Ang buong akala ko ay iiwan niya na ako at lulubayan since nakuha naman na niya ang number ko. Subalit nagulat na naman ako nang sumasabay na siya sa mga hakbang ko sa hallway kung saan ay patungo ang daan na iyon sa main entrance ng university upang lumabas. Bago ko siya sinita ay binasa ko muna ang text ni Leon na ang sabi ay medyo matatagalan pa siyang pumunta, pero huwag na huwag akong uuwi dahil sure na susunduin niya ako. Taliwas iyon sa sinabi niyang saglit lang at pupuntahan niya na ako. Inangat ko na ang mga mata sa kasama matapos na mag-reply kay Leon na sige, hihintayin ko siya dito. “Hindi ka pa ba uuwi, Henley?” Pinili kong maging malumanay ang tono ng boses. Baka mamaya isipin niyang sinusungitan ko siya at pinagmamalditahan na agad. “Ikaw, Charlie? Uuwi ka na ba o may pu

