1-SIMULA
Ako si ARYANNA LEE Dito sa bansa Kung saan ako napadpad at iyon din Kasi Ang nakalagay Dito sa necklace ko. Ang Sabi ng Lola sa akin natagpuan daw ako sa tabing dagat na Walang Malay. Sabi ni Lola Sabi Sabi daw na may sumabog daw na eroplano noon baka daw Isa ako duon ng mangyari iyon. Sa kasamaang palad Wala akong maalala sa nangyari sa akin. Kaya nakiusap ako Kay Lola na dumito Muna ako sakanila pansamantala at pumayag Naman ito.
Makalipas Ang ilang buwan ko Dito marami akong natutunan sa lahat ng bagay. Ewan ko ba hirap na hirap ako sa una na gawin Ang mga gawaing bahay. Pero at least nakaya ko Hanggang sa na perfect ko na. Habang naglilinis ako napaisip ako bakit kaya Hindi ako maghanap ng trabaho para Naman makatulong ako Kay lola para Hindi ako pabigat sakanya.
" Aryanna iha halika Muna Dito sa kusina at tulungan mo ako Dito sa lulutuin Kong ulam natin " tawag sa akin ni Lola. " Sige po lola, ano po ba maitutulong ko? " Tanong ko Kay lola. " Iyang mga gulay iha linisin mo at hati hatiin Muna Rin dahil magluluto Tayo ng pakbet, maghiwa ka Rin ng sibuyas iha " Sabi ni Lola. " Sige po Lola, alam ko na po Kung Anong dapat gawin Saka paborito ko po kaya Iyang lulutuin mo " Sabi ko Kay lola na may magandang ngiti sa akin labi.
Noong una ayaw ko ng mga gulay na luto ni Lola pero noon natikman ko na aba' y napakasarap Naman. Kaya simula noon hinahanap ko na lagi Ang luto ni Lola dahil sobrang sarap magluto Ang Lola ko mapa gulay man o karne. Nang nakaluto na Ang Lola inayos ko na Ang lamesa para makakain na kaming dalawa.
" ahmmmmm yummy, Amoy pa lang Lola Ang sarap na. Mapaparami na Naman ako ng kain Neto " Sabi ko Kay Lola. " Ikaw talagang Bata ka binula mo pa ako " sagot Naman ni Lola. " totoo po kaya Lola Ang galing NIYO po magluto napakasarap po " masayang Sabi ko Kay Lola habang kumakain na kami.
" nga po Pala Lola gusto ko po sanang maghanap ng trabaho sa bayan Kung ayus lang po sa inyo. Gusto ko po Kasi kayong tulungan kahit man lang sa gastosin lang Dito sa pang Araw Araw natin la " Sabi ko Kay Lola. " Sigurado ka ba dyan iha, baka mapano ka pa sa bayan eh " pagalala na sabi ni Lola sa akin. " Wala po Iyan Lola I make sure po na Walang mangyayari sa akin sa bayan. Saka magpapasama na lang po ako Kay Tanya po" paniniguro ko Kay Lola para Hindi Siya mag alala.
Nandito na kami Ngayon ni Tanya sa bayan. Sinamahan ako Neto para Hindi daw ako maligaw. Nang may Makita kaming nakapaskil sa kainan na dishwasher ayun agad kaming lumapit ni Tanya. Kinausap ako ng may Ari at sinabing pwede na daw ako magsimula bukas dahil kailangan na kailangan na daw nila ng Kasama. Kaya ayun Ang saya saya Namin ni Tanya habang pauwi na sa bahay. Binalita ko Naman agad Kay Lola Ang magandang Balita at pati ito at masaya Rin para sa akin.
Kinaumagahan nag ayus na ako ginawa ko na Ang laging Kong ginagawa every morning. Nang makabihis na ako ay agad na akong lumabas ng bahay at pumunta sa may sakayan at dun ko Nakita si Jackson Isa siyang trycycle driver . Well, nanliligaw to sa akin Ngayon Ewan ko ba Dito Kung ano Nakita Neto sa akin at nagustuhan ako. Simula ng may work ako hatid sundo na ito sa akin na Walang palya at libre pa. Ayaw Naman niyang mamasahe ako kaya Hindi ko na pinilit pa.
Makalipas ang ilang buwan na panliligaw Neto sinagot ko na ito. Tanggap Naman Siya ni Lola at tanggap din ako ng angkan Neto. Makalipas lang nang ilang Araw na sinagot ko toh bilang magkasintahan niyaya Naman na ako netong magpakasal na sinang ayunan ko Naman dahil mahal ko Siya kaya nagpakasal kami. Simple lang Ang kasalan na naganap dahil Hindi Naman kami mayaman gaya ng iba.
Ngayon may asawa't anak na ako kaya ARYANNA LEE MADRIGAL na Ang pangalan ko. Masaya din Naman Ang pagsasama Namin mag Asawa pero Hindi Namin maiiwasan Ang Hindi mag away. Ewan ko ba Kung bakit natagalan ko tong lalaking toh siguro dahil na Rin mahal ko. Pero dumadalas na Ang pag aaway naming dalawa, Kung Hindi man sa Pera Minsan Ang kanyang pagkaseloso ng Asawa ko.
Lagi Niya akong pinag iisipan na may iba akong lalaki. Iyan Ang madalas Namin pag awayan pero sa tanan ng Buhay ko kahit kailan Hindi ko magagawa Ang Isang bagay na alam Kong labag sa batas at labag sa Diyos kaya Hindi ko magagawa Iyon.Dahil alam ko Hindi ito Gawain ng matinong babae.
Ang totoo niyan may naalala na ako. Unti unting bumalik lahat ng alaala ko. Pero Hindi iyon naging hadlang para limutin ko Kung ano man Ang pinagsamahan Namin ng Asawa ko. Alam ko na Rin Kung ano Ang estado ko sa buhay at Ang pagkatao ko. Sabihin na natin na ipinagpatuloy ko Kung ano man ako Ngayon. Kung masasabi bang pagpapanggap lang lahat ng ito Wala na akong magagawa Dahil nangyari na Ang lahat. Mas maganda ng magpanggap na mahirap Kasi doon mo malalaman Kung sino Ang tapat sa iyo at Kung sino Ang handang mahalin ka kahit mahirap ka lang.
Oo mayaman ako pero ayuko kasing kaya lang nila ako nilalapitan o kaya lang nila kayang mahalin ay Dahil sa Pera, Dahil sa mapera ako. Minsan kaya lang sila mabait Sayo Dahil din sa Pera parang Ang kalabasan eh Pera Ang mas matimbang sa mundong ito. Kaya inilihim ko na lang Ang sekreto ko.
Hanggang sa napagdesisyonan Kong magibang bansa para sa pamilya ko at para makahon na Rin sa kahirapan. Kaya kahit ayaw ng Asawa ko pinilit ko pa Rin mag apply. Dahil sa kakapumilit ko pumayag din Siya sa huli Dahil alam niyang para din ito sa kinabukasan Namin alang alang sa pamilya Namin.
Para Naman may experience na din ako. Lahat na ata ng klaseng trabaho napasukan ko na. Hindi alam ng Asawa ko Ang totoong pagkatao ko Dahil takot akong kamuhian Niya ako at Iwan Dahil sa panloloko ko sakanila. Dahil alam ko Kung ano Ang posibilidad na mangyari kapag nalaman nila Ang totoo. Dahil sa lalim ng pag iisip ko Hindi ko namalayan na ilang beses na pa lang nag ring Ang phone ko. Tiningnan ko Naman ito Kung sino si Tanya pala.
"Hi beshy napatawag ka? Anong Meron?" Tanong ko Dito. " hello beshy may ibabalita ako sayo, Diba gusto mo Rin mag apply ng DH sa ibang bansa? Eto na pagkakataon natin besh may nakilala ako na magiging agent natin SI ma'am Marilyn. Siya Ang tutulong satin at Sakanya lahat ng gastosin besh Libre lahat Kaya go na Tayo " masayang Sabi Neto sa akin. " talaga besh? cgurado Kaba dyan? Saka legal ba Yan? " mga Tanong ko Sakanya.
"oo beshy legal ito marami na nga Silang napalipad eh. Oh ano na? gusto mo ba o hindi? " Tanong Neto sa akin. " aba' syempre gusto ko para sa pamilya ko gagawin ko besh " sagot ko Dito. " Oh sha luluwas na Tayo bukas papuntang maynila huh para ayusin mga documents natin " Sabi Neto. " cge besh " sagot ko Naman." bye beshy kita kits na lang Tayo bukas huh" paalam Neto. " cge besh, bye ". Saka na Niya binaba Ang phone.
Pagkatapos namin nag usap ni Tanya sinabi ko sa Asawa ko ang magandang balita. Pero sa kasamaan palad ang dami na naman niyang SINASABI Kung ano ano kesyo ganto ganyan baka daw makahanap ako ng iba dun. Haay naku, ang hirap talaga intindihin Ang taong toh nakakapagod mag explain sakanyan. Pero kinausap ko parin siya ng maayus para walang gulo. Mahirap kasing lumuwas ng may samaan ng loob Kaya un naayus din sa awa ng Diyos.
Gumagabi na kaya kailangan ko ng mag ayus ng gamit ko na dadalhin ko. Magluluto Muna ako para makakain na kami. Nang matapos kaming kumain inayus ko na gamit ko at sa wakas na tapos ko Rin. Pero Ndi ko namalayan Anong oras na Pala kaya Pala tahimik na Ang buong bahay Dahil tulog na Pala Ang Asawa at mga anak ko. Kaya humiga na Rin ako at nang makatulog na para maaga ako bukas.
Kinaumagahaan nakahanda na lahat ng gamit ko. Kinausap Kong mabuti Ang Asawa't anak ko at Nagpaalam ako ng maayus sakanila.
" aalis na ako be, Ikaw na bahala sa mga anak natin ha. Mga bilin ko sayo be wag mong kakalimutan at mamimiss ko kayo Mahal na Mahal ko kayo" Saka ko Kinausap din Ang panganay ko.
" Anak magpakabait ka hah at mag aral ka ng mabuti. Magsisikap SI mama doon na magtrabaho para makatapos ka ng pag aaral kaya galingan mo hah" Sabi ko Dito. " Opo mama ako na Rin po magbabantay sa kambal. Ingat po kayo dun mama ah. Saka tawag po kayo Kay papa kapag andun kana. I love u po mama " masayang Sabi Neto na halatang pinipilit lang neto. " I love u too anak. Sige na aalis na ako okay? mag iingat kayo Dito hah, bee alis na ako. Pamamaalam ko sakanila. " Sige ingat ka " sagot Naman Neto.
Habang nagbabyahe kami ni Tanya nagdadasal ako na Sana ndi ako magkaproblema sa documents at Sana makaalis din kami kaagad. Nakarating na kami dito sa maynila at inasikaso Naman agad lahat. At Sa wakas natapos din lahat ng documents namin. Ang swerte din namin ni Tanya Kasi magkasama kami sa Isang Bahay, lilipad na kami papuntang Saudi bukas. Kaya heto kami Ngayon sarap na sarap kami sa pagkain Dahil sinusulit na Namin Ang mga pagkain Pinoy Dahil sigurado Ang pagkain dun Iba.
Nagkwentuhan pa kami ng Kung ano ano Hanggang sa napagdesisyonan na Namin tumayo at ng makapasyal Muna kami. Habang andito pa kami sa pinas kaya sulitin na Namin.
Kinaumagahaan nang magising ako naligo na ako at nagbihis at nag aayus na kami ni Tanya ng gamit aalis na kami papuntang airport. Nasa airport na kami ngayon habang nakapila. Sasakay na kami sa eroplano pero etong Kasama ko kinakabahan kaya pati ako nadamay na Rin ni Hindi ko alam Kung bakit. Haay Lord kau na po bahala samin ingatan niyo po kami.