Chapter 2

2315 Words
JULIE “Of course mom, I missed her, namiss ko yung bestfriend ko” nakangiting sabi nung monster sabay tingin sakin. Ang plastik lang! Alam naman naming dalawa na hindi totoo yon dahil habang nakangiti sya at matalim pa rin yung tingin nya sakin. At kung nakakasugat lang yung talim ng tingin nya, kanina pa siguro ko nasa emergency room. At ako naman? Kanina pa rin ako nagpipigil dito. Gustung-gusto kong sabihin sa kanila na hindi na lang ako dito titira. Na pag bumalik si Mama dito, sabihin na lang nila na nandun ako sa bahay nila Krissa. Kaya lang naisip ko, masyadong mababait sina Tita Catherine at Tito Daniel at alam kong masasaktan sila pag tinanggihan ko sila. Eto lang namang bruhang lukaret na pangit na monster yung problema ko eh. Alam kong may pinaplano na naman sya na hindi maganda base sa mga tingin at ngiti nya. Kung may superpower ako, gusto ko yung nakakabasa ng isip ng tao, para alam ko kung ano na naman yung gustong mangyari ng babaeng to. “Oh and Dani, since nagresign na naman yung huli mong assistant, okay lang ba kung si Julie na lang yung pumalit sa kanya?” narinig ko pang tanong ni Tito Daniel. Oh no! Please say no, please say no, please say no. Nakita kong tumingin muna sakin si Danielle. Agad ko naman syang sinenyasan na wag pumayag. And poof, ayun na naman yung nakakatakot na ngiti nya. I’m dead. So dead. “Oo naman dad! Wow, I’ve never been this happy” ang galing umarte nitong bwisit na to. Akala mo isang inosenteng anghel sa harap ng parents nya. “So hindi mo sya tatarayan at susungitan?” tanong naman ni Tita Catherine. “Of course not Mom! Why will I do that? She’s my BESTFRIEND, remember?” sabay ngiti ng matamis. Aish! Kung hindi ko lang talaga kilala tong babaeng to, malamang napaniwala na rin nya ko na excited nga sya at gustung-gusto nya kong makasama. “O sabi ko naman sayo Julie eh, mabait yang anak namin. Sana talaga bumalik yung closeness nyo gaya nung mga bata pa kayo” nakangiting sabi sakin ni Tita Catherine. Pilit naman akong ngumiti sa kanya pero hindi sumagot. Anong sasabihin ko? Alangang sabihin kong, oo nga po Tita, ang bait-bait ng anak nyo, sana nga po kunin na sya ni Lord no? As in now na! Naku naman Mama, kung alam ko lang na ilalapit nyo pala ako dito sa babaeng kakambal ata ni Lucifer eh di sana tinggap ko na lang yung alok ni Krissa na sa kanila na lang tumira. “Ok lang naman siguro sayo yun hija no? Pansamantala lang naman” nakangiting tanong ni Tito Daniel. Ang alin? Oo na lang Julie, baka tungkol lang yan sa pagiging assistant mo. Baka isipin nilang hindi ka nakikinig sa pinag-uusapan nila. “Oo naman po Tito, ok lang naman po sakin yun. Basta okay kay dalandan, este, Danielle.” Nakangiting sabi ko. Nakita ko naman na tumalim na naman yung tingin sakin ng monster pero agad ding ngumiti nung humarap sa parents nya. “Oo naman, pwede kang sa kwarto ko muna matulog habang inaayos yung guest rooms sa bahay” sabi nya. Bigla namang nanlaki yung mata ko sa sinabi nya. Ano daw? Sa kwarto nya ko tutulog? Yun yung pinag-uusapan nila? Shet! No! Yun nga lang sa iisang bahay kami titira eh hindi ko na kayang sikmurain, yun pang sa kwarto nya ko matutulog? Oh no! Never! “Ahm Tito, Tita, nahihiya po kasi ako kay Danielle, pwede naman po akong sa maid’s quarter po muna makitulog.” “No hija! Hindi kami papayag na dun ka matulog. Pumayag na naman si Dani kaya dun ka na lang muna, tapos ang usapan” “Pero—“ “Julie, it’s ok. Malaki naman yung kwarto and kama ko kaya pwede naman tayong magtabi don. Just like the old times” sabi ng nagsasalitang monster. “See? Namiss ka talaga ng bestfriend mo hija.” “O sya, Dani hija, samahan mo na si Julie sa kwarto nyo para makapag-ayos na sya at makapagpahinga.” “Feel at home anak ha! Si Dani na yung bahala sayo” “Salamat po” nakangiting sabi ko sa mag-asawa. Nagulat ako ng biglang iangkla ni Danielle yung braso nya sa braso ko. Ay ano to? Close na agad? Nakalimutan na ba nya yung ginawa nya sakin nung isang taon? Pilit kong inaalis yung braso ko pero mahigpit syang