Bernadette's Pov: Nanatiling nakatitig ako sa hologram na inilabas ng palad ko. Huling araw na para sa tournament at dalawang pangalan na din lang ang natitirang umiilaw mula sa magkatapat na bracket. Tapos na ang team battle, official announcement na lang ang kailangan para sa pagkapanalo ng Warden namin. Maya-maya naman ay ang sa single duel at pagkatapos niyon ay ang finale ng dual duel. Muli akong napatingin sa mga pangalang maghaharap sa finale ng tournament. Ang mga mananalo doon ang magsisilbing basehan sa mga tatanghaling panalo sa pagtatapos ng tournament. Sina Ralph at Kenneth mula sa Warden of Magistrates laban kina James at Aki from Warden of Slayers. At sa single duel... Ako at si Crayon. Ilang laban din ang pinagdaanan at pinaghirapan kong ipanalo para lang makarating

