bc

The Unmarried Wife- (The Dangerous Gentlemen Circle #2)

book_age18+
119
FOLLOW
1.0K
READ
billionaire
contract marriage
HE
second chance
arrogant
single mother
heir/heiress
blue collar
bxg
small town
lies
love at the first sight
addiction
like
intro-logo
Blurb

"My husband and I have been married for three years. I gave him a child and now, I'm pregnant with our second, but then... I learned the truth- the lie that completely ruined me.

That I am merely his unmarried wife.

I want to fight for my rights, but do I even have the right to fight for a husband who was never truly mine? A man who, from the very beginning, was destined for someone else."

chap-preview
Free preview
Prologue
-------- “Mama, bakit kayo umiiyak at saka… bakit niyo nililigpit ang mga gamit natin?” Napatigil ako sa pagtitiklop ng mga damit sa ibabaw ng kama. Mabagal akong napalingon sa may pintuan at doon ko nakita si Elise. Nakasungaw siya habang yakap-yakap ang maliit niyang stuffed bunny, ang malalaki niyang mata puno ng inosenteng pag-aalala. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko gamit ang likod ng palad ko. Ayokong makita niya akong ganito. Ayokong maramdaman niya na parang gumuho na ang mundo namin. “Come here, baby,” mahina kong tawag. Maingat siyang humakbang palapit sa akin, parang natatakot na baka may mali siyang magawa. Pagkalapit niya, agad ko siyang hinila paupo sa kandungan ko at mahigpit ko siyang niyakap. Doon tuluyang bumigay ang emosyon ko. “I’m sorry… I’m so sorry, anak…” umiiyak kong bulong habang yakap na yakap siya. “M- Mama?” naguguluhan niyang tanong. Ramdam ko ang maliliit niyang kamay na humahawak sa braso ko, parang sinusubukan niya akong patahanin kahit hindi niya naiintindihan ang nangyayari. Mas lalo lang sumikip ang dibdib ko dahil doon. Unti-unti akong kumalas sa yakap at pinunasan ko ang pisngi niya kahit wala naman siyang luha. Nanginginig ang labi kong tinitigan siya. “Bakit po kayo nagso-sorry?” inosente niyang tanong. Napatulo na naman ang mga luha ko. Hindi ko alam paano ipapaliwanag sa tatlong taong gulang kong anak na kailangan naming tumakas. Hindi ko alam paano sasabihin sa kanya na ang mundong dapat sana’y ligtas para sa kanya ay siya mismong naging dahilan kung bakit kailangan ko siyang ilayo. Hinawakan ko ang maliliit niyang kamay at marahan ko iyong pinisil. “I’m sorry, baby… kasi kailangan na nating umalis.” Biglang lumiwanag ang mukha niya. “Talaga, Mama?” masaya niyang bulalas. “Babalik na tayo sa probinsya? Gusto ko na doon. Ang daming bad people dito.” Parang may pumiga sa puso ko sa sinabi niya. Kahit bata pa siya, naramdaman niya lahat. Ang takot. Ang sigawan. Ang mga gabing umiiyak ako habang akala ko tulog siya. Ngumiti ako kahit hirap na hirap ako. “Hindi tayo babalik sa probinsya, anak,” marahan kong sabi habang hinihimas ang buhok niya. “Pero pupunta tayo sa place kung saan wala nang bad people na mananakit sa’yo. Okay?” Agad siyang napangiti at tumango-tango. “Yey! Totoo, Mama?” “Yes, baby. Promise.” Masaya siyang napahawak sa kamay ko pero maya-maya, bigla siyang natahimik. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya habang tumitingin sa akin. “Paano po si Papa?” mahina niyang tanong. “Makakasama ba natin siya?” Napalunok ako sa tanong niya. Pakiramdam ko biglang bumigat ang hangin sa maliit naming kwarto. Tinitigan ko ang inosente niyang mukha habang hinihintay niya ang sagot ko, walang kaalam-alam na unti-unting nadudurog ang puso ko. Nilakasan ko ang loob ko at pilit akong ngumiti. “Hindi natin makakasama si Papa, baby,” mahina kong sabi habang hinahaplos ang pisngi niya. “And… baka matagal pa bago natin siya makasama.” Tahimik lang siyang nakatingin sa akin ng ilang segundo. Akala ko iiyak siya o magtatanong ulit, pero nagulat ako nang ngumiti siya nang maliit. “Okay lang po, Mama,” inosente niyang sagot. “Sanay naman ako na wala lagi si Papa.” Parang may matalim na bagay na bumaon sa dibdib ko dahil sa narinig ko. “Sapat na po sa akin na kasama ko kayo.” Mabilis kong pinunasan ang mga luha kong muling tumulo. Hindi ko alam kung paano kinakaya ng batang ito na tanggapin ang mga bagay na kahit ako, hirap tanggapin. Ngumiti ako sa kanya kahit nanginginig ang labi ko saka ko siya niyakap nang mahigpit. “Magiging maayos na ang buhay nating dalawa, Elise,” bulong ko habang hinahaplos ang buhok niya. “I promise you that.” Ngumiti ako, pero may halo iyong pait at lungkot na ako lang ang nakakaintindi. Mahigpit kong niyakap si Elise habang nakasandal siya sa dibdib ko, pero sa likod ng pilit kong ngiti, unti-unti naman akong nauubos. Dahil ang totoo… nagsisinungaling ako sa anak ko. Hindi na talaga namin makakasama ang papa niya. Hindi na. Dahil mas pinili na ni Khalil ang buhay na matagal niya nang gustong balikan. Ang mundong kailanman ay hindi ako nabigyan ng lugar. Napapikit ako habang pilit kong nilulunok ang sakit na muling umahon sa dibdib ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos matanggap na ang lalaking minahal ko nang buong puso ay isa palang taong hindi ko talaga kilala. Marami siyang lihim. Masyadong marami. Pati ang tunay niyang pagkatao, itinago niya sa akin nang matagal. Akala ko simpleng tao lang siya. Akala ko pareho kaming magsusumikap para sa pangarap namin at sa pamilya namin. Pero mali pala ako. Dahil habang buo kong pinanghahawakan ang pamilya naming tatlo, may iba palang buhay na naghihintay sa kanya. Isang buhay na hindi ko kayang abutin at walang puwang ang isang tulad ko. At ngayon… ikakasal na siya sa ibang babae. Sa babaeng mas bagay sa estado niya. Sa babaeng magpapataas lalo ng pangalan at kapangyarihan niya. Isang babaeng kaya niyang ipakilala sa buong mundo nang walang pag-aalinlangan. Hindi tulad ko. Isa lang akong simpleng probinsyana na itinago niya sa likod ng perpektong buhay niya. Ako si Stella. Tatlong taon kaming kasal ng asawa kong si Khalil. May anak kaming si Elise at kasalukuyan akong buntis sa pangalawa naming anak. Pero ilang buwan na ang nakalipas mula nang madiskubre ko ang pinakamasakit na katotohanan sa buhay ko— That I am an unmarried wife. At ang asawa ko… hindi pala siya ang lalaking akala ko kilala ko. Pagod na pagod na ako. Pagod na akong ipaglaban ang isang relasyon na hindi ko alam kung may karapatan ba talaga akong ipaglaban. Pagod na akong umasa na isang araw, pipiliin niya rin kami. Tahimik akong napabuntong-hininga habang nakatitig sa kawalan. “Khalil,” bulong ng isip ko, na para bang kaharap ko siya ngayon. “Hindi kita sinisisi kung pinili mo man ang pera at kapangyarihan kaysa sa amin ng mga anak mo.” Unti-unti na naman namuo ang luha sa mga mata ko. “Sana… hindi mo rin ako masisi kung pinili kong umalis kaysa hintayin ang panahon na kami naman ang piliin mo. Na pinili kong wag hintayin ang panahong ipinangako mo sa akin." Pumikit ako habang tuluyang bumagsak ang luha ko. “Pagod na ako. Tapos na tayo.” -------- -------- This is just a Prologue. Ang mga sumunod na chapters ay nangyari bago ito. Salamat sa mga magiging readers nito. This is my 2nd book of my series "The Dangerous Gentelemen Circle" Published and onging as of now ang series 1, sa interesado, this is the title: Sinful Nights with my Professor (see the author's note) Guys, paminsan- minsan muna ang update nito, half of June 2026 pa ang daily update. Sa interesado, follow na lang at basahin nyo na rin. Thanks and godbles.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
747.5K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.7M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
980.6K
bc

A Warrior's Second Chance

read
360.7K
bc

Not just, the Beta

read
348.6K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook