Donna's Pov: Ilang beses pa akong napahatsing nang malanghap ang buhangin. Maluha-luhang pinunasan ko ang ilong ko. Hindi ko alam kung minamalas ba talaga ako at ngayon pa naging sensitibo ang ilong ko sa mga buhanging nasa harapan ko. May limang tambak ng buhangin na nakapaligid sa akin at kanina ko pa sinusubukang makalikha ng kahit ano mula sa mga iyon pero ni kahit bahay ng mga langgam ay wala akong magawa. Halos dalawang linggo na din mula nang bumalik ako sa training at ni kahit minsan ay hindi ako pinagpahinga ni Sir. Sineryoso n'ya talaga ang sinabi n'yang babawi ako sa mga na-miss kong training. Tatlong klase ang training ko. Sa umaga ay mas pinapalawak ko ang kontrol sa kapangyarihang nahahawakan ko, sa tanghali naman ay may dalawang oras akong training ng combat at si Sir

