Chapter 3

1801 Words
JULIE “Oh my gosh!” gulat na sabi ko sabay tulak kay Danielle. Bigla naman syang napaupo sa sahig. “Aray ko naman! Ano bang problema mo?” reklamo nya. Papanong hindi ko sya itutulak eh pag mulat ko ng mata ang lapit-lapit ng mukha nya sakin. Don’t tell me may plano na naman syang halikan ako? Eh sya yata yung lesbiana eh! “Ikaw anong problema mo? Bakit ba manghahalik ka na naman? Umagang-umaga naman dalandan!” mataray na sabi ko sa kanya. “Anong pinagsasabi mo dyan? Bat naman kita hahalikan?” nakataas ang kilay na tanong nya. “Kung hindi mo ko hahalikan, bakit ang lapit ng mukha mo kanina?” tanong ko sa kanya. “I was about to wake you up lesbo!” “Ganun ka manggising? Ang inilalapit mo yung mukha mo?” “Well, I was trying to listen to what you’re saying. Nagssleeptalk ka pala.” natatawang sabi nito. “Tse! Wag kang gumawa ng kwento. Siguro ikaw talaga yung may gusto sakin no? Kaya mo ko hinalikan non?” “Whoa whoa! Sabi ko naman sayo diba, kung magkakagusto man ako sa babae, hindi yung tipo mo. Chararat ka kaya!” Ang yabang! O eh di sya na yung maganda. “Kung makapagsalita ka naman akala mo ang ganda-ganda mo?!” inis na sabi ko pa. Bigla naman syang ngumiti sakin ng matamis at pa-sweet na nagsalita. “Bakit, hindi ba Jules?” sabi nito sabay lapit sakin. Bigla na naman akong natulala sa kanya. Bakit ba kahit kakagising lang eh ganito yung itsura ng babaeng to? Wala yatang mali sa mukha nya eh. In fairness pati yung buhok nya ang bango-bango ng amoy. “Tatanungin ulit kita, maganda ba ko Jules?” nang-aakit na tanong nya. "O-oo" Gosh! Ano yun Julie? Anyare? Bat mo sinabi yon? Bigla namang bumilis ang t***k ng puso ko nang mapansin na papalapit na naman yung mukha nya sakin. Umiwas ka Julie! Umiwas ka o kaya itulak mo sya bilis! Wag kang magpapadala sa pang-aakit ng halimaw na yan. At hindi ko alam kung anong nangyayari sakin dahil hindi ako makakilos. Para akong naestatwa na hinihintay na lang yung paglapit nya. Napapikit na lang ako dahil ayokong tumingin sa mga mata nya. Mas lalo kasing lumalakas yung kabog ng dibdib ko. Nagulat ako ng bigla na lang syang bumulong sakin. “I won’t kiss you lesbo. Gagawin ko lang yon, pag ikaw mismo yung humiling sakin. And btw, pakibilisan ang kilos, may practice kami bago yung game and kailangan kita don bilang assistant ko. Hintayin na lang kita sa baba ha” at bigla akong kinilabutan nang kagatin nya yung tenga ko. Biglang nagtayuan lahat ng balahibo ko. “Oh my gosh” gulat na sabi ko sabay mulat. Nakita kong nakatayo na sya malapit sa pinto at nakangiting nakatingin sa akin. Nagsalita muna sya bago lumabas ng kwarto. “And oh, kung naturn-on ka lesbo, pakibilisan lang sa restroom ha, nagmamadali na kasi tayo, wag mong tagalan yung paglalaro ha” sabi nya sabay kindat. Bigla naman akong namula nung marealize kung ano yung ibig nyang sabihin. Agad ko syang binato ng unan pero naisarado nya agad yung pinto. “BASTOS!!” sigaw ko sa kanya. Narinig ko na lang yung nakakairitang tawa nya sa labas ng kwarto. “Bilisan mo ha! Kaya yan ng 5 minutes!!” sigaw pa nya. Lalo namang kumulo yung dugo ko. Ang walanghiyang manyak na bastos na pangit na halimaw na yon! Ang bastos-bastos nya!! Oh well, kasalanan mo din naman kasi Julie, nagpadala ka sa pang-aakit nya. Ang feelingera mo kase, feeling mo lagi ka nyang hahalikan! Inis na tumayo ako at pumasok sa restroom. Bwisit na babaeng yon. Walang ibang alam gawin kundi sirain yung araw ko. Eh ano ngayon kung maganda sya? Ang sama naman ng ugali nya. Pagkatapos maligo ay agad akong lumabas ng kwarto. Nakangiti naman akong sinalubong ng isa nilang kasama sa bahay. “Ms Julie, hinihintay na po kayo ni Senyorita Danielle sa dining room. Sabay na daw po kayong kumain” nakangiting sabi nito. “Salamat po. Pero tanggalin nyo na po yung Ms. masyado po kasing pormal pakinggan eh. Julie na lang po Manang” nakangiting sabi ko naman dito. “Kaya pala masaya na ulit si Senyorita Danielle kase bumalik ka na” sabi pa nito bago tuluyang lumabas. Napailing na lang ako habang nakasunod ng tingin dito. Ang weird ni Manang, kung alam lang nya na gustung-gusto kong palayasin dito ni Danielle dito sa bahay nila at halos isumpa nya ko kahapon. Napatigil sa pagpasok sa kusina nang marinig kong may pa-hum-hum pang nalalaman yung halimaw na dalandan. Aba at masaya nga ang bruha. Siguro may masamang balak na naman to sakin. Magready ka Julie dahil siguradong may gyera na naman mamaya. Napatingin naman sya sakin kaya napatigil sya sa ginagawa nya. Ayun na naman yung ngiti nyang nakakaloko. “Success ba Jules?” nakangiting sabi nya. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Bastos na to. “Pwede ba tigilan mo ko dalandan. Ang aga-aga ha! At isa pa, sinong may sabi sayong tawagin akong Jules? Close ba tayo?” “Gusto ko eh, pakelam mo ba? Ikaw ba pinapakelaman kita sa kung anu-anong pangalan na binibigay mo sakin?” mataray na sabi nya. “Basta ayoko ng Jules!” “Bakit? Yun ba yung dating tawag sayo ng boyfriend mo na nang-iwan sayo?” Leche! Pinaalala pa nya talaga si Marky! “Eh kung kumakain ka na lang at hindi na lang nagsasalita? Mas ok siguro yun no!” “Sige, kung hindi yung ex-boyfriend mo, baka naman childhood friend mo yung nagbigay sayo ng nickname na yon” sabi nya na hindi naman nakatingin sakin. Well, alam kong may tumatawag sakin non dati pero nakalimutan ko na kung sino. “Wala ka nang pakialam don dalandan! Basta ayokong yun yung itatawag mo sakin!” “Ok, so lesbo na lang?” pang-aasar nya. “Sinabi nang hindi ako tomboy!” “Or SLAVE kaya? Tutal utusan naman kita diba?” “Assistant mo ko, hindi utusan! At pwede ba, wag mo din akong matawag-tawag na ganun. Ibato ko sayo tong tasang hawak ko eh” “Oh, hindi mo gagawin yan kase mas mahal pa sa buhay mo yang tasang yan” Tse! Ang yabang! Akala mo kung sinong mayaman. Tsss. “So, mamili ka, lesbo, slave or Jules? Anong gusto mong itawag ko sayo?” “Bahala ka na buhay mo! Wala na kong pakelam kung ano mang itatawag mo sakin halimaw!” “Okay. So mabalik tayo sa usapan natin kanina, ako ba yung iniisip mo nung nasa restroom ka Jules?” mapang-akit na tanong na naman nito. Nakita ko pang kinagat nya yung lower lip nya habang nakatingin sakin. “P-pwede b-ba, k-kumain ka na lang!” pautal-utal na sabi ko. Naku naman, bat ba kasi ganito yung epekto ng pang-aakit ng babaeng to sakin eh! No Julie, hindi ka attracted sa kanya. “Do I make you nervous Jules?” “NO!” medyo mataas na boses na sabi ko. “Really? Eh bakit parang tumaas ng isang decibel yung boses mo?” Inirapan ko lang sya. “C’mon Jules, kung gusto mo ko, sabihin mo lang sakin. Malay mo, bigla kitang pagbigyan” nakangiting sabi pa nito. Bigla namang nag-init yung mukha ko sa sinabi nya. Ano ba Julie, sinabi nang wag kang magpaakit eh! “Uhm, pwede ba Danielle, tigilan mo na yang ginagawa mo kase hindi na nakakatawa” “Sino bang may sabing nagpapatawa ko? I’m serious Jules. Sabihin mo lang na gusto mo ko, magbabago yung lahat” “Ha?” “Gusto mo ba ako o hindi Jules?” tanong pa nya habang papalapit sakin. Eto na naman po sya. Bakit ba walang ibang ginawa tong babaeng to kundi lumapit ng lumapit sakin? May sa tuko o linta ba tong dalandan na to? “Wag kang lalapit sakin!” “Bakit? Natatakot ka ba?” “B-bat naman ako matatakot sayo?” “Natatakot kang aminin sa sarili mo na gusto mo talaga ko” “Pwede ba dalandan, wag kang umasa dahil kahit kelan, hinding-hindi ako magkakagusto sayo! Hindi ako lesbiana no!” “Really huh? Gusto mong patunayan ulit natin yan?” Sasagot pa sana ako nang may magsalita sa likod namin. “O mukhang nagkakasiyahan kayo dyan ah” si Tito Daniel. “Hey Dad! Sabi ko naman kasi sayo, sobrang namiss ko lang tong si Jules eh” sabay ngiti ng halimaw na parang walang pang-aakit na ginawa sakin kanina. Pesteng babaeng to, bakit ba ang lakas ng loob nyang mang-akit? Dahil nagpapaakit ka Julie! Halatang-halata ka kase! “Ang aga nyo yata?” “May practice kami before ng game eh. So isasama ko tong si Jules” “Hindi nyo na ba tatapusin tong pagkain nyo?” “Hindi na dad, late na kami eh, natagalan kasi sa banyo si Jules ” nakangiting sabi pa nito. Bwisit na halimaw talaga to. Pati ba naman yon sasabihin kay Tito Daniel. Inis na sumunod na lang ako sa kanya palabas. Nakangiting sinalubong kami ni Lolo Eddie. “Goodmorning mga magagandang dilag” bati samin nito. Ngumiti lang si Danielle dito. Sabay pasok sa sasakyan. “Goodmorning Lolo Eddie” bati ko naman dito. Papasok na sana ako sa kotse nang bigla itong isarado at ilock ni Danielle. Napailing na lang ako at umupo sa tabi ni Lolo Eddie. Prenteng nakaupo si Danielle sa likod habang nakaheadset at nakikinig pa yata ng music dahil kumakanta-kanta pa sya. “Tama nga kaming lahat. Magiging masaya lang ulit si Senyorita Dandan kung babalik ka” narinig kong sabi sakin ni Lolo Eddie habang nagddrive. “Po?” Bakit ba lahat ng tao yun yung sinasabi sakin? Kung alam lang siguro nila kung papano ko tratuhin nitong halimaw na to, malamang hindi nila sasabihin yan. “Yung ngiti kasi ngayon ni Senyorita, umaabot na sa mata nya” Napalingon naman ako kay Danielle. Nakatingin din pala ito sakin kaya nagtama yung mga mata namin. Walang gustong mag-iwas ng tingin kaya medyo matagal kaming nakatingin lang sa isa’t-isa. Naputol lang yung titigan namin ng bigla syang ngumiti. Ibang-iba dun sa mga ngiting pinapakita nya noon sakin. At tulad ng sabi ni Lolo Eddie eto yung ngiti nya na umaabot hanggang sa mata nya. Biglang may kumislot na kung ano sa dibdib ko nang kumindat sya sakin. Agad naman akong nagbawi ng tingin. Shet Julie, what the hell was that??!! At bakit nagiging abnormal yung t***k ng puso ko pag nagkakatitigan kami?! Oh no. Please hindi pwede. Hindi pwedeng mainlove ako sa mortal kong kaaway!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD