Chapter 3

2054 Words
Chapter 3. “Rehan, nandito ka na?” Napalingon ako sa dumating. Mag-kasing tangkad sila nitong lalaking pumigil sa akin. Kung totoo ang sinasabi niya, muntik ko nang mailagay ang sarili ko sa kapahamakan. Kung natuloy ako, buhay pa kaya ako? The guy named Rehan looked at him. “Yes, kahapon pa.” he looked back at me. Napaka-maamo ng mukha niya. Hindi siya ngumingiti pero kung tumingin siya sa akin, para akong isang salamin na mababasag. Ilusyunada. Nakita ata nung lalaki na may kausap si Rehan kaya napatingin na rin sa akin ‘yung lalaki. By the looks on his expression, he must have known me. “Wait! ikaw ‘yun, diba? Muntik ka ng patayin ni Dario?” sabi ng lalaking bagong dating. Pansin kong naagaw nun ang atensyon ni Rehan at agad bumaling sa lalaki. “Why?” Nagkibit-balikat ‘yung lalaki. “He attacked her kahapon, she must have done something to him.” Sa sinabing iyon nung lalaki ay parang biglaang nagpantig ang tenga ko. “Muntik niya na akong patayin dahil lang nakita niya ako ulit? Nung umaga pa lang, tinutukan niya na ako ng baril dahil lang nagtanong ako. I didn’t know na valid na pa lang reason ‘yan para pumatay.” galit kong sabi. The guy chuckled, “Ganoon talaga siya. Everybody know here that man cannot be disturbed, it only takes a second for him to kill someone.” Nanatili ‘yung mga titig sa akin ni Rehan kaya nailang ako. Sinubukan kong ibaling sa ibang direksyon ang atensyon ko. Tumataas na ang sikat ng araw kaya dumarami na rin ang mga students sa labas, o matatawag ko pa ba silang students? “You need to stay alive here, Alena.” Rehan said, I saw a glimpse of smile on his face. Hindi ko na nagawang sumagot at magpasalamat dahil tinalikuran niya na ako at umalis na kasama ang lalaki. Hindi ko alam kung anong dapat kong isipin ngayon. Gusto kong umuwi at bumalik sa amin, pero hindi maaari dahil puwede akong mamatay. Tama si Seven, hindi na ako makakalabas dito hanggang hindi natatapos ang apat na taon. Pero masiyadong mahaba ang apat na taon, baka hindi ako umabot ng isang lingo rito kung may mga taong gusto akong patayin. Siguro, isa akong bagong laruan sa paningin nila na gusto nilang paglaruan at kawawain. Habang naglalakad ako papunta sa isang kainan, bigla kong nakita si Wren na nakaupo at nagsa-soundtrip. Nilapitan ko siya, after all tinulungan niya ako. Umupo ako sa tabi niya. Hindi niya pa ako napapansin kasi busy siya sa cellphone niya. “Hi!” Tumingin siya sa akin, nang makilala niya ako, nakita ko na naman ‘yung cute niyang ngiti. Kapag masama ang loob mo, kaylangan mo lang tumingin sa taong ito at agad-agad mawawala ‘yun. Hindi ko alam na may mga tao pala talagang ganito ka-charming na nakakawala ng stress. “Uy! Okay ka na?” Tumango ako, “Salamat kahapon, ha?” “That’s nothing, Ali,” hindi mawala-wala ang ngiti niya. Siya siguro ‘yung taong pinagpapala, pero to think na nandito siya, “Mafia ka rin ba?” Hindi ko alam pero bakas sa mukha niya na nabigla siya. Ako rin naman, pero mas maigi ‘atang harapin ko na lang ito kaysa pilitin ko ang sarili ko na panaginip lang ‘to. Ngayon, naiintidihan ko na si Seven, kung bakit wala siyang choice. “My father is the Mafia’s greatest scientist. Malaki ang contribution niya sa mafia, even some of the family members are loyal, that’s why I’m here,” Tumango ako. Maybe this guy doesn’t also want to be here at wala rin siyang choice. “Muntik na naman akong mapahamak kanina.” kwento ko, “Pumunta kasi ako sa dean’s office, akala ko madadaan sa pakiusap kung pwede umuwi na lang ako,” “Buti walang nangyari sa iyo. He’s Dario’s uncle, pareho silang mababa ang temper at kapag hindi nila nagustuhan ang nangyayari, nauuwi agad sa patayan.” he said, then he sighed. “Dario is the son of the mafia’s current consigliere, bata pa lang kinalakhan na niya ang mafia, he’s seen many brutal things… kung bakit medyo naiiba ang pananaw niya sa iba.” Tumango ako, may bahid ng lungkot dahil sa naging kapalaran ko. “Paano ka nakaligtas sa kamay ng kalbo na ‘yun?” “Hindi naman natuloy kasi napigilan ako ni Rehan.” Nakita ko kung paano siya nagulat sa sinabi ko. “Ni Rehan?” I nodded, medyo conscious sa sagot ko. “Oo! Siya ang nagsabi na delikado ang pumasok doon,” “He talked to you?!” nagulat niyang tanong kaya maging ako ay nagulat din. Mukhang hindi ‘ata talaga siya makapaniwala. Kung ayaw niyang maniwala e ‘di sige, wala naman problema roon. Aalis na sana ako ng biglang dumating si Seven. “Bakit magkasama kayo?” tanong niya, nakangiti siya pero parang nangaasar. “Kumain ka na ba, Seven?” I asked, ramdam ko na talaga ang gutom. Ngayon ko lang naalala na hindi nga pala ako kumain kahapon dahil sa sobrang takot ko, hindi ko na talaga naramdaman ang gutom. “Hindi pa, tara?” Tumayo na ako dahil gutom na talaga ako. Ito namang si Wren sasama rin pala kaya tatlo na kami. “Sev, Rehan is here at kinausap daw niya si Ali.” chika ng lalaking ‘to. Maging si Seven ay nagulat. Ano bang mayroon sa lalaking ‘yun? “Really? Rehan talked to you?” Tumango ako, “Oo? Sino ba ‘yon? Ang bait nga niya kasi tinulungan niya ako, ‘tsaka ang amo ng mukha niya.” Pumasok kami sa isang kainan na hindi pamilyar sa akin. Mukhang kilala na sila rito talaga dahil nung pumasok kami, alam na agad ng mga waitress ang gagawin. Hinayaan ko na si Seven ang mamili ng para sa akin since hindi rin naman ako pamilyar sa mga nasa menu. Seven is shaking her head as if she figured something funny. “Kung takot ka kay Dario, mas dapat mong katakutan si Rehan. He’s the son of the current boss of Mafia Contreras. Bukod diyan, marami narin siyang napatunayan sa underground.” Wren said. Hindi ko alam pero parang ang hirap paniwalaan ng sinabi niya. ‘Yung mukha ni Rehan, yes he’s cold, pero mukha siyang gagawa naman ng maganda, tapos malalaman ko mas malala pa siya kay Dario? Si Dario na pumapatay ng basta? Parang imposible. Tumawa ng pagak si Sev, “He’s your boss, Wren. Hindi mo dapat chini-chika ang boss mo.” “He’s f*****g cold hearted beast!” mapait na damdamin ni Wren. Dumating na ang pagkain kaya nagsimula na akong kumain. Sobrang gutom na gutom na talaga ako at hindi ko na kayang dumaldal pa. Omg! Sobrang sarap naman pala ng pagkain na ‘to. Gaano kaya ‘to kamahal? Buti dala ko ‘yung atm na galing sa mafia, hindi nila ako kaylangan ilibre. Nasa kasagsagan ako ng kasarapan sa pagkain ng biglang may magsigawan. Nakuha ‘nun ang atensyon namin, hanggang sa may lalaki ang tumatakbo patungo sa lamesa namin. Hingal na hingal ‘man, nagawa niya pa rin magsalita. “Si Dario at Rehan, nag-aaway.” Sa sinabing iyon nung lalaki na parang mas bata pa sa akin, hindi nag-atubili ang dalawa kong kasama at agad din kumaripas ng takbo. Nasa bibig ko pa ‘yung huling sinubo ko! Hindi ko alam kung sasama ako o magpapaiwan, pero huminto si Sev at tinawag ako kaya wala akong nagawa kundi sumunod. Shit! Hindi pa ako bayad sa kinain ko!! Habang tumatakbo, tinatawag ko naman si Sev. “Hindi pa tayo bayad!!!” Hindi makapaniwala si Sev na tumingin sa akin na parang may sinabi akong hindi dapat. Narealized ko lang ang sinabi ko ng may ibang nakarinig. “Wag ka ngang sumigaw! Nakakahiya ka!” Shit! Sorry, Pagdating namin, ang daming nanonood. Hinila ako ni Sev at hinawi niya ang mga nakaharang sa daan. Hanggang sa nakita ko si Rehan, sinasakal si Dario. Mukhang kanina pa sila nagsimula dahil putok na ang dalawang labi nila. Nakita ko kung paano umigting ang panga ni Rehan at matalim na naka titig kay Dario. “Do that again, tutuluyan na talaga kita!” malamig na tinig ni Rehan. Kinilabutan ako. Parang hindi siya ‘yung Rehan na tumulong sa akin kanina. Ibang-iba ang awra niya ngayon. Nakakatakot. Siya ba talaga ‘yung taong tumulong sa akin? “Awatin mo sila, Sev!” suhestiyon ko. Binalingan ako ni Sev ng nakataas ang isang kilay, “1st rule Ali, huwag na huwag makikialam kay Rehan. I can take Dario but Rehan? He’s far stronger than any of us!” Tumayo si Dario at malakas na sinanga ang kamay ni Rehan, pero hindi uminda ang isa. Sinipa siya ni Dario pero nakailag si Rehan. Sumugod ng sumugod si Dario gamit ang mga kamao niya. Nasasanga ni Rehan ang iba, pero tinamaan siya ng isa sa mukha. Rehan smirked. “I can’t believe you’re a reaper with that kind of light punch,” Before Dario could react, mabilis sumugod si Rehan, hinakbit niya ang batok ni Dario at sobrang lakas na inumpog sa tuhod niya. Inangat niya ulit ito gamit sa paghawak sa batok ni Dario at malakas itong sinuntok sa mukha. Bumagsak si Dario na duguan ang ilong. Nagawa pa rin niyang tumayo. Pinunasan niya ang dugong tumulo gamit ang kanang kamay. “You’re giving me punches for things you shouldn’t be concerning about, Rehan?” ngumisi ito. “You are concern about her? You don’t even know her!” he said. Nakita ko kung paano saglit na tumingin sa akin si Sev at Wren. “I warn you, Dario.” “The warning has sent and well delivered, yeah?” ngisi nito. “Alamin mo kung saan ka dapat lumugar. There are boundaries you shouldn’t consider stepping,” Nagulat ako ng biglang bumaling sa akin si Dario. Nakita ko sa mga mata niya ang galit. Naglakad siya palapit sa direksyon ko dahilan para mapatingin din dito si Rehan. Nagtama ang mata naming dalawa. Dumoble ang bilis ng t***k ng puso ko ng malapit na siya. Ni hindi ko magawang igalaw ang katawan ko para tumakbo dahil sa takot ko sa kaniya. I want to scream and shout at him, na ‘wag niya akong saktan, pero miske ang bibig ko ay nanigas. Nilagpasan niya ako, roon ako nakahinga ng maluwag. Hindi na ako nagabala pa na tumingin sa likod, basta, masaya ako na hindi niya ako pinansin. Rehan glanced at me for a second, emotionless. He did not say a word, tumingin siya sa akin pero tumalikod at umalis din pagkatapos. Nagsi-alisan na rin ang mga nanunuod dahil tapos na nga naman ang palabas. Hinila na rin ako ni Sev, pero hindi mawala sa isip ko ‘yung mga titig sa akin ni Rehan. Katulad ni Dario, delikado rin siyang tao. Mga tao sila na hindi ko dapat lapitan. “Pwede ba makalabas ang students dito? Kung sakaling may pupuntahan lang sa labas?” tanong ko kay Seven. Hindi ko na nakita si Wren, siguro sinundan niya si Dario since mag-kaibigan daw sila based on Seven. “Puwede basta alam ng higher ups, ‘tsaka mga trusted lang ang pinalalabas. Sila ‘yung mga high profiled ng mafia. Kung hindi ka naman ganon ka-high profile, kaylangan mong humingi ng permiso.” Mas lalo akong nawalan ng pagasa. Kahit ‘man lang sana makita ko si mama at papa. “There’s really no other way, Ali. Kung gusto mong magkaroon ng mga privileges dito, sumali ka sa mafia.” I looked at her in disbelief! Seriously?! This is her good advice?! “No f*****g way Seven,” Nag kibit balikat siya, “That’s how you’re gonna survive sa mundong ‘to. Walang masama sa pagiging masama, as long as you gotta make sure na hindi ka lalagpas sa limitasyon na alam mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD