Donna's Pov: "Alam mo ba kung bakit isa sila sa iilang tandem na kinatatakutan kapag dual battles?" Napatingin ako kay Rexcell. Nandito na din sila nina Rio at Fhaye. Tinapos lang nila ang mga training nila at ngayon nga ay nakaabot pa sila sa ikatlong laban ngayon araw. Tumingin ako sa arena. Kasalukuyang kinakausap na ng mga Healer at propesor ang apat na lalaking estudyante. Dalawa sa kanila ay mula sa Warden ng mga Magistrates at ang dalawa ay mula sa amin. "Sino? Sina Win at Mart?" Tukoy ko sa dalawang lalaking player ng Warden namin. Umiling si Rexcell. "Nope. Sina Ralph at Kenneth." Itinuro pa n'ya ang dalawang lalaking tila nagbibiruan pa. Nagtatawanan ang dalawa sa hindi malamang dahilan. "Synchronize?" Agad na napaharap ako sa kanya. "Ganoon sila kagaling?" Tumango si Rex

