Donna's Pov: Napangiti ako nang makita ang bagong uniporme sa kama ko. Hindi ko akalaing makakaramdam ako ng excitement sa pagtingin pa lang sa uniform ko. Kinuha ko iyon at sinuot na. Medyo nahirapan pa ako sa pagsusuot dahil sa medyo pangangalay ng kamay ko. Ilang araw din akong nakahiga lang dito sa clinic kaya pakiramdam ko ay namanhid na ang mga kamay at paa ko. Matinding pagbabantay din ang ginawa sa akin nina Sir Jayson na para bang tatakas ako. Lumabas ako ng banyo nang matapos magbihis. Niligpit ko ang mga ginamit ko. Napatingin ako sa pinto nang may magbukas niyon. "Charan! Eto na ang hinihintay mong araw! Araw ng kalayaan!" Fhaye cheered. Masayang-masaya s'ya at napakagaan ng aura n'ya. Kakaiba din ang kislap sa mga mata n'ya. Nanatiling nakatingin lang ako sa kanya. S'ya

