Humalukipkip ako sabay tingin ng mga mata sa labas ng bintana. Believe pa rin ako sa sarili ko na nagawa kong pigilan ang napipintong pag-iyak kanina. Bagama’t kalmado na ako nang bahagya ay hindi pa rin nawawala ang poot na nakabalot sa aking puso bunga ng ginawa ni Leon. Iniisip ko pa rin ang walang habas na pagsira niya sa simcard ko kanina. Ang linaw-linaw pa noon sa aking balintataw. Nakaukit na nga yata ang pangyayaring iyon sa aking isipan. Kung hindi niya ibibigay ang gusto ko at hinihiling ko, asahan niyang hindi ko na siya kakausapin pa kahit na kailan. Ano naman kung tanggalin niya ako sa trabaho ko? Wala naman siyang mapipigang pera na pambayad ko sa utang. Siya rin naman iyong mawawalan at malulugi ng malaki. Ini-enroll niya na ako tapos wala rin namang maaasahan. Sayang la

