Donna's Pov: Muli akong napatingin sa pintuan nang makarinig ng malakas na sigawan. Ramdam na ramdam ko din ang vibration sa hangin tanda ng paglalaban ng malakas na kapangyarihan. Maging ang sahig nga ay gumagalaw kahit pa nasa mataas na palapag ang training room na kinalalagyan ko. Nagsimula na ang tournament at gustong-gusto kong tumakbo palabas para manood. Kundi lang talaga sa training ko ngayon. Kanina pang umaga nagsimula at tanghali na ngayon. Kating-kati na talaga ang mga paa ko. "Gusto mo bang manood?" Mabilis na lumingon ako kay Sir Myel. "Opo!" Kahit ako ay napangiwi sa lakas ng boses ko. "Sige. Pagbibigyan kita ngayon..." Tinanggal n'ya ang proteksyong inilagay n'ya sa buong silid. "Pero ngayong araw lang. Pagkatapos nito ay magfo-focus ka ulit sa training mo." Mabilis

