Donna's Pov: Hindi pa din nawawala ang excitement sa lahat kahit pa tapos na ang laban nina Bernadette at Marvin. Sobrang ganda niyon at nakakapagsisi na hindi ko napanood ang simula. Sayang talaga! Hangang-hanga din ako sa kaibigan ko. Hindi ko akalaing ganoon na s'ya kalakas. Sulit na sulit ang pagpapahirap sa kanya sa training ni Sir Daecyll. Maging si Marvin, natalo man s'ya pero higit pa sa inaasahan ng lahat ang ipinamalas n'ya. Hindi ko din pwedeng hindi purihin ang kamuntikan n'yang pagkapanalo laban sa piniling Binhi. "Halika na Donna, puntahan natin si Bernadette!" Hindi na ako nakatanggi nang hilahin na ako nina Rio. Mabilis kaming nakalayo sa mga naghihiyawan pa ding estudyante. Ramdam na ramdam ang kasiyahan ng Warden namin dahil sa pagkapanalo ni Bernadette. "Pang i

