Donna's Pov: "Sigurado ka bang okay ka lang talaga? Walang masakit sa'yo o may iba ka pa bang nararamdaman?" Pang-ilang tanong ko na iyon kay Dice. At tulad pa din ng dati ang reaksyon n'ya. Kukunutan n'ya lang ako ng noo at hindi papansinin. "Hoy!" Kinurot ko ang kamay n'ya. "Kung okay ka lang ba talaga? Sumagot ka nga!" Tumagilid s'ya at tiningnan ako. "Maayos lang ako pero kapag nagtagal ka pang nandito, baka lumala ang kondisyon ko." Sinimangutan ko na lang ang supladong lalaki. Nandito ako sa clinic at kung hindi pa kinailangang bumalik ng Faya ni Sir Myel ay hindi pa ako makakapagpahinga sa training namin. Ayaw pa nga n'ya sana akong bigyan ng pahinga at gusto pa akong bigyan ng pansamantalang mentor pero napilit ko s'yang hayaan n'ya ako kahit ngayong araw lang. Mabuti na din

