Napabuga na ako ng hininga. Hangga’t maaari ay ayaw ko siyang patulan at sagutin ng pabalagbag dahil alam kong ako ang mali. Alam kong nagagalit naman talaga ang ginawa ko, lalo sa kagaya niyang mainipin sa paghihintay. At aminado ako sa mga nangyari. Ang sa akin lang, tama na iyong minsang ipinamukha niya sa akin ang kasalanang nagawa ko. Huwag na sanang paulit-ulit pa iyon. “N-Naiintidihan ko naman po—” “Ganun naman pala, eh bakit wala ka dito? Nasaan ka? Aminin mong hindi mo naintindihan. O naintindihan mo pero pinili mo pa ‘ring suwayin. Sinabihan kitang saglit lang, hindi magtatagal at pupuntahan na kita para sunduin. Hindi mo man lang cheneck ang cellphone mo para tingnan kung nasaan na ako. Hindi ba?” Napakagat na ako ng labi upang pigilin na bigla na lang maiyak. Nasasaktan ako