nakakapit. Pagdating namin sa kwarto at marahas nyang binitawan yung mga braso ko. Aray ha, masakit yun! “Ano bang problema mo?!” mahinang pero galit na sabi ko sa kanya. Ayoko namang marinig nila Tito at Tita na nag-aaway kami ng mabait nilang anak. “Ikaw ang problema ko! Anong ginagawa mo dito?! Bakit ka pa bumalik?!” galit din na sabi nya. Wow ha, sya pa yung may ganang magalit eh sya nga yung may kasalanan sakin. “Hindi mo ba narinig yung sinabi ng parents mo kanina? Gusto mong ulitin ko pa sayo? O baka gusto mong ipabasa ko pa sayo yung sulat ni Mama” mataray pa rin na sabi ko. “I don’t care kung ano man yang dahilan mo! Ang gusto ko, bukas na bukas din umalis ka na dito!” “Hoy babae! Kung inaakala mo na gustung-gusto ko na makasama ka dito, nagkakamali ka! Ilang beses ko binalak tumanggi sa mga parents mo pero hindi sila pumayag. At ayokong masaktan sila kaya hindi ko na pinagpilitan yung gusto ko. Ngayon, kung ayaw mo ko dito, ikaw ang magsabi sa kanila! Wag kang mag-alala, oras na pumayag sila, aalis ako dito at hinding-hindi mo na ko makikita!” Akala nya hindi ako lalaban sa kanya ha! Palaban to oy! Kung mataray sya, kaya ko ring maging mataray no! Bigla namang lumambot yung expression ng mukha nya. “Hindi ko kaya. Ayoko ding masaktan yung parents ko. Nakita ko kung gaano sila kasaya na nakita at nakasama ka nila ulit” mahinanong sabi nito. May puso din naman pala tong halimaw na to eh. Akala ko kase, bato yung puso nya. “Yun naman pala eh. So magtiis ka! Dahil araw-araw mo kong makakasama!” “Well, ikaw ang magtiis dahil lagi MO akong makakasama lesbo” at ngumiti na naman sya ng nakakatakot. Ay teka ano daw? Lesbo? “Anong sabi mo?!” “Alin don, yung lesbo ba?” “Bawiin mo yung sinabi mo!!” “Bakit? Masakit bang marinig yung totoo?” “Hoy babae! Hindi ako lesbiana tulad ng iniisip mo! At kahit kelan, hindi ako magiging ganon!” “Really? Eh bat mo ko hinalikan non?” Bigla namang tumaas ang kilay ko sa sinabi nya. “Ako? Ako yung humalik sayo? Hoy dalandan! Kahit kelan hindi ko pinangarap na mahalikan ka no! And excuse me, baka nakakalimutan mong ikaw yung naunang humalik sakin.Ikaw ang dahilan kung bakit pinag-usapan ako ng buong campus at ikaw din yung dahilan kung bakit nakipagbreak sakin si Marky” “Julie Julie Julie, kung itinulak mo ko nung hinalikan kita, eh di sana hindi ka nagkaproblema, but, you kissed me back. Ibig sabihin, gusto mo rin yon” “Pwede ba Danielle. Wag kang feelingera. Hindi ko nagustuhan yon! Nagulat lang ako!” “Really now? So kung uulitin ko yon, itutulak mo na ko? Or gagantihan mo ulit yung halik ko?” Napalunok naman ako sa sinabi nya. Bigla ding bumilis yung t***k ng puso ko habang papalapit sya sakin. Alam ko yung ibig sabihin ng ganyang ngiti. Ibig sabihin hindi sya nagbibiro. Gagawin nya talaga yung sinabi nya. Kaya bago pa mandin sya nakalapit sa akin, agad akong lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko naman sa may hagdan si Tito Daniel. “O anak, san ka pupunta? Hindi ka ba komportable sa kwarto ni Dani?” Umiling-iling naman ako. Hindi po sa kwarto, sa anak nyo ho! Yun sana yung gusto kong isagot pero iba yung lumabas sa bibig ko. “Hindi po tito, ang ganda nga po don. Feeling ko, mag-eenjoy po talaga akong kasama si Dandan. Ahm, pupunta lang po sana ako sa garden para magpahangin” “Ah ganun ba, o sige. Pagkatapos umakyat ka na para makatulog ka na ha” “Opo Tito, salamat po.” Yun lang at dumerecho na ko sa garden. Nanghihinang umupo ako sa isang bench don. Hanggang ngayon ay ang bilis pa rin ng t***k ng puso ko. Bwisit na halimaw yan, gusto pa yata akong atakihin sa puso. Tsk! Agad kong tinawagan si Krissa para ibalita sa kanya na nandito ako ngayon sa impyerno kasama ng kakambal ni Lucifer. “Sis!!” masayang sagot ni to. “Kamusta? Mababait ba sayo yung mga tao dyan?” “Mababait naman sila Tito Daniel at Tita Catherine sis” “Pero?” hay, kilalang-kilala talaga ko ng bestfriend ko. “Pero yung anak kasi nila—“ “Yung childhood friend mo?” “Oo eh” “O bakit? Kala ko ba close kayo dati non?” “Eh kaso nga hindi ko sya matandaan diba? At isa pa..” “Ano?” “Yung sinasabi ni Mama na volleyball player na anak nila Tita Catherine at Tito Daniel San Jose---“ “OMG! Don’t tell me si—“ “Yes sis, si Danielle San Jose nga yung anak nila” “Ow----kay!” “Yun lang yung reaction mo sis?” “Eh anong gusto mong maging reaction ko? Maghysterical dito at magsisigaw ng oh no oh no oh no?!” “Tse! Bwisit ka!” “So anong naramdaman mo nung nagkita ulit kayo?” “Malamang sis, kumulo yung dugo ko! Pero syempre kailangan kong magkunwari na ok lang sakin lahat sa harap ng parents nya sis. Mahal na mahal kasi nila ko eh. Ang saya-saya nila nung nakita ulit nila ko” “Oh, so close ka pala talaga sa kanila noon no?” “Oo sis, may mga pictures pa ngang pinakita sakin sila Tita eh. Pictures namin ni Danielle” “Pero wala ka talagang natatandaan?” “Wala sis eh. Pero hindi kasi yun yung itinawag ko. May malaki kasi akong problema” “Ano? Na magkasama kayo sa isang bahay ni Danielle? Sis, madali lang yan, iwasan mo. Tutal laging wala yan dyan dahil busy sa practice. Tapos pag dadating sya, magkunwari kang matutulog na. Para hindi kayo magkita sa bahay” “Sana nga ganun lang kadali sis” “Bakit?” “Kase nagpumilit ako kila Tito at Tita pagtrabahuhan yung pagtira ko sa kanila” “O yun naman pala eh. Di mas maganda, magiging busy ka din, mas liliit yung chansa na magkikita kayo” “Yun na nga yung problema sis. Pumayag silang magtrabaho ako bilang assistant ni Danielle” “Uh-oh, yun lang sis. Goodluck sayo. Balitang-balita kaya kung papano magtaray at magmaltrato ng P.A. yang si Danielle. Kaya hindi na ko magtataka kung makikita na lang kitang palutang-lutang sa ilog” “Tse! Wag mo nga akong takutin! Hinding-hindi ako magpapatalo sa kanya no! Kung magtataray sya, kaya ko din magtaray!” “Sis, baka nakakalimutan mo na sya yung BOSS mo!” “Yeah, hindi lang boss. Roommate pa” “What?!” “Yes sis, sa kwarto ako ng halimaw na dalandan matutulog” inis na sabi ko. “Goodluck talaga sayo sis” natatawang sabi nito. Sasagot pa sana ako ng biglang may tumikhim sa likod ko. “Baka pwedeng matulog na tayo?” inis na sabi nya. “Sis, tawagan na lang kita bukas ha, andito na kasi yung halimaw” yun lang at inend ko na yung call. “Halimaw pala ha!” nakataas ang kilay na tanong ni Danielle. “Bakit hindi ba dalandan?” “Dalandan?” “Dandandan Dalandan , dandandan sarap ng real ” kanta ko sa kanya. Ginaya ko yung pagkanta ni Kendra dun sa commercial. Nagulat naman ako ng bigla syang tumawa. Napatitig naman ako sa kanya. Wow, iba talaga yung ganda nya pag tumatawa at ngumingiti. Eto yun eh, yung Danielle na inidolo ko noon. “Tapos ka nang titigan ako? Pwede na siguro tayong matulog?” nakangiti pa ring tanong nya. Agad naman akong namula dahil nahuli nya kong nakatitig lang sa kanya. Tsk Julie, kaya ka napapagkamalang lesbiana eh! “Eh di matulog ka na! Di pa ko inaantok!” mataray na sabi ko sa kanya. “Wag ka nang umarte dyan! Halika na!” Hila nya sakin sabay hawak sa kamay ko. Nagulat ako nang may maramdaman akong kuryente nang hawakan nya ako. Agad kong binawi yung kamay ko nang makapasok kami sa kwarto. Agad akong pumasok sa restroom para magshower at mag-ayos bago matulog. Paglabas ko ay prenteng-prenteng nakahiga na yung halimaw sa kama nya. At sa gitna pa talaga nakahiga ha! San ako pupwesto dito? “Ahm Danielle, pwedeng umusod ka ng onte?” sabi ko sa kanya. “Bat naman ako uusod?” “Dahil matutulog na ko?” “Eh di matulog ka!” “Kaya nga umusod ka!” “Sinong may sabing dito ka sa kama matutulog?” Takang tumingin naman ako sa kanya. Agad naman nyang inginuso yung lapag. “Ayan o, may unan at kumot na dyan. Dyan ka sa lapag! Feeling mo naman papatulugin kita dito sa kama ko? Asa ka lesbo!” nakangiting sabi nito. Sinamaan ko naman sya ng tingin bago inayos yung hihigaan ko sa lapag. “Goodnight Julie, sweetdreams. Gusto mo ng goodnight kiss?” narinig ko pang sabi ng halimaw. Hindi ko na lang sya sinagot. Inis na nagtalukbong na lang ako at tumalikod sa kanya. Bwisit ka talagang babae ka kahit kelan! I hate you HALIMAW!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD