… ganito pala? Paano na ‘yung pinag-paguran ko, saan mapupunta? Sa wala! Naalala ko ang mga ngiti ni mama at papa, kung paano sila naging sobrang masaya nang malaman nilang natupad ang isang pangarap ko. Kung paano sila masasaktan kapag nalaman nila. Kung paano ngingisi sa tuwa ‘yung mga kamag-anak namin na walang ibang hinangad kundi maghirap kami. Ayokong maging isang criminal gaya nila. Hindi ganitong buhay ang pinapangarap ko. Mabilis na nagtuluan ang mga luha sa mata ko. Para akong nawalan ng isang milyon bigla. Yung sakit, yung pag-asa, nawalang parang bula. Gusto kong magalit, pero kaya ko ba na magalit kung mga demonyo ang gumawa sa akin ng kasamaan? “Do you wanna go back?” she asked. Tumango ako, siyempre! Hindi ako maaari na manatili rito. Maaga akong mamamatay sa lugar na ‘to. I was about to ask her na tulungan ako pero sa paraan ng tingin niya ay parang hindi ko gusto ‘yung maririnig ko. “Hindi ka puwede basta umalis dito, Ali. Ilalagay mo ang Contario sa delikadong sitwasyon. This place is supposed to be safer for us because here inside, no one can touch us. The bosses won’t let you get out.” “Pero hindi nila ako puwedeng ikulong dito, Seven! This is against the law,“ naputol ang sasabihin ko ng may mapagtanto. “You’re on the other side of the world Ali where law is impotent.” malungkot siyang ngumiti, “Law is powerful if you know how to use it but if the opposite sides also know how to use it, it can be bend one way or the other.” Kinabukasan, maaga pa lang ay gising na ako, naka-ayos na rin ang mga gamit ko at handa na ako sa pagalis. Hindi ako pwede rito, marami pa akong kaylangang gawin sa buhay at masasayang lang ang lahat kung ipipikit ko ang mata ko rito. 5 a.m., ng lumabas ako ng dormitory. Walang katao-tao pa sa labas pero may iisang nagjo-jogging. Mukha naman siyang walang pakialam sa akin kaya tuloy-tuloy ang paglalakad ko. Alam ko naman na kung nasaan ang dean’s office kung saan ako galing kahapon. Siya ang mukhang may edad na sa lahat ng nakita ko rito, mukhang siya ay mauunawaan ako. Inabot lang ng limang minuto ang paglalakad ko. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang may ilaw sa loob at bukas ang pinto. Kumatok ako ng tatlong beses. Inulit ko pa uli, pero wala atang nakakarinig. Sinubukan kong sumilip mula sa pinto kasi nakakarinig naman ako ng parang mahinang paguusap. Pag silip ko, I tried again to knock pero mas malakas na ngayon. Kaso wala pa rin ang may nakarinig! Huminga ako ng malalim. Fine! Papasok ako ng dahan-dahan pero kakatok pa rin ako. Humakbang na ako papasok pero napatalon ako sa gulat ng biglang may humila sa akin mula sa likod. “Ano ba-“ Pagtingin ko, isa itong lalaki na matangkad, hanggang balikat niya lang ako, naka-suot siya ng itim na long sleeve at nasa isang balikat niya nakasampay ang coat na itim din. His eyes met mine, masiyadong matatalim ang mga ito pero nakikita ko ang bahid ng pagtataka sa mga mata niya. Ang tangos ng ilong niya, naka-clean cut din siya ng buhok. Pero hindi ‘yun ang pumukaw sa atensyon ko kundi ang maliit na tattoo sa gilid ng leeg niya. I am not a fan of tattoo pero ang cool niyang tignan. “You’re gonna get yourself killed,” “Sino ka ba?” Nanatiling walang emosyon ang mukha niya. “They’re gonna kill you if you enter that room,” banta niya. “Kill! Seriously? Makikipag-usap ako ng maayos. I’ll tell them na hindi ako maaaring manatili rito, na hindi rito ang mundo ko.” “Do you really think na hindi na ‘yan nagawa ng iba?” Nanlaki ang mata ko. “Anong-“ “The big guy you met yesterday, he won’t spare your life. He’s gonna kill you as soon as he find out na gusto mong umalis.” Sa sinabi niyang iyon, pakiramdam ko ay katapusan ko na talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD