Leigh's Pov: "Humanda kayo, may nagmamatyag sa atin," Ariel informed us. Hindi na kinailangan pang utusan kami ng dalawang Senior. Lumapit kami sa isa't-isa. Lumayo din kami sa malalim na hukay na ginawa ni Juduel. Sa iisang direksyon lang kami tumingin, katapat ng pinagtaguan namin kanina. Hindi ako maaaring magkamali, bukod sa iisang team na lang naman ang makakaharap namin, hindi din maipagkakaila ang presensyang inilalabas nila. Magistrates. Hindi ko alam kung dahil ba sa nirerepresenta nila ang kadiliman o kung ano pero iba talaga ang presensyang ibinibigay nila. "That's so coward, Juduel." Agad kong nakilala si Damian, isang Senior. "Hinintay mong manghina ang mga Slayer saka ka sumugod. Dalawamg team ang na-eliminate dahil sa taktikang ginawa mo. Hindi nga lang ako natutuwa,

